The Second Chance

11 0 0
                                    

Lahat tayo gustong makuha ang pangalawang pagkakataon, pero madalas kung sino pa ang karapatdapat na mabigyan non ay ang hindi nagkaroon ng tyansang makuha ito.

Meron namang hindi karapatdapat para sa pagkakataong iyon ngunit nabibigyan pa din, binigyan at sinayang lang ulit.

Ganon nalang ba para sakanila sayangin ang pagkakataong ibinibigay sakanila?
Lalo na pagdating sa buhay,

Dati ng mga bata pa tayo gusto natin maging doctor, pulis, sundalo at kung ano-ano pa. Ngayon halos lahat sa atin gusto nalang mamatay.

Meron kang makikitang nagsusuicide sa pamamagitan ng paglalaslas at pagbibigti at kung ano pang mga bagay na pwedeng kumuha ng buhay sa isang iglap.

Bakit ganon nalang kadali sakanilang sayangin ang buhay na ibinigay sakanila? Hindi ba nila naisip na napakaswerte nila at hanggang ngayon ay buhay sila? Hindi ba nila naisip na maraming tao ang gusto pang mabuhay pero hindi na nabigyan pa ng pagkakataon.

Isa ako sa nag-aasam na mabigyan ng pagkakataon hanggang ngayon.
Pagkakataong mabigyan tyansang gumaling, gumaling sa sakit na unti-unting kinukuha ang buhay ko.

Naramdaman ko ang mainit na tubig sa mata ko kaya itiningala ko ang ulo ko para hindi na ito bumagsak pa.
Ayoko, ayoko ng umiyak. Hindi pa rin naman nagaan ang loob ko, nakakapagod magaksaya ng oras at luha.

Napagdesisyon ko na bumalik sa kwarto ko ng may marinig akong mga yabag ng paa, sa railings ng rooftop.

Awtomatiko akong napalingon saka ko hinila ang lalaking balak na katapak sa may railings na balak sanang tumalon.
Halata kong nagulat sya sa inasta ko ngunit isinantabi nya iyon saka ako tinitigan. Tinignan ko din sya at doon naagaw ng mata nya ang mga mata ko.
Ang mata nya, makikitaan mo ng sobrang kalungkutan at pagsisisi.
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko dahil sa pangyayaring yun, hindi. Hindi ka pa pwedeng mawala.
Pagtapos kong tumitig mula sa mga mata mo may mga bagay bagay akong nakita at naintindihan ngunit hindi pa malinaw sa akin ang mga ito.

"Wag mong sayangin ang buhay mo." Mga salitang lumabas sa bibig ko ng hindi inaasahan.

The Second ChanceWhere stories live. Discover now