54th Scene The Great Escape Part 2

6.9K 226 18
                                    

~~~~~KARA's POV~~~~~

"Ano? Nakapag reserve ka na?" Ninenerbyos na tanong sa akin ni Jen.

"Oo, kanina pa. Wag ka ngang atat." Kanina pa tanong ng tanong sa akin si Jen kung okay na ang lahat kaya naiirita na ako sa kanya. Siya yung mas kalmado sa aming dalawa pero baliktad ata ang lahat ngayon dahil siya ngayon ang atat at may sili sa puwet, hindi mapakali.

"Tumigil ka diyan huh. Hindi tayo makakatakas kung sobra kang ninenerbyos." Bilin ko sa kanya. At lumabas na kami sa aking kuwarto. Pababa na kami ng hagdanan ng makita naming nasa sala sina Mama at Papa kitang may inaantay ang mga ito.

"May pupuntahan ata kayo?" Tanong sa amin ni Mama ng makita niya kaming nakapang labas.

"Pupunta kami ng Shibuya. Makikipag kita kami sa mga girls." I answered her.

"Napapadalas ata ang pag kikita niyo"

"Inaya kasi nila kaming manuod ng sine. May magandang palabas ngayon." Pagpapatuloy ko. "Tapos dadaan din kami sa mga boutique titingin kami kung may bagong dating."

"Napapadalas na din ang paggagastos niyo."

Sa tangkad ng Papa ko pinilit ko siyang akbayan para hindi na siya mag investigate. Baka mamaya niyan kasi mabuking kami sa pli-na-plano namin.

"Papa, you know! woman's best suit is her latest bangle of clothes and her most untouchable armor is her limited edition's. So never say na magastos ang manamit."

Tinanggal naman niya ang kamay ko sa balikat niya. "Sabihin mo yan kung ikaw na ang nagbabayad ng mga gastos mo. Cause as far as I know, ako parin ang nagbabayad ng mga luho mo."

"Papa naman." Pag pa-pout ko.

"Papayagan ko kayong lumabas in the event na isasama niyo sina Ren at Shin."

"Papa"

"Otousan." Kahit pagtawag palang namin kay Papa ay halata ng nag o-object kaming isama yung dalawa.

"Kara, hindi pa tapos ang gulo. Ayokong mapahamak kayong dalawa."

"But, Otousan Shibuya is under our premisses naman."

"Kahit na Jen, better safe than sorry."

"Papa"

"I also don't want any monkey business. Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang ginawa niyong pagtakas nung nakaraang araw."

Mabilis pa sa alas quatro ang pagpihit ng mga ulo namin patingin kay Shin at ang Hapones naman ay sa iba pilit pinupundar ang attention.

"Uragiri"

"Betrayer" pareho pero magkaibang language ang sinambit namin ni Jen habang sinusuri namin ang taksil na Hapones.

"I told you! I answer to your father. He asked me about the other day and I couldn't lie to him. It's not my fault" sinubukan pa talaga niyang magpaliwana.

"Betrayer"

"Uragirimono"

"Stop that" pag papatigil ni Papa sa amin ni Jen.

"Papa! Kaya na naming umalis mag isa hindi na namin kelangan sina Ren-san at Shin na samahan kami."

"Kung hindi sila sasama sa inyo. Hindi din kayo makakalabas ng bahay."

"Papa"

"Then go back to your rooms. May inaantay kaming mga bisita kung hindi niyo sila isasama wag ka dito mag eskandalo."

"Tara na nga lang." Inis kong tawag kina Jen at ang dalawang damuho.

Nasa likod kami ng upuan ng sinubukan akong kausapin ni Jen via text.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now