I SCREAM

4K 176 97
                                    


I SCREAM

By RAYKOSEN

Note: Hi! One shot muna tayo. Medyo binabalikan ko pa yung 23:57. Happy Halloween kids! Haha!

Ice cream!

I love it! Hindi siguro ako mabubuhay kung walang ice cream! Yung feeling na binibigyan ka ng happiness nito kapag natikman mo na. Not everyone can eat it and I'm so glad na may sweet tooth ako at naeenjoy ko ito.

Pero ang ice cream na gustong gusto ko ay magbibigay ng trauma sa akin...

Finally! Nakakapagod ang 2 hour travel para sa "special" bus trip pero ayos lang dahil nakarating rin ang buong class namin sa pinakabagong Theme Park ngayon – Ang Scarlet Circus!

Kapapanood ko lang sa mga advertisements sa TV ang promotion ng opening nito last week at hindi ako makapaniwala na ang school namin ang napili para makapasok ng unang-una sa Grand Opening ng Theme Park na ito.

Fantastic Fantasy! Nakasulat na tagline na kitang kita sa ibaba ng Scarlet Circus na Ark sa Entrance. Yung mascot na red queen ang sasalubong sayo. Ang cute ng Red Queen mascot na si Scarlet. (Kaya siguro Scarlet Circus ang pangalan ng ThemePark.). Nakikita ko pa lang ay ibang klaseng excitement na ang nararamdaman ko. Seriously, iba ito sa nararamdaman ko noong una akong makaranas na makapasok ng mga theme parks. Nakapasok na ako ng Universal Studios, Disney Land and Disney Sea pero iba pa rin ang excitement ko sa themed park na ito. At dahil na rin sa excitement siguro, nilalamig ako ng sobra sobra.

"Harriet! Pumunta ka na rito at head count na!" sita sa akin ng Class President naming si Shaira dahil nakatingin pa rin ako sa entrance gate ng Scarlet Circus.

Bukod sa pagiging strict, KJ rin siya. Inaappreciate ko pa nga ang view e.

Pumila na kaming lahat at binigyan kaming lahat ng IDs with plastic necklace na isusukbit namin sa mga leeg namin. At requirement siyang maisuot naming or else, hindi kami makakapaso. Kakaiba talaga pala. Kung usually, sticker bands lang sa kamay ang nilalagay, ngayon kwintas na. Napuna ng ibang kaklase ko na glow in the dark ito dahil tinatakpan ng kamay nila at sinisilip sa loob. Sa ID namin, nakasulat yung mga numbers at ang number ko, 6. Ako ang pinaka matangkad sa amin kaya ako rin ang huli. 6 lang kaming students na naimbitahan para subukan ang grand opening. Swerte! Imagine, solo naming anim ang park?! Whoa!

Apart from the students, may 2 teachers kaming kasama. Isang teacher at isang assistant teacher. Babae ang adviser naming at ang assistant naman ay lalake.

"Okay, students! Listen!" Panimula ni Ms. Diana. Siya ang class adviser namin. "We are privileged for the opportunity kaya enjoy. Pero huwang kalimutang mag ingat at dapat may partners kayo para hindi magkawalaan."

Kaya ng randomly na mag assign si Ms. Diana ng partners via bunutan, sakto si Shaira ang partner ko.

Tsk! Malas.

Pero bahala na!

Papasok na kaming lahat at tinatatakan na ang braso namin. Hindi pumasok ang dalawang teachers namin.

"Tignan mo. Magkasama na naman yang si Ms. Diana at si Sir Ronnie. Haha!" puna ng classmate kong si Norie na kausap si Carla. Hinala kasi ng buong klase na patagong nagde-date yung dalawa. Kaya siguro iniwan kami kasi para may alone time silang dalawa. Nahuli kasi naming sila noon na magkahawak kamay sa empty classroom galing PE. Medyo awkward yun pero hindi pa rin sila umaamin. Well, pag umamin sila tanggal sila sa trabaho. Bawal daw ayon sa sabi sabi.

Kaya kinawayan na lang kami ng dalawa habang nasa loob na kaming lahat.

Kakaibang excitement ang naramdaman ko. Medieval and theme ng park. May castles, knight mascots, at iba pa. Well, si Queen Scarlet nga kasi ang official mascot ng theme park.

I SCREAMWhere stories live. Discover now