Umasa

54 5 3
                                    


Sa panahon ngayon, normal na lang ang umasa diba?

Umasa na sana suspended ang klase.
Umasa na sana pasado sa exam.
Umasa na sana... Mahal ka din niya..

Bakit ba tayo umaasa sa mga bagay na yan? Syempre, iniisip natin na baka pwede talagang mangyari... Na baka pwede namang maging totoo ang lahat.

Noong una, hindi naman ako umaasa na sana magustuhan din niya ako e. Wala lang sakin ang lahat. Oo nga't crush ko siya pero di ako yung tipong pag may crush aasa na hindi ako ganun. Ang mahalaga lang sakin eh yung nasisilayan ko siya araw araw. Nagsimula akong umasa noong.....

September 30,2016.

Andito ako ngayon sa school garden, dito ako madalas tumambay. Dahil di naman ako yung tipo na pala kaibigan. Yes, i do have friends but we don't have a similar schedule specially every Friday. At dahil friday ngayon, eto solo flight ako well, sanay naman ako dahil ang bestfriend ko may iba din namang friends.

Medyo nagulat pako noong may nag salita out of nowhere, tumingin ako sa tapat ko, siya lang pala..

"Hi K, ikaw lang mag isa?" Tanong ni Hiro, ang lalaking kinahuhumalingan ko. Hindi ako kagandahang babae, simple lang, average lang ang katalinuhan at ang ganda, tahimik akong klase ng babae. Kumpara sa mga nalilink sakanya? Walang wala ako..

"A-ah. Oo ako lang mag isa." Nakatingin lang siya sakin na para bang nag aabang ng susunod na sasabihin ko.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

Tumawa siya sabay sabi na, "akala ko kasi huhugot kadin katulad ng ibang babae. Haha! Kakaiba ka talaga." Sabi niya na ikinapula ng pisngi ko. Ikaw ba naman ang sabihan ng ganun diba?

"Ah. Ha-ha di naman kasi ako katulad nila. Wala rin naman akong pinang huhugutan." Sabi ko ng hindi tumitingin sakanya, "at wala rin naman kasi akong karanasan about sa love."

"Eh bakit yung iba wala namang karanasan e kung maka hugot akala mo naman..." Sabi niya habang nakatingin sa akin, nakakailang ang tingin niya. Lalo lang akong nahuhulog.

"Ahm.... Sabi ko nga sayo iba ako sa kanila. Atsaka kahit naman wala kang karanasan kung nagmahal ka at di nasuklian masasaktan ka din diba?"

Tumingin siya sakin na parang amaze na amaze na ipinagtaka ko, "Saan mo naman napulot yan? Ikaw ah!" Biro pa niya.

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya, ano ba naman yan K! Bakit ang bilis mo mamula?

"N-nabasa ko lang yon sa librong binabasa k-ko." Depensa ko.

"Haha! Wala naman akong sinasabi. Ikaw naman haha." Hindi naman kami close nito e, nagkakausap lang kami dahil parehas kaming member ng photography club.

"Oh pano ba yan K? Una na ko ah? May klase pa kasi ako e" paalam niya sakin. Tumango na lang ako at ngumiti.

October 3,2016

"K!!!!" Napalingon ako sa tumatawag ng pangalan ko.

"Ha? Bakit hiro?" Takang tanong ko.

"Wala naman! Namiss lang kita." Medyo nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, at alam kong namula din ako. Sino ba namang di mamumula doon! "So kamusta ka naman? Lagi ka na lang busy e." Sabi niya na parang nagtatampo.

"Ha? Ah.. Okay lang naman. Medyo busy nga pero ayos lang. Ikaw?"

"Ahm, hindi naman ako busy."

-

Simula ng araw na yon lagi na lang kaming magkasama ni Hiro. Sa mga araw na nagdadaan lalo lang akong nahuhulog sakanya. Sino ba namang di mahuhulog sakanya, sweet siya, caring, matalino, gwapo at higit sa lahat maka Diyos.

Sa bawat araw na lumipas pinaparamdam niyang mahalaga ako sakanya. Hindi ko alam, pero umaasa ako na sana gusto din niya ako dahil nahulog nako sakanya ng tuluyan.

Pero gumuho ang mundo ko noong sabihin niya na..

"I like your bestfriend. Ah no! I love your best friend. Can you help me K?" Parang domino na sunod sunod bumagsak ang hopes ko. Na para bang isang lindol ang nangyari sa loob ng puso ko, ngayon wasak na wasak ako.

Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa sa sobrang tanga ko! Bakit ba ako umasa sa isang taong alam ko namang imposibleng magustuhan ako? Bakit hindi ko napansin na kapag nag aaya siyang gumala dapat kasama ang best friend ko? Bakit hindi ko binigyan pansin ang mga tingin niya sa best friend ko. Masyado na talaga akong nabulag sa katotohanang ako ang gusto niya

Umasa ako na sana ako ang gusto niya...
Umasa ako na sana higit pa sa kaibigan ang tingin niya..
Umasa ako...

Hindi ko siya sinisisi. Dahil alam kong kasalanan ko kung bakit ako nahulog. Nagpadala ako sa mga kilos niya, sa salita niya na hindi ko naisip na normal at ganun talaga siyang sa mga kaibigan niya. Ang tanga ko.

Ako si Kmille Louise, umasa sa isang taong imposibleng magustuhan ang isang tulad ko.


Umasa (One shot Story)Where stories live. Discover now