57th Scene The Hungry People

5.8K 194 14
                                    

~~~~~ASH's POV~~~~~

"Reid! Wala pa ba sila Aling Susan?" Ilang beses ko na bang narinig yan?

"Wala pa sila." Ilang beses ko na bang narinig yan.

"Gutom na ko." Ilang beses ko na bang narinig yan.

"Hindi pa ba tayo kakain?" Ilang ulit ko na bang narinig yang mga linyang yan sa isang oraslang? Isa, dalawa, tatlo? Hindi ko na mabilang, sa dami ba naman kasi namin dito at lahat kami gutom na sa kakaantay kung kailan darating yung mga pagkain.

"Wala pa si Manang." Sagot naman ni Ace na pati siguro siya ay naririndi.

Sabe ko na kasi kay Reid kanina na dumaan muna kami sa palengke bago pumunta rito at makapamili kahit man lang mga makakain. Hayan! Ang daming nag ririklamo sa gutom. Ang kulit kulit kasi nitong taong 'to na mag mayabang. Anihin mo sana lahat ng galit ng mga babaeng ito at ng magtanda ka. Alam naman ng lahat na hindi dapat ginugutom ang mga babae dahil nagiging dragon.

"Mag antay nalang tayo ng kaunti baka anjan na sila sa laot."

"Kanina mo pa yan sinasabe, Reid. Pero hanggang ngayon wala pa sila." Pag rereklamo ni Jen. Pati siya ay pagod na sa pag aantay.

"Konting tiis nalang. Siguro naman ay pauwi na ang mga iyon o kaya ay anjan na sa tabe." Pag papakalma ko sa mga gutom nilang mga sikmura. Kahit ako ay nagugutom na rin pero wala naman kaming magagawa kundi mag antay kinila Manang dahil sila ang nasa bayan. Hayyy nako kung alam ko lang na magpapalipas langbkami dito ng gutom sana hindi nalang ako sumama sa kanila. Sana asa bahay ako ngayon o nakikipag date sa mga babae.

"Hoy! Reid. Pati ako gutom na. Wala bang makakain diyan? Kahit prutas man lang."

"Maghanap ka sa gubat kung may makikita ka." Tignan mo 'tong taong ito para nagtatanong lang makasagot parang kinakaya kaya lang ako.

Nilapitan ko siya at kinutusan sa ulo. "Ako! Wag mong sinasagot ng pabalang ah. Gutom ako."

Nagsimula na kaming mag rambol ni Reid ng marinig namin si Ace na tumikhim kaya napatigil kami. Mas delikado kasi si Ace pag gutom o puyat siya. At sa katayuan namin ay parehong gutom at puyat si Ace. Di kasi nakatulog ng maayos kagabi dahil excited na makita si Kara. Akalain mong siya ang pinaka maagang nasa meeting place namin kanina.

"San ka pupunta?" Tanong ni Ace kay Kara ng tumayo si Kara sa kina uupuan niyang silya na katabi lang ni Ace.

"Mag e-excavation hunting! Mag hahanap ako ng makakain dito."

"Saan ka anman mag hahanap ng pag kain dito. Isla kaya 'to." Pag papaalala ni Reid kay Kara kung asaan kami.

"Exactly! Isla ito. We have a lot of food if we just have to look in the right place."

"At saan naman?" Tanong ko sa kanya. Nakita namin si Kara na ngumiti at parang may binabalak na masama ang tingin na iyon. Kaya lahat kami ay sumunod sa kanyang mga galaw. Sinundan namin siya kung saan siya pupunta. Ako nga ay nanalangin na makahanap sana si Kara ng makakain para makakain na kaming lahat at ng hindi na kami nag susungit sa isa't isa.

"Pagkain nga!"

"Galing mo, Kara."

"Sabi ko sa inyo we just have to look in the right place."

"Bakit nga ba di ko naisip iyon."

"Hay nako Reid. Ang tanga mo talaga." Sungbat ko sa kanya. Siya ang may alam ng pasikot sikot dito sa islang ito. Ni hindi man lang niya naisip ang spot na ito.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now