GUSTO KITA ( ONESHOT)

62 5 2
                                    

Cally's Pov

Cally....

Lalabas na sana ako ng classroom ng may tumawag sa maganda kong pangalan.

Liningon ko kung sino ito pero di ko naaaninag ang muka niya pero ang alam ko ay lalake ito dahil sa boses niya.

Teka...bat ang labo ng muka niya ? Panaginip ba toh ?

Unti unti siya lumapit sakin at sinabing,

Gusto kita....

Linapit niya ang muka niya sakin at akmang hahalikan ako,

HOY CALLY! GISING! BAKIT NGUMUNGUSO KA ?! ANO NANAMAN YANG NAPAPAGINIPAN MO HUH ?!

Napaangat ako ng ulo dahil sa sigaw nayun.Tsss...Panaginip lang pala kala ko totoo na!

Yun na yun! Nasa Climax na eh! Hahaha jk lang!

Sinamaan ko nang tingin itong lalakeng nasa harapan ko.

Oh bat ang sama ng tingin mo ? Pasalamat ka nga at ginising pa kita dahil kung hindi kita ginising malamang pinaglalamayan kana ngayon! - Sigaw niya.

Tss..paglalamayan kagad ?

Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa classroom kami ngayon at wala ang teacher namin dahil meeting nila ngayon.

Nakaupo ako sa armchair ko at katabi ko ang Bestfriend kong baliw. Si Kisses. Ang parang nakakain ng microphone sa bibig Ang ingay.

At ako naman si Cally Anne. 15 years old, 4rth year highschool.

Habang nililibot ang tingin ay nabaling ang atensyon ko sa lalaking hawak hawak ang DSLR at kumukuha ng litrato.

Ohmygoooddd! Ang gwapo niya talaga!!Lalo na pagkumukuha ng mga pictures!

Yung mga babae ko namang kaklase nagkukumpulan sa isang sulok habang pinagmamasdan si Mint. Err! Akin lang siya!

Lumapit ako Kay Mint.

Hello Mint! - Pagpapapansin ko sakanya at pumunta talaga sa harapan niya kaya natutok sakin ang camera niya.

Binaba niya yung DSLR niya at bored akong tinignan.Ngiti naman ako ng malapad.

What ? - waah ang cool niya talaga. Nakakainlab ♥.♥

Ahmm.. Ahmm..ahmm.. - OMG naging istatwa ako sa harap niya! Nakakahiya!

Bakit nga ba ako lumapit sa harap niya ?

Kung wala kang sasabihin, you may go. - Suplado niyang sabi kaya nanlulumo akong umalis sa harapan niya.

Ahmm punta ka sa rooftop mamaya pagkatapos ng klase natin.May sasabihin akong importante sayo.- Sabi ko at mabilis na tumalikod at naglakad ng mabilis.

Sasabihin ko na talagang gusto ko siya.

Araw araw ko nalang ginagawa to pero never talaga niya ako napansin! Kainis!

Bumalik nako sa pwesto ko at nakita ko namang tinaasan ako ng babae ng kilay.

Ano nanamang katangahan ang ginawa mo ? - tanong ng bestfriend ko.

Napakaharsh mo talaga. Kaibigan ba talaga kita ?- Sabi ko at napa face palm nalang

Parehong pareho talaga sila ng kambal niya! Gusto niyong malaman kung sino kambal niya ?

Walang iba kundi si Mint! Diko nanga maiwasan magkakacrush din Kay Kisses dahil hindi nagkakalayo ang muka nila ng kambal niya.

Pero hindi ako tomboy huh! Tandaan niyo ang crush paghanga lang yan.

Gusto Kita(OneShot)Where stories live. Discover now