56th Scene The Understanding

6.2K 196 16
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

"Wow! Utsukush" ----->(How Beautiful)

"Hontoda" sang ayon naman sa akin ni Kara.

Napaka ganda talaga ng pinag dalhan sa amin nila Reid. Isang Paradise ang ganda nito. Hindi katulad sa mga beach sa Japan na walang ka amor amor. Dito ay simple pero napaka ganda.

"Ang ganda dito."

"Binili ni Mommy ito para maging isang resort. Pero nag protesta ang mga karatig isla nito. Sabi nila kasi ay isang untouched Island ito. Kaya naisip nalang namin na gawing beach house."

"Great decision. Masasayang lang ang ganda nito kung gagawin niyong resort. Masisira lang" Segunda sa kanya ni Mia. Na nakikipag usap narin sa mga kaibigan namin.

"Yan nga din ang sinabe ko kay Mommy kaya pumayag sila. Pero walang kahit ano dito ah. Kailangan pa nating pumunta sa karatig isla bukas."

"Ahhmm paano yung pamalit namin. Wala kaming gamit na dala." Tanong ni Nana sa kanila na naiinip sa isang sulok. Parang hindi pa ata ina-appreciate ang ganda ng kalikasan.

"Mamaya darating sina Manang Susan. Nag pabili ako sa kanila ng mga damit at makakain. Na tiyamba na asa Batangas kasi sila ngayon."

"Sino si Manang Susan?" Tanong ko kay Ash na katabi ko.

"Siya yung namamahala dito. Kasama ng Pamilya niya."

"Bat sila asa Batangas?"

Doon ang port papunta dito. Pero di na kami nakadaan sa ano mang mall dahil nagmamadali kami sa pagtakas. Ayaw naman naming habang namimili kami ay mahuli kami kaya sa huling minuto ay nag decide na kaming huwag na muna mag shopping.

"Sinundo niya yung dalawa niyang anak. Galing din sila sa Maynila."

"Ganoon ba."

"Wag kayong mag alala may taste sa mga damit yung mga anak niya. Kaya bibili sila ng ma-i-susuot niyo." Pag a-assure pa niya.

"Hindi naman kami nag aalala. Basta may pamalit, okay na sa amin."

Habang nag iintay kami ay pumunta kami ni Rouge sa garden. Halatang naalagaan ang mga halaman doon. Siguro gustong nag tatanim ni Manang dahil ang ganda ng pagkakatubo ng mga halaman. Alagang alaga pa.

Na upo kami ni Rouge sa isang bangko. Wala sa amin ang nag sasalita kaya hinayaan ko nalang ang katahimikan at ang agos nalang ang mag salita sa amin. Pero hindi ko kinaya kasi mag kakalahating oras na ay di pa niya ako pinapansin.

"Hindi mo parin ba ako papansinin?" Hindi ko na matiis na tanungin siya.

"Rouge naman." Wala paring pansin.

"Rouge."

"Uy!"

Naubusan na ako ng pasensiya dahil hindi parin niya ako pinapansin. Nakakasama na ng loob. Ano ito? Galit siya ganoon. Siya nga ang dahilan kaya ako tumakas, nadamay pa yung lima tapos di niya ako papansin. Great! Just great.

"Pag ako di mo pa papansinin, aalis na ko."

"isa."

"dalawa."

Hindi parin niya ko pinapansin kahit na nagbibilang na ko sa kanya. "Dalawa at kalahati"

"tatlo." Sa huling bilang ko ay hindi parin niya ako pinansin kaya kahit mabigat ang loob ko ay tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Ano? Iiwan mo nanaman ako?" Masungit niyang sagot sa akin ng hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa upuan.

"Ikaw naman kasi. Kanina pa ako nag sasalita ni hindi mo man lang ako pinapansin."

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now