Prologue

2K 48 5
                                    

Madaling araw na pero heto ako't pauwi pa lang . Tinawagan kasi ako ng tropa, at may nag-aya daw ng rambol. Agad agad naman akong bumangon at pumunta ron. Kating kati na rin kasi ang mga kamao ko kaso mga lampa naman pala. Tsk ! Mga walang binatbat eh.

Napalingon ako sa likudan ko ng may marinig na kaluskos na nagmumula sa halamanan na malapit lang dito sa kalsada.
Lalapitan ko na sana para tingnan ng may lumabas na pusa mula roon.

" tsk ! Pusa lang pala. Ang-paranoid mo Racky." Tsaka napakamot sa batok ko. Antok lang siguro to.

Nagpatuloy ako sa paglalakad dito sa may eskinita. Medyo may kahabaan at kadiliman ang daang ito pero sanay naman ako. Sa tagal ko ba namang napapadaan dito eh siguradong masasanay na ako.
Napahinto ulit ako ng may marinig akong parang tawa ng isang bata. Tawang nakakakilabot. Napakurap ako at nagpatuloy sa paglalakad. Shit minumulto ata ako.

Binilisan ko ang lakad ng marinig ko ulit ang tawa ng bata.
Pakiramdam ko ay nakasunod lang sa akin ito. Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman. Shit kahit naman lalaki ako ay natatakot din kahit papano. Tsk '

*giggle*

Shit ! Shit ! Confirmed, Tiyanak na to !
Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa maging takbo na ang ginagawa ko pero rinig na rinig ko pa rin ang bata. Hindi ko magawang lingunin dahil pakiramdam ko ay susunggaban ako nito.

Ang tawa ng bata ay nagiging ungol ng isang lobo. At ramdam kong sinasabayan ang bilis ng pagtakbo ko.
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob para lumingon. Mas okay na ako sa pakikipagbugbugan at basag ulo wag lang akong lapain ng isang tiyanak.

Pakiramdam ko ay isang horror movie ang nangyayari. Isang lobo ang gumagala sa eskinita at hinahabol ang magiging pagkain niya. At ang pagkain na yun ay AKO !

" AHHHHH !" Sigaw ko ng makita ang mapupulang mata ng halimaw.
Sigaw lang ako ng sigaw habang tumaktakbo ng bigla akong madapa.

" Aray !" Una pa mukha ko. Walang hiyang batong yun, pinatid ako. Tsk ! Hindi nga ako nagasgas sa laban kanina. Nagasgas naman ako dahil sa pagkakadapa.

*growl*

S-s-shit !
Nabato ako sa pagkakaupo at unti unting lumingon sa ungol na yun.
D-demonyo !

P-pulang mata, d-dAlawang sungay at-at-aaa- at.... Kingina this, nauutal ako sa takot.




Teka may demonyo bang nakasumbrero?
Bruno Mars is that you? Tsk ! Nagawa mo pang magbiro Racky kahit na malapit ka ng maging almusal ng demonyo.

" AHHHH !" Sigaw ko ng dambahin ako ng nilalang na to.
Napapikit na lang ako at hinintay ang masaklap na pagkakasawi ko.

Mamamatay na lang ba akong hindi nakikilala ang tunay na ako?
Tsk ! Wala pa nga akong girlfriend eh. Madedo na ako agad. Grabehan lang bro?

Ang tagal naman akong kainin ng nilalang na'to. Dahil sa inip na ako, minulat ko na ang mga mata at nagulat na lang sa nakita
Ramdam ko ang mga kamay nitong pumulipot sa leeg ko at ang matatabang pisngeng ikinikiskis niya sa mukha ko.

I-ito ba yung demonyo kanina?

*giggle* tawa niya




Napanganga na lang ako.
Bakit ganito?
Bakit cute na bata ang nakadagan sa akin ngayon?



*giggle*

" atatatatatata !" Sigaw niya at biglang pumula ang mga mata nito. Laking gulat ko ng kagatin niya ako sa balikat.

" Urgh!" Daing ko at bigla na lang nakaramdam ng pagkahilo.



" chochen *giggle*"

And everything went black

The Demon's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon