One Shot Story

2 0 0
                                    

May isang simpleng babae na ang pangalan ay Renziel Tolentino. Isang simpleng babae na may taglay na kagandahang nakakabighani. Siya ay isang dukha pero siya'y nagtratrabaho bilang isang kasambahay kay Aling Nena. Siya ay masipag at matalino, ang kanyang magulang naman ay sumakabilang buhay na nang dahil sa isang aksidente noong siya'y labing dalawang gulang pa lamang. Wala siyang kamag anak o kaya kapatid, nag-iisa lang siya sa buhay.

Nang nagtapos siya ng elementarya, kumuha siya ng isang Scholarship sa UP at dahil masipag siyang mag-aral, naipasa niya ito. Sobrang saya ang nadarama ni Renziel nang malaman niya ang resulta. Sa wakas, makakapag-aral na siya sa magandang eskwelahan.

Eksayted naman si Renziel kaya gumising ito ng maaga upang maghanda ng pagkain para sa pamilya na kanyang sinisilbihan. Nang matapos kumain ng pamilya, hinugasan niya yung mga pinggan at nagmadaling nag-ayos at naligo. Hindi nalang siya kumain ng agahan at dumiretso na ito sa eskwelahan ng UP.

Nagulat si Renziel sa nakikita niya. Parang ngayon lang siya nakakita ng isang Unibersidad. Doon kasi sa dati niyang eskwelahan, wala masyadong tao. Ginala gala niya ang kanyang mga mata. Parang batang nasisiyahan sa kanyang nakikita. Paikot ikot siyang naglalakad hanggang may nakabangga ito. Bigla naman itong napaupo at natumba rin yung nakabangga niya.

"Ay sory po" sabi ni Renziel sa lalaking nakabangga niya. Tinulungan niya itong makatayo.

"Ah okay lang. Ano pangalan mo?"

"Renziel Tolentino. Ikaw po?"

"Rence Pombuena" ngumiti ito kay Renziel dulot ng pagbilis ng tibok ng puso ng dalagita

"Ah okay " aniya ni Renziel, namumula ito sa sobrang kilig. Parang may kung anong paro paro na lumilipad sa kanyang tiyan.

"Sabay na tayong pumunta sa ating klase" pag aaya ni Rence kaya sumabay nalang si Renziel

Nang makarating sila sa kanilang klase, naghanap agad ng upuan si Renziel. May nakita siya at dalawa ito. Naging magkatabi sila

Paglipas ng ilang buwan, naging matalik na magkaibigan sina Rence at Renziel. Parati nalang silang magkakasama. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan araw-araw.

Nakilala ni Renziel si Rence ng lubusan. Takot ito sa gagamba, mahilig kumain ng baga at minsan manok, mahilig umutot at takot sa mga palabas na nakakatakot. Hindi naman niya maiwasan ang pagbilis ng pagtibok ng puso kapag ito ay papalapit sa dalagita.

Pero may isang pangyayari na bumago sa buhay niya.

"Renziel, may aaminin ako sa'yo. MAHAL KITA"

"Ano? Paki ulit?" Tumitibok ang kanyang puso. Parang sasabog na siya sa sobrang saya.

"MAHAL KITA" at bigla nalang tumulo yung luha niya.

Pinunasan naman ni Rence yung luha na pumatak galing sa mga mata ni Renziel.

"Wag kang umiyak mahal ko"

"Alam mo Rence, mahal na mahal din kita"

Yinakap ni Rence si Renziel. Naging sila at parang hindi na sila mabubuwag. Parati nalang silang
Nagkakasama at nagkukulitan.  Hinahatid sundo ni Rence si Renziel, binibigyan ng bulaklak, parating binibigyan ng liham at tinuturing din itong Prinsesa.

Kada "MONTHSARY" nila, sinosorpresa ni Rence si Renziel.

Pumupunta din sila sa mga kainan at masayang nagkwekwentuhan. Sabay-sabay din silang nag-aaral tuwing alas kuwatro hanggang alas singko.

"Mahal kita Renziel tandaan mo yan. Ikaw lang yung buhay ko"

"Mahal din kita Rence" at biglang tumunog yung cellphone niya.

"Sagutin ko muna 'to ha?" Tumalikod yung binata. Nagtataka yung dalaga dahil dati, masasaya at nagniningning yung mata ni Rence pero ngayon, parang mapupungay na ito.

Lumabas si Rence para sagutin yung tawag .

Isang araw pumunta si Renziel sa bahay ni Rence upang sorpresahin ito sa kanyang kaarawan. May dala siyang regalo, bracelet na siya gumawa. Simple man ito ngunit pinaghirapan niya para sa kanyang pinakamamahal.

Pagbukas niya sa pintuan may nadadtnan siyang isang babae at lalaking naghahalikan. Nahulog yung regalo at biglang umiyak yung dalagita. Tumakbo ito palabas

Bigla namang umulan nang malakas. Saktong sakto naman dahil umiiyak siya.

Nakipaghiwalay siya sa kay Rence at gusto ni Rence linawin lahat ng nangyare pero ayaw pakinggan ni Renziel.

Nagsikap ng mabuti si Renziel. Natapos niya yung Kolehiyo at naging Doktor ito. Si Rence naman naging Doktor din.

Hanggang sa may "REUNION" sila, Eksayted si Renziel dahil gusto niyang ipakita kay Rence kung ano yung naabot niya, gusto niyang ipaglandakan kay Rence kung ano pinakawalan niya. Na naging sikat siyang "SURGEON".

Nang makarating siya sa lugar na kung saan doon gaganapin yung kanilang pagtitipon, may napansin siyang kakaiba. Naka patay yung ilaw at parang walang tao hanggang biglang nag ilaw yung stage at nakita niya doon si Rence. Asensado na din ito, naging Pediatrician siya.

"Renziel mahal na mahal kita kahit matagal na tayong wala. Hindi ko magawang humanap ng iba. Ikaw at ikaw lang talaga Renziel, yung nilalaman ng puso't isipan ko. Alam kong nasaktan kita pero sising sisi ako. Sana mapatawad mo ako Renz. Hindi ko naman siya hinalikan, siya lang talaga humalik dahil aalis na yung babaeng kababata ko papuntang States. Walang gabi na hindi ako umiyak, at doon pa mismong kaarawan ko nawala ka. Parati kong naisip yung mga araw na masaya tayo. Ang sakit pala no? Yung taong mahal mo hindi mo na mayakap at makasama. Ang tanga tanga ko"

Sunod sunod yung pagtulo ng luha niya hanggang sa napa hagulhul ito.

"Sana bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon mahal ko, hindi ko man maipangako na hindi ka sasaktan pero sisikapin ko. Ganyan naman talaga yung pag-ibig diba? Kahit problemang dadating, mas pipiliin niyong magpakatatag. Kahit ipagtulakan mo ako palayo, hindi ako susuko. Mahal kita at hindi ko na kayang mawala ka sa buhay ko. "

Napaiyak naman yung dalagita at pumunta siya sa stage at niyakap ito.

"Mahal parin kita Rence. Patawad dahil hindi kita pinakinggan. Sana pinili ko nalang yung pagmamahal ko sa'yo kaysa sa "PRIDE" ko. Sana inintindi kita at sana pinagkatiwalaan kita."

Lumuluha si Renziel habang nakayakap ito kay Rence. Hinalikan naman niya yung noo ni Renziel.

Bumukas yung mga ilaw at doon ang kanilang dating mga kaklase nanunuod sakanila. Yung iba umiiyak at lumuluha . Hindi sila mapaniwala na nagkabalikan na yung dalawang nagmamahalan dati.

Naging sila ulit at nagpakasal sila. Nagkaroon sila ng dalawang anak at nagpatayo sila ng malaking bahay.

Still Into YouWhere stories live. Discover now