Us That Never Was

23 1 0
                                    

  "There's never a chance in this world that you're going to even like me. At least, not the way I wanted you to."  

-o-

Axel,

Actually hindi ko talaga alam kung saan magsisimula.

Hi?

Kumusta?

Sorry?

Tsk. Sige, sa sorry na lang.

Sorry kasi lumayo ako. Sorry kasi nasaktan ako. Sorry kasi hindi ko kayang masabi nang personal.

But let me explain everything through the best way I know.

Writing.

-o-

You got me caught in all this mess

I guess, we can blame it on the rain

My pain is knowing I can't have you,

I can't have you

PAGKARINIG na pagkarinig ko pa lang sa kantang 'to, alam mo bang ikaw na agad ang naisip ko? Naalala mo nung pinayungan mo ko? That one moment under the rain started it all, Axel. Started this story of us that never was.

Kilala ka sa buong campus. Bukod kasi sa hitsura mo, mabait ka pa, palangiti, approachable. Major sponsors pa ng mga event sa univ 'yung parents mo. Marami ngang babae ang may crush sayo, eh. At oo, aaminin ko, matagal na din kitang medyo crush pero hindi ko masyadong ine-entertain kasi alam ko namang may mga bagay sa mundo na hindi nakatakdang mangyari.

Pero shit lang, that rainy day—wala na! From happy crush to puppy love, real quick! Kahit 'yun lang ang first and last encounter natin. Well, at least, bago 'yung exhibit ng Arts Org kung saan ikaw ang presidente. But the point here is me being overly pathetic. Kaya siguro ako nasaktan nang ganito. Imagine, isang hamak na moment lang sa ulanan ang pinanghahawakan ko pero eto ako, parang ulan kapag bumabagyo—hulog na hulog na sayo.

Then the Arts Exhibit came. Espesyal ang araw na 'yun kasi unang beses mo kong kinausap, Axel. Ilang buwan akong tumanaw sayo sa malayo, pasimpleng nakibahagi sa saya mo, at aaminin ko, bigyang kahulugan lahat ng kilos mo—pero sa loob ng ilang buwang 'yun, noong Arts Exhibit lang talaga tayo pormal na nagkilala.

Nandoon ako buong araw at buong pusong nag-alay ng moral support. Ilang beses na ngang nagreklamo 'yung kaibigan kong nahila ko lang para samahan ako.

"Umuwi na tayo, Rayne. Hungry birds na ko, beh!" Pamimilit ni Maia.

"Wait lang. Hintayin na nating magsalita si..."

"Si Axel?" Napailing-iling na lang siya. "Beh, mag-move on ka na. Kasi nagrereklamo na 'tong tiyan ko!"

"Ehhh," niyakap ko na lang siya sa braso at nagpaawa. "Ngayon lang...please?"

Napairap na lang siya.

See my efforts? Ginutom ko kaibigan ko para lang sayo!

Sulit naman kasi lumapit ka rin sa'min, finally!

"Hey," lumakas ang kabog ng puso ko nang may marinig na nagsalita sa likod namin ni Maia. Sabay pa kaming napalingon. "Thank you so much for coming. We really appreciate it."

As in, tangina, gusto ko na talagang tumili sa kilig kasi pers taym—narinig ko rin ang guwapong boses mo nang malapitan!

Then you looked at me and was silent for a while. "Shit, Rayne Mariano?"

Us That Never Wasحيث تعيش القصص. اكتشف الآن