Kung Ako Lang

4 0 0
                                    

Gio's POV

"Walang hiya ka pare!" rinig kong sigaw ni Ralph, isa sa mga kaibigan ko, sabay hila't suntok sakin. Dahil dito'y napasubsob ako.

"Lakas ng suntok natin ah. Dumugo pa labi ko." pinunasan ko ang dugo na nagmula sa labi ko sabay ngisi.

"T*ng in* ka pare! Kala ko ba nagbago ka na?! Pati ba naman si Chin lolokohin mo?!" galit na bulyaw nito sa akin.

"Tss. Bat parang ikaw itong niloko pare? Masyado ka namang affected. Kilala mo naman ako diba? Sa tagal nating magkakasama alam nyong madali akong magsawa. At ngayon, sawa na ako sa babaeng yan." tiningnan ko kung anong reaction ni Chin. Parang wala lang sakanya ang nangyayari.

"Pero Gio sabi mo mahal mo si Chin? Sya nga lang ang tanging karelasyon mo na nagtagal ng halos 5 taon. Tsaka sya lang din ang pinakilala mo sa barkada bilang official gf mo. Nagbibiro ka lang naman siguro diba tol?" tanong ni Dianne

"Mukha ba akong nagbibiro Dianne? Alam mo namang pag sinabi kong ayaw ko na, ayoko na. Nakakasawa na yang babaeng yan. Tsaka magkakaibigan tayo, kaya tangapin nyo nalang ang desisyon ko."

"Tama ka pare magkakaibigan tayo. Pero hindi namin kukunsintihin ang kagaguhan mo. Kaibigan na rin namin si Chin." Seryosong saad ni Jeff.

"Ano pa ba ang aasahan natin sa gag*ng yan?! Hindi na yan magbabago. Pabayaan nalang natin sya. Tiyak mare realize din nya ang pagkakamali nya." Sabat naman ni Zia

"Hindi na magbabago pa ang isip ko. Dati naman ay mabilis nyong natatanggap ang desisyon ko diba?"

"Pero kaibigan na rin namin si Chin tol. Hindi naman ata tamang isama mo sya sa collections mo." -Dianne

"Nagawa ko na-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makatanggap na naman ako ng suntok mula kay Ralph.

"Kelan ka ba titino ha!? Matagal na naming sinabing tigilan mo na yang paglalaro mo. Yan bang babaeng yan ang ipinalit mo kay Chin!? Tss. Naku miss layuan mo na ang lalaking to. Paglalaruan ka lang nya... Lolokohin tulad ng ginawa nya sa kaibigan namin." Sigaw nito sabay tulak palayo kay Gella.

Tinulak ko into dahilan para mawalan sya ng balanse.

"Wag na wag mo syang maitulak!" Pagbabanta ko rito

"Acting like a knight, eh? Tss. Luma na yan uy!" Sagot nito

"Pakialam mo g*go! Tsaka break na rin naman kami ni Chin, ah!"

Hindi na yata nito napigilan ang inis. Sinugod ako't pinagsusuntok. Inawat nina Jeff si Ralph. Hinayaan ko si Ralph na ilabas ang galit nya.

"Kuya Ralph tama na yan!" Sigaw ni Dianne. Tama magkapatid nga sina Ralph at Dianne. Tumigil rin naman sa ere ang kamao ni Ralph ng marinig ang sigaw ng kapatid. Magkaibigan nga kami, parehong talo ng nakababatang kapatid.

"Umalis na tayo" halos sabay na wika nina Jeff at Zia

"Hindi ko alam kung bakit tinuring kitang best friend! Nakakasuya ka bro!" Wika ni Ralph habang hawak sya ni Jeff.

Tumalikod na sila. Tinalikuran na ako ng mga kaibigan ko. Si Chin? Parang wala lang sakanya ang nangyayari. Tama nga kaya ang desisyon ko?

Unti unting pumatak ang luha ko habang tinitingnan ang palayo kong mga kaibigan kasama ang babaeng mahal ko.

"Ayos lang yan kuya. Maiintindihan ka rin nila."

"Himala tinawag mo akong kuya. Ano naman nakain mo ha? Ganyan ba ang dulot ng sariwang hangin sayo? Hahaha" tama. Si Gella, na napagkamalan nilang bagong babae ko, ay ang kakambal ko.

"Tss. Kino- comfort kana nga eh. Di wag!"

"Sus yung kambal ko oh, nagtatampo hahaha..."

"Ewan ko sayo kuya. Pero parang napalapit na talaga si Chin sa kanila. Ang laki ng galit nila sayo lalo na si Ralph. Ni hindi nya ako nakilala. Sobrang ganda ko na kasi hahaha"

"Sang parte? Haha" kambal nga kami

"Tss. Tingin mo tama ang ginawa mo? Ikaw ang nakipag break kahit halata namang mahal mo pa ang Chin na yun. Ikaw pa tuloy ang nag mukhang masama. Iniwan kapa nina Dianne." Kahit baliw tong kambal ko nag aalala pa rin sya sakin.

"Tama naman siguro yun. Ito na siguro ang karma ko Gel. Di bale lilipas rin ang galit ni Ralph."

"Sus! Ikaw kasi ang laki mong engot. Niloko ka na nga, iniwan ka pa ng mga kaibigan mo. Dapat rin nilang malaman ang totoo."

Tama niloko nga ako. Masakit pala yun. Yung dati kong ginagawa nangyari rin sakin.

*FLASHBACK*

"Hindi ko na sya mahal. Pero di ko alam kung pano ko sasabihin." Boses ni Chin. Ano kaya ginagawa nya rito? Andito ako sa likod ng building ng eskwelahan namin para itapon ang mga basura na ginamit namin sa experiment. Ang alam ko nakauwi na sya dahil may gagawin pa sya pero bat andito pa sya. Pupuntahan ko na sana sya ng makarinig ako ng boses ng isang lalaki. Hindi ito pamilyar kaya't lumapit pa ako sa lugar nila.

"So ano ang balak mo? Hanggang kelan mo itatago? Paano naman ako kung yung mga kaibigan mo nalang ang uunahin mo?" hindi ko ito kilala pero namumukhaan ko ito. Kaklase namin sya ni Chin sa halos lahat ng subject.

"Hindi ko alam kung pano ko sasabihin... Kung pano sisimulan ang lahat." si Chin

"Kung mahal mo ako, aaminin mo na ang totoo. wala na rin naman silang magagawa dahil matagal ng may tayo. At dun sa boyfriend mo, madali lang makaka move on yun. gawain nya na rin naman ito dati." wika ng lalaki

"Pero Mark..." naputol ang sasabihin ni Chin ng magsalita ang lalaki

"Gawin mo na dahil kung hindi ako na misko ang aamin sa kanila. Ayaw ko na ng patagong relasyon Chin!" may diing pagkakasabi nito. Hindi ko na tinapos pa ang pakikinig sa pag uusap nila. Masyado ng masakit. Mahal ko si Chin, sya lang ang babaeng tanging minahal ko. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga babaeng pinaluha ko. Masakit pala, sobrang sakit. Mahal ko saya at ayaw ko syang masaktan. Nakapagdesisyon na ako...

END OF FLASHBACK

Natigil ang pagbabalik tanaw ko ng batukan ako ng magaling kong kapatid.

"Hoy kuya! Kanina pa ako dito nagsaslita di ka naman pala nakikinig. Sabi ko kelangan rin nilang malaman ang totoo"

"Para san pa? Gella, alam ko kung bat ka nandito. Kahit di mo sabihin alam kong inutusan ka nina mommy para sunduin ako. Wala sana akong balak sumama pero dahil sa nangyari wala ng dahilan para mag stay dito."

"Pero pano ang mga kaibigan mo?"

"Malalaman rin naman nila ang totoo.. Tara na. Nagutom ako sa mga nangyari.. Kain tayo at sige libre kita dahil yun din naman ang gusto mo.

Nagsimula na kaming maglakad palayo sa lugar kung san ko binitawan ang babaeng pinakamamahal ko. KUNG AKO LANG hindi ko sya iiwan... Kung ako lang di ko sya hahayaang umalis.. Kung ako lang hindi ko sasbihing, di ko na sya mahal...

END

"Kung ako lang"Where stories live. Discover now