55th Scene Escaping The Combi Torturers

6.8K 227 29
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

"Ah. . .eh. . ." hindi ako makasagot kaya si Kara na ang sumagot para sa kanila.

"Lumayas lang kami." Pag amin niya sa ginawa namin.

"WHAT????" Sigaw ni Izzy at Wendyll sa amin na napatayo pa sa sinagot ko sa kanila.

"ANO?" Naloka ding tanong ng mga 4 kings na ngayon ay nahanap na ang kanilang mga dila para kausapin kami.

"Ang taas ah" sagot ni Kara sa kanila.

Tumingin si Ash sa likod harap at magkabilang tabi niya bago siya nagtanong kay Kara. "Tumakas kayo?"

"Oo"

"Bakit kayo naglayas?" Nag aalalang tanong ni Rouge sa amin. "Panigurado na magagalit sila sa inyo kapag nalaman nilang nandito kayo."

"I think alam na nila. Simula't sapul palang na nagbalak kaming tumakas ay alam na nilang dito kami pupunta." Sagot ko kay Rouge.

"Jen."

"I promised na sabay tayong gra-graduate, di ba?" Pag papaalala ko sa kanya. "A promise coming from a member of a mafia ang binitiwan ko sa'yo. Kaya kahit hindi man tayo mag march sa graduation atleast andoon naman kami para panoorin kayo." Ngumiti pa ako sa kanya pero inisnab lang niya ako. Ano kayang drama nito?

"Kahit na. Paano kung hanapin kayo ng mga kapatid niyo tiyak kaming sa amin sila magagalit pag nakita nilang mag kakasama tayo." Katwiran naman ni Reid.

Tumayo naman si Kara at inumpisahan ng hakutin ang gamit niya.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Ace sa kanya.

"We went all the trouble of escaping and all we get is nagging and unwelcomeness coming from the people who are the reason we even tried so hard to escape."

Pinigilan ni Ace ang kamay ni Kara sa pag kuha ng mga gamit at pinilit na pina upo sa upuan pero matigas din si Kara dahil talagang nakipag hilaan pa siya ng sarili niyang kamay. "Will you sit down." Utos pa ni Ace dito ng talagang ayaw ni Kara magpatalo.

No." Matigas na sagot ni Kara kay Ace. "Aalis na kami. Uuwi na kami. Kaya kayo tumayo na kayo diyan at kunin niyo na yang mga gamit niyo dahil uuwi na tayo." Utos niya sa amin.

Mabilis na hinila ni Ace ang kamay ni Kara when she let her guard down kaya ang nangyare ay napa upo si Kara sa lap ni Ace.

Sa nangyareng iyon ay napa "Ohhh" at "Ayyyy" kaming lahat. Bigla tuloy kaming kinilig sa nangyare. Parang pinag planuhan ang ginawa.

"Ayyyy ano 'to?" Kinikilig na tanong ni Wendyll.

"This is news" natatawang sagot din ni Izzy. Habang mabilis niyang kinuha ang phone niya at kinuhanan sila ng picture.

"Pinag planuhan yan bro. Kita ohh" pang aasar naman ni Reid.

"Bro sana sinama mo na deretcho sa lips, diba?" Dugtong din ni Ash na nakaani ng masamang tingin sa dalawa.

Habang inaasar naman nila yung dalawa. Yung dalawang biktima naman ay walang imik at nagstay sila sa position na yon ng biglang may mga sumingit na dalawang kamay sa gitna nila Ace at Kara.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now