Ang Piano at Guwantes

227 7 0
                                    

Sa tuwing ako ay tatanungin ng aking mga kaibigan at ng sinuman kung ano ang kababalaghan na aking naranasan sa tahanan ay lagi kung sinisimulan ang kuwento ng aking nasaksihan ng ako ay bata pa lamang. Kasabay ng masaya kong alaala ng aking ikatlong kaarawan, ay ang pangamba, takot sa aming piano na nakikita naming tumutugtug mag isa.

Maaga kaming nagising ni Mama, Michelle at yaya para mamalengke. Doon sa Paco ay namili kami ng napakarami. "Happy Birthday taba", "Happy Birthday pogi" ito ang sambit ng bawat taong sa akin ay makakita.

Alas 3 ng hapon ay nag uumapaw na ang aming mesa. May spaghetti, fried chicken, giso, adobo, inihaw na baboy at isda. Di rin nakalimutan ang mga hotdog na tinusok pa sa marshmallow at nilagay sa pinya. Dunating na rin maya maya ang napakalaking cake na may clown na nakaupo at iniikutan ng tren. Maya maya ay napuno ang paligid  ng mga lobo.

Hindi ako nakakabasa at hindi ko alam ang nangyayari. Alam ko birthday ko pero hindi ko naman naalala na nag celebrate ako ng una at ikalawa kong kaarawaan. Nabatid ko na ang bawat tao, mabubuo ang alala sa ikatlong taon. Marahil ito din ang dahilan kung bakit feeling ko ang buhay ko ay nag simula lang sa aking 3rd birthday.

Binibihisan na ako ni yaya, halos maligo ako sa pulbo at pabango. Sa pagbaba ko ng aming hagdanan ay sabay awit naman ang lahat ng Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you.

Napakasaya ko ng araw na yon. Lahat ng tao sa akin bumabati at nakatingin. Feeling ko ako ang bida para sa lahat. Lahat ay nabusog at masayang kumain ng akong mga handa. Ang mga bata ay naglaro ng trip to Jerusalem, bring me, paper dance, stop dance, palayok at pabitin.

Habang ang lahat ay abala, nakita ko ang isang napakalaking lobo na halos 4 na beses ang laki sa lobo na nakadikit sa mga upuan. Kanina, ang sabi ni Mama, matapos ko ihipan ang kandila, "eto ang lobo mo". Espesyal itong lobo dahil bukod sa malaki ito, nag iisa ito na pasadya para sa akin. Nagulat ako dahil, gumagalaw ito mag isa. Naaliw naman ako at sinundan ko patungo sa sala.

Bigla itong huminto sa tapat ng aming lumang piano.

Ang aming piano ay antigo, wala nang gumagamit nito sapagkat iilan na lang ang tumutunog. Naging display na lamang ito gayuman ay pinapagawan pa din palagi ng ibat ibang damit. Di ko malaman bat tila ba may pwersang humahatak sa akin upang pumasok sa ilalim ng damit ng piano. Tila ba naiingayan na ako sa mga bisita na kumakain, naglalaro at sa nga batang katulad ko na nagiiyaka pag natalo sa laro.

Dahan, dahan kong hinila ang malaking lobo. Hinawakan at niyakap ko sabay pasok sa ilalim ng aming piano.

Pagpasok sa ilalim ay naging madilim ang paligid. Nawala ang masayang paligid. Hindi ko ininda ang kadiliman at nakakabinging katahimikan. Ang aking tanging alam ay nasa lugar ko kung saan may kapayapaan.

"Ting, Tung, dung, duungg" kinabahan ako ng marinig ko ang piano. Inisip ko, sino kaya ang nagpindot nito. Maaring bisita na nakielam sa piano, o baka si mama na naghahanap sa akin.

"Dung, duuunggg", nakakatakot na tunog ang akong narinig, pinagpawisan ako ng malamig sabay nakita ko ang dalawang guwantes na pumipindot sa piano! Sumigaw ako sa takot! Mama, tulong!!!  Pero wala nakakarinig.

Nahirapan ako huminga at patuloy ang pagtangis ng aking mga pawis. Wari ko ay nakakulong ako sa isang balon na wala ng pag asa makatakas pa. Nakita ang mga kamay na gumagalaw. Ang kamay ay nakasuot ng puting guwantes. Bata man ako, alam ko na hindi yun normal. Alam ka na may maling nangyayari. Patuloy ang pagtunong ng Piano at ang luhay ko ay tumulo na lamang sa takot.

Maya maya ay narinig ko sa kabilang banda ang aking kapatid na si Michelle, "huhuhu" sabay hikbi. Aba, dalawa pala kami sa ilalim ng piano. Tinanung ko sya, nakita mo ba yung puting kamay na may guwantes? Sabay sumagot siya ng "Oo"... 

"Michelle, tara sumigaw ka din! May mumu!" sabay hawak ako sa kanyang kamay at kami ay sumigaw!

Pilit namin tinaas ang damit ng piano subalit ayaw maangat. Umiiyak na kami, hanggang sa may nagbukas ng damit na nakapatong sa piano at nakita namon si Mama.

"Tara kayong dalawa pasaway talaga, ano ginagawa niyo diyan?" Bakit kayo umiiyak? Nag away ba kayo!

Pilit namin ipaliwanag ang mga nakakatakot na nangyare subalit ayaw niya kami paniwalaan o pakinggan. Tara na at magpapicture kayo kasama ng mga bisita.

1,2,3  smile!!! Sa halip na bigyan kami ng pagkakataon na ikuwento ang lahat, kami ay dinala sa sala ulang mapicturan..

Itutuloy...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Interior 13Where stories live. Discover now