Wings

49 6 1
                                    


"Angel you're fired!" Malakas na sigaw ng boss ko sabay bato niya sa akin ng mga dokumento na ibinigay ko sa kanya kanikanina lang.

Nakayuko akong lumabas mula sa opisina ng boss ko. Halo-halong pagaalala, takot, at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Isa lang ang gusto kong puntahan nung mga oras na iyon at ito ang Boyfriend kong si James.

Sigurado akong nasa Condo lang ngayon si James dahil mamaya pa naman ang pasok niya kaya pumunta na rin ako. Nasa tapat na ako ng unit niya ngayon at pinindot ang doorbell. Nakailang pindot na ako pero hindi parin niya binubuksan ang pinto niya. Nagtaka ako kaya ako na mismo ang nagbukas ng pinto niya dahil alam ko naman ang passcode nito.

Pagpasok ko ng unit niya ay nakapatay ang ilaw sa sala kaya dumiretso na ako ng kwarto niya. Literal na napanganga ako sa nakita ko. I just saw My Bestfriend and My Boyfriend Making Out. 

Di ko namalayang may mga tubig na palang lumalabas mula sa aking mata. Nagmamadali akong tumakbo papalabas sa unit niya ng walang ingay ngunit pumalpak ako, Nakahulog ako ng isang vase na naging sanhi ng paghinto nila sa kung anumang ginagawa nila kanina.

"Sh*t James!" sabi ni Anika

May kung anong sumapi sa akin at ang sakit at lungkot kong nararamdaman kanina ay napalitan ng poot at galit. Bigla kong sinugod si Anika't pinagsasampal at sabunot ko siya.

"Walangya ka! Traydor! Ba't mo nagawa sakin tong babae ka?!"

"Fvck! Angel let go of me!" sabi niya at ginantihan niya din ako sa pamamagitan ng paghatak sa buhok ko.

"Putangina mong babae ka! You slut! Bestfriend kita nika! Baket?!" humahagulgol kong tugon sa pagitan ng aming pagsasabunutan.

"Fvck Stop that Angel!" singhal ni James at hinawakan ako sa pulsuhan ko.

"Ano ba James! Masakit! Hayaan mo ko papatayin ko yang malanding yan!" Sigaw ko at pilit kong kinakalas ang pagkakahawak niya sa akin.

"What the hell Angel! Stop! will you?!" sigaw sakin ni james at kinaladkad ako papuntang pintuan.

"Why James?! Nagustuhan mo rin ba yung ginagawa niyo?! Matagal na bang mayroong namamagitan sa inyo?! May milagro ba kayong ginagawa kapag nakatalikod ako?! sabihin mong hindi! please?" mangiyakngiyak kong tanong sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Hinawakan ko siya sa mukha. "James you love me right? Please say you love me, not her" Umiiyak kong tanong sakanya habang nakatitig ng diretso sa mata niyang sing lamig ng yelo.

"You're pathetic. I didn't even love you" Napakalamig niyang tugon sa akin at kinuha ang kamay kong nasa mukha niya at tinulak ako palabas ng kanyang unit sabay sara ng pinto.

Ang sakit. sobra. Ayoko na. Tama na. Please. Di ko na kaya.

Si Anika. Pano niya nagawa sakin to?

Ang sakit lang din isipin na kung sino pa yung mga taong pinagkatiwalaan mo ng sobra-sobra ay sila pa ang gagawa sayo ng masama. Sila pa yung kayang manakit sayo.

Hindi ko alam kung pano ko nakayanang maglakad papuntang bar. Dito ko naisipang pumunta para naman kahit papano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Alam kong hindi pa ko pwedeng sumuko dahil andito pa si ate. alam kong kahit papano may nagmamahal parin sakin. Si ate na lang. Siya na lang ang natitira sa akin. di ko na alam ang gagawin ko kapag pati siya ay nawala sa akin. Di ko talaga kakayanin. Baka ikamatay ko.

Hinayaan ko ang sarili kong magpakalunod sa alak. May mga lalake ring nagaalok sakin pero tinaggihan ko dahil alam ko ang maaring kahinatnan ko kapag tinaggap ko ang mga inuming iyon. At hindi ko gawain yun. Habang nilulunod ko ang sarili ko sa alkohol ay nakita ko si ate na nakatayo sa harapan ko. Seryoso ang kanyang mukha pero makikita mo sa mata niya ang pagaalala at awa.

"Ate...anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Imbis na sumagot ay umalis siya. Nagtataka ako ngayon sa Ikinikilos ni Ate, nakita ko siyang umakyat at pumunta sa rooftop nitong building kaya't sinundan ko siya. Pagakyat ko ay nakita ko si ate na nakaupo  sa railings ng rooftop kaya't nagmadali akong lumapit sa kanya.

"Ate! please wag!" sigaw ko at hinawakan ang braso niya na naging dahilan ng paglingon niya sakin ng may ngiti sa kanyang mukha.

"Halika. Samahan mo ako rito. Umupo ka rin" Sabi niya sa akin ng hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha

"Ate delikado baka mahulog tayo dito." pangangatwiran ko sa kanya

"Hindi yan angel. Magtiwala ka lang kay Ate" sabi niya sakin ng nakangiti at hinawakan ang aking pisngi. Sa ginawa niyang yun ay hindi ko mapigilang umiyak. sinunod ko si Ate kasi may tiwala ako sa kanya. Umupo rin ako sa railings ng rooftop. Nakakalula pero maganda yan ang naisip ko nang makaupo na ako dito sa railings. 

Maya-maya ay nakatanggap ako ng tawag mula sa number ni ate.

Nagtaka ako kaya sinagot ko ito kahit na kasama ko pa ngayon si ate.

"Hello?" sagot ko

"Hello? Kayo po ba si Angel Fernandez?" tanong ng tao sa kabilang linya

"Opo, ako nga po bakit?" tugon ko

"Ma'am isa po akong pulis. Sinugod po ang ate niyo sa ospital dahil sa isang car accident kaso dead on arrival pasensya na po at patay na po ang ate niyo." sagot ng pulis sakin

Nang marining ko ang sinabi ng pulis ay nabitawan ko ang cellphone ko at napatingin kay ate na ngayon ang nakatitig na sa akin habang nakangiti.

"Ate Angelique" umiiyak kong sabi

"Baby Angel Mahal ka ni ate" sabi niya habang nakangiti

"Ate ba't pati ikaw iiwan din ako?" tanong ko sa kanya

"Hindi ka Iiwan ni ate, baby" sgot niya

"Ate..."

"Diba sabi sa atin ni mama at papa dati hulog tayo ng langit. Mga anghel tayo?" imbis na sagutin ko siya ay umiyak lang ako dito sa railings "Angel mahal ka ni ate hindi kita iiwang nasasaktan ng ganito. Masakit diba?" tanong ni ate at napatango na alang ako. "Pwes tapusin na natin yang sakit na nararamdaman mo" 

"Ate Angelique..." walang salitang lumalabas sa bibig ko kundi ang pngalan lang ni ate

"Baby Angel Mahal na mahal ka ni Ate hinding hindi ka niya iiwan. Kaya sabay na nating tatapusin ang mga sakit na nararamdaman natin para makalais na tayo. Sabay tayong Lilipad para makaalis sa lugar na ito. Lilipad tayo gamit ang mga pakpak natin paalis sa mundong ito at sinisigurado kong sa mundong iyon ay hindi na tayo makararamdam pa ng kahit anong sakit at magiging masaya tayo. Kaya tara na sabayan mong lumipad si ate" Sabi ni ate sabay lahad niya sa akin ng kamay niya.

Umiiyak akong kinuha ang kamay ni ate. At mula dito sa railings na ito ay sabay kaming lumipad gamit ang aming mga pakpak.

---------------------------------

Author's note: Sorry kung lame  =_=

WingsМесто, где живут истории. Откройте их для себя