A one-shot story

72.4K 3.7K 2.3K
                                    


RESCUE ME


"You have got to be kidding me!" Hindi ko na napigilan pang mapasigaw nang tuluyang tumigil sa pag-andar ang sasakyan ko sa gitna ng isang tahimik na kalsada.


It's already 2 in the morning, napakalakas nang buhos ng ulan at ang masaklap hindi ko na alam kung nasaan ako, tapos ngayon hindi pa umaandar ang sasakyan ko—Wow naman! Ang swerte swerte ko! Bwisit!


I should've listened to Mom when she told me not to drive in the middle of the night, kasi heto tuloy ako ngayon at hindi alam anong gagawin. I should've listened to Mom when she told me to always check my stuff before heading out. And I should've listened to Mom when she told me not to come to my friend's Halloween Party that happens to be 5 hours away from our hometown. Mom's right and again, I was wrong.


Bigla kong narinig na tumunog ang cellphone ko—Mom's calling.


Gaya nang lagi kong ginagawa, nagbingi-bingihan na lamang ako. I don't need my Mom or my Dad's help anymore. I'm 24 now, I should start living my own life. I should be independent, I should solve my problems on my own, I no longer need them because I'm already old enough to stand up on my own.


I already know how dangerous the world could be lalo na sa isang babaeng mag-isa lang sa gitna ng kawalan, habang malakas ang ulan at madilim ang kapaligiran, kaya naman kinuha ko ang pepper spray na nasa bag ko at ipinasok ito sa bulsa ng jacket na suot ko.


Sobrang lakas parin ng ulan, tanging ang kalsada lang ang naaninag ko mula sa windshield kong basang-basa na. My windshield wiper's working fine but the moisture in my windshield still keeps me from having a decent look at my surroundings. My windows are just as bad too.


I zipped my jacket close and grabbed my wallet and phone. This isn't the best of my ideas but atleast, desisyon ko ito at hindi ng mga magulang ko.


Dali-dali akong lumabas mula sa sasakyan at agad akong sinalubong nang napakalakas na buhos ng ulan. Sa totoo lang, wala naman talaga akong kongkretong plano pero mas gusto ko 'to kesa sa manatili ako sa loob ng sasakyang nang walang ginagawa. Siguro maghahanap nalang ako ng pinakamalapit na gas station o maghahanap ng tutulong sa'king makarating doon.


Habang tumatakbo sa ilalim ng malakas na ulan, paulit-ulit kong naiisip ang maaring sabihin nila Mommy at Daddy sa ginagawa ko. For sure, pagagalitan nila ako at ipagmamalaking tama sila at mali ako.


Wala akong ginawa kundi tumakbo nang tumakbo pero sa kabila nito ay iisang direksyon lang ang tinatahak ko, sa takot na baka makalimutan ko kung saan ko iniwan ang kotse. Sa isang iglap, bigla kong naaninag ang isang karatulang umiilaw.


Nagtatakbo ako patungo sa direksyon ng ilaw hanggang sa tuluyan kong mapagtantong ang nakikita ko pala ay isang maliit na grocery shop at tabi nito ay isang gas station.


"Yeyyyy!!!" Wala akong pakialam kahit na magmukha man akong baliw, nagtatakbo ako patungo sa grocery shop nang may ngiti sa mukha habang pumapalakpak. Come to think of it, mukha akong contestant sa isang game show habang pinakikilala sa publiko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rescue meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon