Love Drops

18 2 4
                                    

MINRY's POV

"Zach, p'wede bang magpatulong sa assignment sa Math?" Tanong ni Yuri kay Zach. Tumili naman kagad yung mga kaklase kong babae. May crush kasi si Zach kay Yuri. Napangiti na lang ako, namula kasi agad si Zach. Katabi ko lang siya kaya kita ko ang pamumula niya. Siniko ko siya para asarin at lumingon naman siya sa'kin, nasa harap niya kasi si Yuri. Nag-smirk naman ako agad.

"Lumapit lang at nagpatulong si Yuri sa'yo, namula ka na agad. Weak! Hahaha!" Asar ko pa. Napatawa siya sa'kin at nilagay ang isa niyang daliri sa labi niya na parang nagsasabi ng 'shhh!'

"'Wag kang maingay. Secret nga lang yun 'diba?" Humarap naman siya kay Yuri ng nakangiti. "'Diba, Yuri? Secret lang na crush kita?"

"Oo naman, boyfriend na kaya kita kaya dapat secret lang natin na crush mo 'ko!" Masayang sabi ni Yuri at umupo sa isa pang upuan na katabi ni Zach at inakbayan niya pa. Kaya lalong namula si Zach pero nakangiti pa rin. Tawanan naman yung mga kaklase namin. Sumasakay kasi si Yuri at Zach sa trip namin, though may gusto talaga si Zach kay Yuri.

"Ayieee!!! Si Yuri, nakaakbay kay Zach! Team ZaRi for the win!" Sabi ko pa at nagtawanan ulit sila. Lunch break naman kaya okay lang na mag-ingay kami. Ngumiti na lang si Zach kasi umalis na si Yuri, may tumawag kasi sa kanya. "Kinilig ka naman d'yan?" Sabi ko at ngumiti ako kay Zach, ngumiti din naman siya. Hmm... that smile. 'Yan yung ngiti kaya madaming may gusto kay Zach. Zach is very popular in our school. Matalino kasi at mabait plus gwapo pa. At si Yuri naman, pure Japanese kaya sikat din siya sa school at sobrang ganda niya talaga, at matalino din siya. Kaya maraming nagsasabi na, bagay talaga silang dalawa.

"'Di mo din trip na asarin kami eh, noh?" Nakangiti niyang sabi at tumingin na sa notebook niya.

"'Di ko din naman trip na magustuhan ka." I whispered.

"Huh? May sinasabi ka ba Minry?" Zach asked and I just shook my head. I just don't want him to know.

And yes, may gusto ako kay Zach. Pero 'di tulad ng pagpapakita niya kay Yuri ng feelings niya, magkaiba kami, 'di ako vocal sa nararamdaman ko. 'Di ko pinapakita na may gusto ako sa kanya because of one reason... ayokong layuan niya ako. Bilang kaibigan niya kasi, marami akong nakitang scenario kung paano niya i-reject ang mga babae na nagko-confess sa kanya, pagkatapos ng rejection, lalayuan niya yung babae or more like parang hindi niya alam na nag-e-exist pala sila pagkatapos. Kaya natatakot ako. Oo, I'm one of his friends. But, no one is exception, ewan ko lang about kay Yuri, pero sa tingin ko hindi niya magagawang i-reject si Yuri. Hays... what a woeful lovelife of mine.

"Get one whole sheet of paper!" Nagulat kaming lahat sa pagpasok(at pagsigaw) ni Sir Morgan sa classroom namin. Agad naman siyang lumapit sa blackboard at may sinulat doon at alam na naming lahat ang gagawin namin. Isang pamatay na...

"ESSAY!"

Bago ko pa masabi sa isip ko, sinabi na ni Dona at Donny ang nasa isip naming lahat na magkaklase. As always naman eh, buti na lang at tatlong beses lang kami may Values Education na subject sa isang linggo, kundi araw-araw kaming nagsusulat ng Essay. Hassle life yun, mga best. Pero nagulat ako nung binasa ko ang nakasulat sa blackboard. What the fck?! Like seriously?! Ang nakasulat lang naman sa blackboard namin na topic para sa Essay ay...

WHAT IS LOVE?

Anong connect nun sa subject namin? Tumingin ako kay Sir Morgan, what a teacher, he's already sleeping. Ang saya. Tumingin na lang ako kay Zach para sana manghingi ng papel kasi tinatamad akong kumuha ng papel sa bag ko, pero pagtingin ko sa kanya nakatitig siya sa labas, akala ko dahil sa umuulan kaya siya nakatitig dun pero nung tumingin ako sa labas. I saw... Yuri with Marco, her rumored boyfriend na pinapayungan siya, pero wala siyang binabanggit about sa rumor na yun. Pero sa nakikita ko, mukhang hindi lang rumored relationship ang meron sila, kasi meron talagang sila, meron silang relationship, na hindi rumored.

Love Drops (One Shot)Where stories live. Discover now