Seenzoned (One Shot)

527 26 54
                                    

"Nag-message ka. Nag-intay ng reply, kaso nag-SEEN lang sya! SAKLAP! </3"

----

Halos mamuti na ang mata ko sa kakatitig sa right side nag-FB ko. Iniintay ko kasing mag-Green yung maliit na part sa pangalan nya, kung saan ibig sabihin ay ONLINE na sya..

Halos mag-pipitong oras na din akong nakababad sa laptop. Walang ibang tab na nkabukas kundi yung sa may Facebook ko lng. Ayaw kong buksan yung account ko sa Wattpad, kahit kating-kati na ang kamay ko at ang mata ko para mabasa ang bagong update ng inaabangan kong on-going story pero hindi ko magawa. Kahit ang tumblr ko o yung twitter account ko di ko magawang buksan kase gusto ko lahat ng atensyon ko nakafocus lng sa chatbox, kung saan na dun ang pangalan nya..

Pangalan ni Raikko.

Raikko Marasigan, ang taong laging rason ko kung bakit ako laging online sa FB. Actually, crush ko si Raikko ay hindi pala! Mahal ko na siya..

First year highschool pa ko nung naging crush ko sya. Classmate ko rin sya at the same time. Gwapo kasi eto, matalino, mayaman. Almost perfect ika nga, kaso hindi palangiti, seryoso lagi at higit sa lahat certified isnabero! Hindi ko nga alam kung bakit sa kbila ng mga ugali nyang yun ay nagawa ko pa syang mahalin ng ganito.. Well ika nga, LOVE IS BLIND. You cannot love someone by its own appearance. Hindi mo madidiktihan ang puso mo kung sino ang dapat mong mahalin. Meron ngang iba dyan na sbi di sila maiinlove sa panget but what happened? Nainlove pa din. Kasi nga, ang pag-ibig tumitibok sa puso, hindi sa mata. Katulad ko, minahal ko si Raikko hindi dahil sa physical appearance man yan, mental, emotional.. kundi dahil bigla ko nlng itong naramdaman. Hindi nmn kami close ni Raikko eh, hindi din kmi mdalas magkausap. Tyempuhan lng pag magiging kagrupo ko sya, After that wala na. Back to normal ulet. Hanggang tingin nlng ako sa malayo.

Kaya nga, i have decided na. Bago man lng kmi grumaduate sa highschool ay masabi ko na sa knya ang nararamdaman ko. Gusto ko sanang sa personal ko sasabhin kaya lng nawawalan ako ng lakas ng loob. Parang ako lng na girl version ng torpe kumbaga. Kaya nmn naisip ko na icha-chat ko nlng sya kahit na araw-araw akong mag-online para masabi ko na rin ang nararamdaman ko.

*Green*

Halos lumuwa na ang mata ko nang makita kong nag-green na yung sa may pangalan nya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman! Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Saya, Inis, Kaba at kung anu-ano pang di ko na sadyang maiintindihan. Natataranta akong umayos sa pagkakaupo sa kama ko habang nkalagay yung laptop sa mga hita ko. Nanginginig na magtatype na sana ako kaso biglang nawala sa isip ko kung paano ko sisimulan ang sasabhin ko! Agad kong hinanap yung scratch paper na pinagsulatan ko ng mga dapat kong sabihin. Binasa ko ito at saka ako huminga ng malalim.

Seenzoned (One Shot)Where stories live. Discover now