Masisisi Mo Ba Ako? (Short Story - Filipino)

5.3K 175 38
  • Dedicated to all my cute readers <3
                                    

Consider this as my Christmas gift to all of you. I DON'T MEAN TO BREAK YOUR HEART ON CHRISTMAS DAY! :D This story has  many underlinings, hidden messages, and structural meanings so you will learn a lot if you analyze this carefully. Medyo madumi pa yung pagkaka-type at malaki ang posibilidad namaraming typographical error dahil unedited ito.

Ang istoryang ito ang nagpapatunay na #WalangForever. Ay, joke lang! Naniniwala pa rin ako sa forever :)

I love you all and I want to thank you all for being so cute (omg) and for being so kind to me. ♥

Merry Christmas!

--FN♥

 *    *   *   *   *    *   *   *   *    *   *   *   *    *   *   *   *    *   *   *   *    *   *   *   

Masisisi mo ba ako kung mahal pa rin kita?

          Masisisi mo ba ako kung ayaw ko na?

 *    *   *   *   *    *   *   *   *    *   *   *   *    *   *   *   *    *   *   *   *    *   *   *   

          Nagtititigan. Nagbabasahan ng isip.

          “Bibilang ako ng sampu!” sigaw ko sa kanya nang talikuran niya 'ko. Naglalakad na siya palayo. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, hindi ko alam kung saan siya pupunta. Pero isa lang naman ang gusto ko… “Kapag hindi ka bumalik… kapag hindi ka bumalik!”

                “Isa! Dalawa!”

           “Pwede ba kitang ligawan?”

 

          Hindi ko alam ang isasagot ko. Parang sampung taon na kaming magkakilala, pero ngayon ko lang napagtanto na may ganito na pala siyang nararamdaman. Hindi ko naman inakala na gusto niya rin ako. Sa tagal na naming magkaklase, tatanungin niya ako ngayon? Ngayon lang? Sa tagal ko nang ipinagsisigawan sa classroom na may gusto ako sa kanya, ngayon lang siya nag-react?

 

                Nahihiyang tumalikod siya, may kung anong ginagawa. Sinisilip ko kung ano 'yun pero hindi ko naman makita. Hanggang sa harapin niya 'ko, kuhanin ang kamay ko at mag-iwan ng isang singsing doon. Saka siya nagtatakbo palayo. Tatawa-tawang naiwan ako sa kinatatayuan ako. Ganun pala siya, mahiyain. Pero sayang lang, hindi niya nakita kung paanong nakangiting isinuot ko ang singsing na 'yun. Kung paanong sinabi ko ang salitang “oo” nang hindi ako nagsasalita. Sayang.

 

                “Sayang. Hindi ka ba nanghihinayang?” sigaw ko ulit, nagbabanta na ang mga luhang pumatak sa mga mata ko. Ayokong umiyak. Ayokong marinig niya na umiiyak ako. Ayokong kaawaan niya 'ko. Gusto kong bumalik siya, hindi dahil sa awa, pero dahil mahal pa rin niya ako.

                “Matapos mo kong ligawan, matapos maging tayo, ganito na lang ba? Hindi ka ba nanghihinayang sa mga panahong nilaan mo sa ‘kin? Hindi ka ba nanghihinayang sa mga bagay na isinakripisyo mo makasama lang ako?”

Masisisi Mo Ba Ako? (Short Story - Filipino)Where stories live. Discover now