Chapter one: That girl

22 1 0
                                    

Napakainit na tanghali ang sumalubong sa aking pagising na tila ba nasa tabi na ako ng araw nang biglang,,,

"Tanghali na kuya!! Bumangon ka na diyan at magaa-alas dose na! Baka malate ka pa sa unang pasok nyo!"

Na siya namang pagbangon ko nang tuluyan sa aking kinahihigaan at dali-daling pumunta sa aking damitan para kuhain ang uniform at bihisan ko at tumakbo palabas ng kwarto papuntang CR.

Pagkatapos Kong maligo Ay dumiretso agad ako papuntang kusina para kumain ng tanghalian dahil Hindi na talaga ako aabot sa almusal. Nakoo!! Aagahan ko na nga pagising ko.

Pagkatapos Kong kumain Ay humingi na ako ng Baon at nagpaalam na ako sa pinakamaganda Kong nanay.

"Bye na po Mami, papasok na po ako!"

Habang naglalakad na ako palabas ng bahay naalala ko Yung pinsan ko, magkatabi nga pala kami ng section, magsasabay na naming pumasok.

Sampung lakad na lang andiyan naaaaaaa, nine, eight, seven, six, five, four, three, two, and one.

Tok tok, tok. "Tao po! Andiyan pa po ba si John?"

Biglang may lumabas sa pintuan nila at wow! Si John agad.

"Oh Ano pre, Andito ka kasi kailangan mo ko? Ganyan ka naman eh, dadating pag may kailangan" agad na Banat nya sa akin.

"Ang ganda ng hugot mo pre! Parang totoo, lagi kaya tayong sabay pumapasok! Mula pa nung grade7! Don't me nga!" Sagot ko sa kaniya

"Edi wag! Ano bang section mo pre?" Tanong nya sa akin.

"Section H ako pre, ikaw ba?" Sagot at tanong ko rin sa kaniya.

She's here to love me, not to break me.Where stories live. Discover now