Hell 1

3 2 0
                                    

"Ma? Pasok na po ako!" sigaw ni Aloisa sa kanyang ina na abala sa paghahanda ng agahan sa kusina.

"Di ka ba kakain ng agahan selene?" tanong ni Eos sa anak habang papalapit siya dito at nagpupunas sa kanyang basang kamay sa apron na suot niya.

Abala naman si Aloisa sa pagsusuot ng kanyang sapatos at nakita niyang palapit ang ina, "Hindi na ma! Late na ako eh. Bibili na lang ako ng sandwich sa cafeteria mamaya bago ako papasok. Bye ma!" akmang aalis si Aloisa nang hilahin siya ng ina.

"Ops ops! May nakalimutan ka."

Naguguluhan si Aloisa at hinarap ang ina na may kinukuha sa bulsa nito. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang pendant ng suot nyang kwentas at binuksan ito.

"Papalitan na natin ito anak. Nakalimutan mo siguro na friday ngayon." saad nito habang pinapalitan ang pitong buto ng isang halaman sa kanyang pendant lock. Nakagawian na kasi ng ina na palitan ang buto nito tuwing biyernes. Simula bata si Aloisa ay suot na niya anv kwintas na ito na bigay ng kanyang lolo. Kahit hindi niya alam para saan ito pero sinusunod niya na lang ang bilin ng ina na huwag hubarin ang kwintas kahit na anong mangyari.

Niyakap ni Eos ang anak at hinalikan sa noo. "Mag-iingat ka anak... mahal na mahal kita."

"Mama naman eh! Agang aga nagdadrama. Osya ma! Alis na ako. I love you ma!" humalik ito sa pisngi ng ina sabay takbo.

Pinapanood ni Eos ang anak na lakad-takbo paalis ng bahay nila. Hindi siya umalis sa kinatatayuan nito at tinatanaw lamang ang anak na unti-unting nawawala sa kanyang paningin. "Patnubayan ka sana ng Panginoon anak." saad ni Eos bago bumalik sa loob ng kusina.



Hingal na hingal si Aloisa na dumating sa building nila. Lahat ng kaklase niya ay nakakotse at hatid-sundo ng driver pero siya ay nagcocommute lamang dahil nakapasok lamang siya sa Realm University sa tulong ng Tita Freya na bestfriend ng kanyang ina. Ito ay professor ng Realm University kaya may 50% discount ang sino man na mag-aaral sa ilalim ng kanyang pangalan bilang scholar at isa doon ay si Aloisa.

"ALOISA SELENE!!!" sigaw ng isang babae na tumatakbo palapit sa kanya.

"Oh? Celestine? Bat ka ba sumisigaw? Sa hallway pa talaga ha?" natatawang saad nito sa kaibigan na hingal na hingal sa harapan niya.

"Pa kopya ng assignment oh. Nakalimutan ko gumawa eh. Lagot na naman ako kay Sir nito eh."

"Oo na. Tara sa loob at doon ka kumopya baka abutan tayo ni Sir dito at dalawa tayong malilintekan." sabay hila nito sa kaibigan papasok sa classroom nila.


"There are three class of rights. The natural rights which the government can't take away from its people, its a right that was given by the Creator to humans... A right to life and right to love. What is the second right... hmm... Miss Creed?" 

Tumayo naman si Aloisa at confident na sumagot sa kanyang guro. "Constitutional Rights sir. The rights which are protected by the constitution." at umupo siya matapos sumagot.

"Very good Miss Creed."

Nagpatuloy ang klase nang biglang bumukas ang pinto. At may lalaking nakatayo doon na nakasuot ng suit.

"Please excuse Miss Aloisa Selene Creed. She was summoned to please meet the Student Council President at SC Library at 13th floor of Administration Building."

Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga estudyante sa loob ng classroom dahil sa narinig. Hindi basta basta nagpapatawag ang Student Council President o kahit sino mang miyembro ng SC kung hindi ito sobrang importante.

"Ano kaya ang nagawa niyang kasalanan?"

"Did she violated school rules?"

"Ang swerte niya! Mamemeet niya ng malapitan si President!"

Isa lamang yan sa mga naririnig niyang bulung-bulongan habang palapit siya sa pintuan at muling sumulyap sa kaibigan na nag-aalalang nakatingin sa kanya.

"Call me." mga katagang nababasa ni Aloisa sa bibig ng kaibigan. Kinakabahan man pero sumama siya sa lalaki papunta sa SC Library upang harapin ang isa sa pinakakinatatakutang tao sa Realm University.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Realm of DemonsWhere stories live. Discover now