Miracles in December (Chanyeol and Dara Fanfiction)

847 38 11
                                    

Author's Importanteng Important Note: Maraming Salamat kay Miss Aegyows sa pag gawa ng magandang cover. Muahhh Muaaahhh. Da best ka talaga. Harts Harts ~~  Play niyo yung video sa gilid para feel na feel niyo yung story :D. So here's the story..

---------

"I need to follow her!" sigaw sakin ni Chanyeol ng pigilan kong puntahan niya si Hope. 


Kinalas niya yung kamay ko na nakahawak sa kanyang braso.


"Hope sandali! " sigaw niya saka sinundan si Hope palabas ng school.


Nanlulumo akong napaupo sa damuhan. Tumingala ako sa langit para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak.


"Bakit mo pa kasi pinagpipilitan yung sarili mo sa kanya." bulong ko ng tuluyan na akong umiyak.


Alam ko naman na kahit ako ang girlfriend niya, si Hope pa rin ang laman ng puso niya.


First love. Ano naman ang panama ko doon? Wala pa ngang apat na buwan ng maging kami eh. Nag-hiwalay lang naman sila dahil pareho nilang hindi mabigyan ng oras ang isa't-isa.


"2 weeks. Hmmmm. 2 weeks na akong may palugit. Bakit naman kasi sa dami ng tao sa mundo, sakin ka pa tumama?"


"Ate anjan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh. ---Teka! Umiiyak ka na naman? Ulol na Chanyeol yun.Ano nanaman ang ginawa niya sayo? Sinaktan ka ba niya?" sunod-sunod na tanong ni Jeno sakin ng makitang umiiyak ako.


"Ah wala. Wala siyang ginawa sakin. Nalulungkot lang talaga ako. Malapit na kasi. Ramdam ko na."


"Ate naman eh. Para ka namang naghahabilin. Huwag ka namang ganyan ate! " may gumuhit na lungkot sa mukha niya ng sabihin iyon. Nasasaktan ang kapatid ko. Miski ako din naman nasasaktan. Malapit na kasi akong mawala sa mundong ito. I have brain cancer. Stage 4 na siya. Hindi na ito kayang itreat kasi masyadong mahina ang katawan ko. Ayoko namang magpa-chemo kasi gastos lang at makakalbo ako.


Hinigit ko si Jeno at yinakap ng mahigpit.


"Tara na nga! Lulubusin ko na ang mga nalalabing oras ko. Bibili kita ng regalo. Pasko na sa susunod na araw. Cutting na lang muna tayo."


Natatawa kaming lumabas ni Jeno ng school. Hindi na ako pumasok ng last period ko ngayong umaga.


Habang papalabas kami ng school nakita kong nakasandal si Chanyeol sa sasakyan niya. Akala ko ba hinabol nito so Hope kanina?


"Ahhhhh--- Uhmmm. Yeo--Yeol. " pautal-utal ko na bati sa kanya.


"Where are you going? Di ba may klase ka pa?" naka kunot-noong tanong niya sakin.


"Ah bibilan ko ng regalo tong kapatid ko. Malapit na kasi Christmas kaya eto. Ihahanap ko siya ng regalo tska gagala." Nilulubos ko lang ang mga nalalabing araw ko.


"Oh sige. Ingat kayo ah. Gusto mo hatid ko na lang kayo?" -Chanyeol


"Ah hindi na. Salamat na lang.



Chanyeol's Point of View

Ilang araw ko ng napapansin na parang ang tamlay ni Dara. Parang may sakit. Namumutla tsaka nangangayayat.


"Oh bro! Nakita ko si Dara kanina ah. Umiiyak. Ano nanaman ang ginawa mo doon?" -Brent


"Ah wala bro. Konting tampuhan lang yun." I said matter-of-factly at tinapik yung balikat niya. "Una na ko ah. Uuwi pa ako. Susuyuin ko pa girlfriend ko" paalam ko at lumabas na ng school


Alam ko ang dahilan kung bakit umiiyak siya kanina. Dahil mas pinili kong sundan si Hope ng pigilan niya ako.


Flashback

"Hope sandali!" Sigaw ko at sinundan si Hope.


Napunta kami sa gate ng school. Palabas na sana siya eh. 

I need to talk to her. Gusto kong magkaroon ng closure ang break-up namin. Wala kasi kaming maayos na usapan eh. Kaya ito na ang pagkakataon.

"Hope can we talk?" I asked her.


"Bakit? Anong pag-uusapan natin? " Hope


"Gusto ko lang tapusin ang lahat-lahat satin. Gusto kong kahit tapos na ang relasyon natin eh, we are in good terms. Ayokong may ilangan. " Yes. I wanted to end this. Kasi kahit di ko man maamin. I am falling for Dara. At mas pinapahalagahan ko siya ngayon kesa kay Hope.


Noong una ginawa ko siyang panakip-butas. Pero ng mas nakilala ko siya. I started to fall in love with her. Pinatibok niya ang puso ko.


"Why? Why Yeol? " malungkot na tanong niya sakin.


"Because I---" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng nagsalita siya ulit.


"You started to love her?" Hope


"Yes. At ayoko ko ng masaktan pa siya kapag ikinukumpara kayo." Lumapit siya sakin.


"Kung ito ang magpapasaya sayo. Okay lang sakin." Napangiti ako sa sinabi niya.


"Thank you! " yinakap ko siya 


"I'm going to be blind anyway. I have Eye Disease. " natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw. Nanginginig ang tuhod ko. 


"Ho--Hope- wag ka naman magbiro ng ganyan. " Utal-utal ko na sagot sa kanya.


"I'm not joking Yeol. Next week is my operation. Kaya sana kahit hanggang next week lang, Ako ulit. Ako naman. Pagkatapos balik ka na lang kay Dara." maluha-luha siyang nakiusap sakin.


Hope needs me. Hindi ko siya pwedeng pabayaan. 


Humagulgol siya ng hindi ako sumagot. I love Dara but Hope needs me.


"Hush. Don't cry. I won't leave you. I'll talk to her. " niyakap niya ako ng mahigpit.


"Thank you Chanyeol. Salamat."


Ngumiti ako ng pilit.



I'm sorry Dara.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miracles in December (Chanyeol and Dara Fanfiction)Where stories live. Discover now