53rd Scene The Great Escape

7.8K 255 12
                                    

~~~~~KARA's POV~~~~~

"Doko iku no?" Tawag pansin ko kay Jen. Naalimpungatan ako ng alas dos ng umaga dahil hindi ako makatulog and I decided na bumaba sa kusina at mangalkal ng pagkain. Doon ko naman nakita si Jen na dahan dahang naglalakad palabas sa likod bahay.

"Kowagatta" siguro ay natakot siya sa biglaan kong pagsipot sa likuran niya.

"San ka pupunta sabe ko."

"Mag e-e-exercise?"

"Sure ka ba sa sagot mo sa akin? Alas dos palang ng madaling araw tapos exercise? Talaga lang?" Tanong ko sa kanya dahil parang patanong ata ang sagot sa akin.

"Hindi naman!"

"Napag hahalata ko nagiging sinungaling ka na, recently huh." I pointed out on her. Lokaret kasi itong babaeng ito. Akalain mo bang magsinungaling sa akin, obvious naman ang pagsisinungaling.

"Lalabas lang ako. Magpapahangin."

"Wag mo nga akong niloloko. Lalabas ka? Magpapahangin? Pero may dala kang bag. Perfect ng excuse." sarkastiko kong sagot sa walang humpay na pagsisinungaling niya sa akin.

"Hindi ba puwedeng mga gamit ko lang 'to na puwedeng i-donate. Idadaan ko doon sa donation service pagkatapos kong magpahangin."

Natawa naman ako sa petty na excuse niya. Akala naman niya I would bite that stupid crap. "Gusto mo ibalibag kita? I-do-donate mo yan!" Sabay turo sa bag na hawaka niya. "Nang madaling araw. Alas dos palang ng madaling araw sarado pa ang donation service."

Nakayuko na siya. Siguro ay napahiya siya sa mga lame excuse na ginagawa niya. "Pupunta ako ng Pilipinas."

"Nani?" Para atang hindi correct yung narinig ko.

"Firipin ni iku yo" ulit niyang sagot sa akin. ----->(I'm going to the Philippines."

"YEEEEAAAAHHHHHH" sigaw ko sa kanya sa sobrang lakas nito ay ninerbyos si Jen na nilagay pa niya ang kamay niya sa bibig ko para takpan ang ano pang words na lalabas sa bunganga ko.

Ng kumalma ako ay tinanggal ko ang kamay niya sa aking bibig at lumapit sa kanya. "Yah! Baka janai no? Tatakas ka?" ----->(Are you crazy?")

"Graduation nila Rouge ngayong week. I promised na magkikita kami sa graduation nila."

"neo michyeoss-eo, michyeoss-eo." Napapa-koreaan ako ng wala sa oras sa kanya. "Pag nalaman nila Kuya ang binabalak mo. Sandamakmak na sermon at pangaral ang uulamin mo ng ilang linggo."

"Saka ko na iisipin yan pag nakabalik ako." Talagang desidido si Jen na bumalik sa Pilipinas.

"Hind puwede." Pinigilan ko siya sa kanyang braso.

"Kara naman eh."

"Sama ako.😢😢😢😢" Pag susumamo ko sa kanya. Kung tatakas din naman siya isama na niya ako, damay damay na 'to. Alam ko rin naman na mapapagalitan ako dito dahil hindi ko binantayan si Jen.

"Magpalit ka na bago pa may magising sa kanila." Pagmamadali niya sa akin. Siguro ay hindi niya rin ako mapipilit na mag stay dito dahil alam niyang susundan ko siya kahit saan.

"Antayin mo ko dito. Saglit lang ako."

"Sige basta dalian mo."

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now