51st Part The Kings Gloomy Day

9.2K 275 29
                                    

~~~~~ASH's POV~~~~~

"Puwede ba? Wag naman tayong ganito." Tinignan ko ang mga kaibigan kong nagmumukhang mga zombie na naka handusay lang sa mga kani-kanilang upuan. "Mas mabuti pa, tara nalang sa court. Laro nalang tayo ng basketball" aya ko pa sa kanila.

"Wag mo kong kausapin."

"Wala ako sa mood."

"Ikaw nalang."

Umani naman ako ng mga negative na sagot sa suggestion kong mag papawis kami dahil tumataba na sila ng konte. Simula kasi ng umuwi kami galing Japan wala ng ginawa itong tatlo kundi magmukmuk ng magmukmuk ng magmukmuk. Andito nga sila kasama ko pero halata namang lutang ang mga isip nila pati ata kaluluwa ng mga ito wala sa katawan, lutang din kung saan saan. Saan ko kaya puwedeng hanapin? 🙄🙄🙄🙄🤓🤓🤓🤓😶😶😶

"Ano ba naman kayo. Dalawang linggo na kayong nagluluksa hindi pa ba kayo nag sasawa? Balak niyo pa atang mag 40 days sa lagay na yan. Araw ng Patay nga tapos na, yang nararamdaman niyo pa kaya, hindi pa?"

Hindi naman nila ako pinansin pero tumingin si Reid sa akin pagkatapos ay binalingan yung dalawang mas lalo pang namatayan ang itsura kaysa sa kanya. "Nakausap niyo ba kahit isa sa kanila?" Tanong ni Reid sa dalawa. Sa tanong na yun ni Reid mas lalong nag mukmuk yung dalawa.

"Wala sa kanila ang sumasagot." Sagot ni Ace sa kanya.

"Even our group chat?"

"Ni remove na nila ang sarili nila sa group chat natin 2 weeks ago."

Tignan niyo 'tong mga ito. Kanina nung kinakausap ko sila ni hindi man lang nila ako pansinin tapos ngayon na yung dalawa ang pinag uusapan active silang sumagot. Pati yung group chat na bihira lang nilang buksan ngayon naka open na 24 hours. Nakaka-hurt 'tong tatlong ito, akala naman nila hindi ako naapektohan sa ginagawa nila, nagluluksa din ako ah, hindi nga lang halata.

"Guys" sina Izzy at Wendyll ay nandito narin sa room namin. Sadyang sinusundo na kami dahil lunch na.

Sa pagmumukmok nung tatlo nakakalimutan na nilang kumain kaya sina Izzy at Wendyll sinusundo kami tuwing lunch at hinihikayat 'tong tatlo para lang kumain. Pero sa tuwing mag aaya sila para kumain siya ding ayaw pasama nung tatlo.

"Tara na" hila ni Wendyll sa braso ni Rouge para lang tumayo ito.

"Stand up na, guys. You all have to eat." Ganoon din ang ginawa ni Izzy kinila Ace at Reid.

"Wala akong gana." Sagot ni Reid.

"Kayo nalang." Sagot naman ni Rouge.

"Go away" Sagot naman ni Ace.

Yan ang routin namin simula ng makabalik kami. Walang araw sa dalawang linggo na hindi ganito ang lunch namin. Mga pabebe at pa importante 'tong tatlo na hindi naman talaga nila gawain.

Gumive up naman din yung dalawa at umupo narin sa katabing upuan nung tatlo. Siguro ay napagod narin sila sa ganitong routin na kung ako ang tatanungin ay pagod na din.

"Hindi na ba talaga babalik yung dalawa?"

"Yeah. I asked Sir Jerry last week if Kara and Jen submitted there drop out form and he looks confused."

"Tumawag daw ang Mommy ni Kara sa kanya at nag pa excuse yung dalawa due to some personal reason kaya naka home school daw yung dalawa ngayon." Sagot ko sa tanong ni Izzy dahil mas lalong nagmumukhang patay yung dalawa.

"Eventually ma-dro-drop din yung dalawa kung hindi sila papasok."

"Hindi din naman na sila babalik." Sagot ko nanaman sa tanong ni Wendyll ng bigla akong tinignan ng masama nung tatlo. At sabay sabay pa talaga silang lumingon sa gawi ko.

My girl is a Mafia!!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن