Hindi Pa Rin Sapat: Her Side

40 10 4
                                    

Nakaakbay ka sakin habang naglalakad tayo sa mall. Medyo maraming tumitingin satin. Or should I say sa'yo? Eh kasi naman! Ang gwapo mo ngayon. Like duh, agaw pansin kaya.

"Do'n tayo."

Turo mo sa isang shop. Puro siya t-shirt. And most of it ay puro superhero's ang naka-print. Tinanggal mo ang pagkakaakbay mo t'saka lumapit sa Superman shirt. Inuusisa mo pa kung maganda ba yung tela. Ang arte mo talaga 'no?

Hanggang sa pinalapit mo ako.

"Sukat mo nga 'to."

Binigay mo sakin yung T-shirt na Superman.

"Bakit?"

"Basta isukat mo nalang. Tapos labas ka para makita ko."

Binigyan ko siya ng 'okay' look. Tsaka dumiretso sa fitting room. Sakto lang yung sukat ng shirt sakin. Kaya lumabas na ako. Kaso sabi nung sales lady nagsukat ka rin daw ng damit.

Nilibot ko muna yung store. Ang cute kasi ng pagkakaayos. Agaw atensyon. Yung tipong mapapapasok ka talaga.

"Sakto lang pala sayo."

Lumingon ako at nakitang pareho tayo ng damit. Nakangiti kang lumapit sakin. Sabay pindot ng pisngi ko. Gawain naming dalawa 'yon. Ewan ko kung bakit.

"Cute natin. Picture tayo."

Nilabas mo ang phone mo tapos nagselfie na tayo. Nakailang click ka pa nga sa camera. Kainis! Ang dami kong epic do'n.

"Bibilhin na ba natin 'to?"

Tanong ko pero busy ka sa pagtingin ng pictures natin. Kaya naman sinundot na kita sa pisngi. Binigyan mo ako ng 'ano?' na tingin.

"Sabi ko, ito na ba yung bibilhin natin?"

"Ah, oo. Sige magpalit ka na."

Pumunta agad ako ng fitting room. Pagkalabas ko nasa counter ka na. Binigay ko na yung damit para mabayaran mo na.

Habang nasa jeep tayo tahimik ka lang. Pati ako hindi makaimik. Ewan ko ba!

Nung nasa tapat na tayo ng bahay, bigla mo 'kong niyakap. Pero hindi kita niyakap pabalik. Hindi ko kaya...

"Salamat sa pagsama, Tol. Sa uulitin."

Tinulak kita ng mahina para bumitaw ka na sa yakap mo.

"Wala 'yon. Sige na. Ibigay mo na yan sa kanya. Sure akong magugustuhan niya yan. Haha corny mo, couple shirt pa talaga."

Tumango ka at ngumiti ng pilit.

"Sige sa uilitin ah?"

Hindi na kita sinagot. Pumasok na agad ako sa bahay. Hindi ko sinagot kasi hindi ko alam kung mauulit pa ba 'yon. Kasi aalis na ako bukas.

Alam mo yung feeling na gusto naman natin ang isa't isa? Kaso hindi lang natin maamin? Yon tayo eh.

Ang hirap kasi 'no? Yung ang tagal na nating magkaibigan. Tapos matagal na rin tayong may gusto sa isa't isa, kaso hindi natin maamin kasi ayaw nating masira yung friendship na nabuo natin.

Kaya nanligaw ka nalang ng iba. Tapos pinipilit mong tratuhin siya kung paano mo ako tinatrato kaso hindi mo magawa. Kasi hindi mo maramdaman sa kanya yung nararamdaman mo sakin.

Ako naman 'tong si tanga, hinihintay pa rin kung kailan ka aamin. Kaso alam kong wala ka talagang balak. Kasi kahit yung mga kaibigan nating tinutukso tayo pinapagalitan mo pa. Napakaindenial mo kasi! Kaasar.

Ang dami na kayang nakakapansin sa turingan natin. Sabi nga nila kung hindi raw nila tayo kilala, mapagkakamalan daw nila tayong magbf/gf. Oh diba? Obvious naman na kasi yung feelings natin. Tayo lang 'tong pumipigil.

So 'yon, aalis na ako bukas. Tapos hindi pa rin natin maamin-amin sa isa't isa. Para ka kasing timang! Nag-girlfriend ka pa, eh alam mo namang lalo ka lang mahihirapan.

By the way, ang sakit sa feelings ah. Yung tipong sinukat ko yung t-shirt na ireregalo mo sa kanya. Ano 'to? Way ng pagpaparamdam sa'kin na magmove on na ako? Ang sakit lang.

Ayon, sana mahalin mo siya. Tulad ng naramdaman ko. Makakapagmove on naman siguro ako don pagdating ko sa States. Tapos hindi ko alam kung kailan ako babalik. Siguro pagbalik ko pareho na tayong masaya sa kaniya-kaniyang buhay. Ganun siguro katagal yung pagkawala ko rito. Ayos na rin siguro 'yon.

Ayoko nang sabihin sayo na aalis ako. Kasi alam kong malulungkot ka. Baka mahirapan lang akong umalis. Mas mabuti pang tsaka mo na malaman, kapag nandon na ako. Para hindi mo na ako mapigilan.

Hay naku. Hindi pa rin pala sapat. Hindi pa rin pala sapat na gusto lang natin ang isa't isa. Hindi pa rin pala sapat na iparamdam lang natin sa isa't isa. Kasi hanggat walang umaamin satin, hindi pa rin sapat.

Hindi Pa Rin SapatWo Geschichten leben. Entdecke jetzt