Fullest

23 5 2
                                    

I started as a little girl grown up with a not-so-perfect but happy family. Masaya ako kahit may mga problemang dumarating. Masaya ako kahit hindi ko nakukuha ang mga bagay na gusto ko. Dahil okay lang sa akin lahat basta kumpleto lang kami.

I'm like those typical girls na makikita mo sa school. Plain can explain the way I look. Simple can explain the way I talk. And average can explain my range. Hindi ako maganda na hinahanap ng ibang lalake. Hindi ako ganoon katalino para matalo ang top one namin. Hindi ako talented para mapamangha ang ilan. Pero kaya kong maging totoo sa sarili ko.

We're not that rich, but I have my own treasures to consider that I am richer than the richest. Mayaman ako sa pamilya at mga kaibigan. Money can buy anything but it cannot buy the happiness I felt when I'm with them. My laughter and smile is more than a weight of gold.

I'm an aesthetic person. I love music. I love reading. I love arts. I love nature. Kumportable ako palagi kapag naririnig o nakikita ko sila. As if they're my comfort zone.

I'm a daughter of God. I love praying. I always do. I love talking with Him. He's my father, my teacher, my best friend, all in all. Hindi ko siya nakakalimutan sa araw-araw. Dahil napaka-greatful ko sa buhay na ibinibigay niya sa'kin araw-araw.

And I'm a fighter.

Naalala ko noon, may sinabi 'yung teacher namin. "Live your life to the fullest. Kasi hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong 'to. Baka bukas makalawa magugulat nalang tayo, tapos na pala." Kinilabutan ako no'n. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil totoo ang sinabi niya. Siguro kasi tungkol sa buhay at kamatayan. Siguro dahil natatakot ako. Natatakot akong mangyari sa'kin 'yon.

Kaya simula no'n, ipinangako ko na sa sarili ko. I will live my life to the fullest. Gagawin ko na lahat ng gusto ko. Wala nang sasayangin pang oras. Sasabihin na lahat ng gusto kong sabihin.

Hanggang sa nagkasakit ako. Hindi ko alam kung saan nanggaling. Baka dahil sa genes namin. May history kasi ang pamilya ni Mama ng cancer of the bone.

Yes, cancer of the bone. Stage four na siya ngayon. Hindi na ako nakakalakad. Ni hindi na nga ako makatayo. Pero pinipilit kong umupo. Kahit masakit. Dahil gusto kong maramdaman na buhay pa ako. At may pag-asa pa.

Kaso kahit may cure, hindi na rin daw kakayanin. Lalo na't unti-unti na ring nanghihina ang ibang parts ng katawan ko. Nahihirapan na nga akong mag-type ngayon. Pero kaya pa. Kakayanin ko 'to.

Binigyan na nila ako ng taning. Siguro one month or less than that nalang daw ang itatagal ko.

Gusto kong umiyak. Gusto kong iiyak lahat. Lalo na't malalaman kong malapit na akong mawala sa mundong 'to. Pero sasayangin ko pa ba ang oras ko sa pag-iyak at pagmumukmok? Kaunti nalang ang natitira kong oras. Gugugulin ko nalang 'to kasama ng mga mahal ko sa buhay.

Ayoko silang iwan pero siguro tapos na rin ang misyon ko dito.

Dapat na rin siguro akong magpasalamat sa mga taong walang sawa na nagmahal sa'kin.

Sa mga kaibigan ko. Na tinuring ko na rin bilang pamilya. Maraming salamat sa inyo. Isa kayo sa mga nagpasaya sa akin tuwing nalulungkot ako. Kayo ang tumutulong sa akin kapag may problema ako. Kayo rin ang gumagabay sa'kin kapag hirap na hirap na ako. Hindi niyo ako iniwan at kinalimutan kahit na ganito ang sitwasyon ko. Pasensya na rin kung nagtatampo kayo dahil minsan ay hindi ako nagsasabi sa inyo. Ayoko lang kasi na problemahin niyo rin ang problema ko. Ayokong madamay pa kayo sa paghihirap ko. Pero maraming salamat talaga sa lahat.

At sa pamilya ko. Sa magulang at mga kapatid ko. Ma, Pa, salamat sa lahat. Kahit minsan ay nagiging pasaway ako, pasensya na. Kahit minsan ang kulit ko, naglalambing lang naman po ako. Maraming salamat po sa lahat. Sa pag-aalaga sa akin. Alam kong hirap na hirap na kayo pero hindi niyo pinapakita. Alam kong pagod na kayo pero hindi niyo iniinda. Alam kong nasasaktan kayo pero hindi niyo pinaparamdam. Alam kong pati ang mga kapatid ko naaapektuhan na din. Miss ko na 'yung dati. Yung nasa bahay tayo. Magkakasamang manood ng t.v. Magkakasamang kumain. Nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Nagkukulitan.

Alam kong sobrang daming nagbago no'ng nagkasakit ako. At palala pa nang palala hanggang ngayon. At gusto kong mag-sorry dahil do'n. Ako talaga ang puno't dulo ng paghihirap niyo. Ako ang puno't dulo ng pagod niyo. Ako ang nag-iisang dahilan ng pag-iyak niyo. Ayoko nang makita pang malungkot kayo. Kahit na ngumingiti kayo sa harap ko, naririnig ng puso ko ang bawat iyak at hirap na dinadala niyo.

Mahal na mahal ko kayong lahat.

Kung ako ang papipiliin, buhay o kamatayan, mas pipiliin kong mamatay nalang. Kaysa mabuhay ng ganito ang karamdaman ko, mas gugustuhin kong mamatay nalang. Para hindi na kayo mahirapan. Para tapos na ang hirap at pagod. Para hindi na kayo malungkot. Alam kong malulungkot kayo kapag namatay ako. Pero sana pagkatapos no'n, magsimula kayong muli. Maging masaya kayo at ipagpatuloy pa ang buhay. Gawin ang mga bagay na gusto niyo. Sabihin ang mga bagay na gustong sabihin.

Kung mamamatay man ako ngayon, masaya ako. Dahil nagawa at nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Kahit sa murang edad ko na 'to, masaya na ako. Dahil kahit papaano, binigyan ako ng Diyos ng ilang taon upang makasama ang mga mahal ko sa buhay.

Siguro ito na ang fullest ng buhay koo...     ..

,

AsAt lerast bag o akop mamaray, I lioved nmyui ligghfe  t   o thje



























      fgullerst. |

FullestTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang