Paano Ba Magmahal Ng Hindi Nasasaktan?

153 8 2
                                    

Paano Nga Ba Magmahal Ng Di Nasasaktan

Ang kwentong ito ay para sa mga nagmahal, umasa, pinaasa, nasaktan umiyak.

Sa mga taong biktima ng salitang "Mahal kita".

Sa mga taong umasa sa salitang " Hindi kita iiwan".

Sa mga taong naniwala sa salitang "Ikaw lang sapat na".

Mga umiyak at nasaktan. Sa mga ginago at pinaasa.

Ok~ bebeyo' isa lamang itong random story na madalas mangyari sa reyalidad. Naisip ko ito dahil wala lang. Wala kasi akong magawa Haha,

*****x

Naalala ko pa noong unang araw kitang nakita. Naglalakad ako noon sa hallway papuntang locker room at ikaw naman ay nagmamadali na parang may hinahabol. Nong nakita kita para bang natigil ang lahat at parang tayo nalang ang nasa mundo. Nagalalakad ka palapit sa akin na tila ba nag slow-mo ang lahat kumikinang pa ang iyong mata at nililipad ng hangin ang iyong buhok.

"Ano ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sinigawan mo ako nong mabunggo mo ako at doon naman ako napabalik sa reyalidad. Dahil sa dami ng librong hawak ko nagsilaglagan lahat ito sa sahig at nagkalat ng matabig mo ako. Pero imbis na tulungan mo ako ay nag salubong pa ang kilay mo at nilagpasan ako.

Isa-isa kong pinulot ang mga librong iyon. Habang nakatingin pa rin sa likod mo. Akalain mo iyon ikaw na nga itong nakasakit, ikaw pa itong galit. Dahil doon naiinis ako sayo. Ang yabang mo kaya akala mo kung sino kang gwapo! Hindi kaya. Ni hindi ko nga naisip noon na balang araw mamahalin kita.

Naalala ko pa noon kung paano mo ako ibully! Madalas mo nga akong pagtripan noon e. Madalas mo akong tawaging pangit pero syempre pinaglalaban ko rin ang aking kagandahan . Kaya madalas din akong tumingin sa salamin noon. Halos ayoko ko na ngang umalis sa harap ng salamin para siguraduhin hindi ako pangit. Hindi naman talaga ako pangit e.

Hanggang sa hindi ko na kinaya ang pambubully mo at pinatulan na kita. Sa pagkakataong iyon, ikaw ang na-inis sa akin kaya ni lubayan mo ako. Pero para bang nakakapanibago at ... hinahanap ko yong atensyon mo ... hinahanap ko yong napapansin mo ako.

"May problema ka ba?" tinanong kita noon nong makita kong mag-isa ka at tahimik na nakaupo sa desk mo. Pero imbis na sagutin ako ay iba ang sinabi mo.

"Bakit ka nandito hindi ba't galit ka saakin. At ano naman sayo kung may problema ako? Naaapektuhan ka ba?" yan yong mga sinabi mo. Kita mo ikaw na nga itong nilapitan ikaw pa itong galit, minsan nga napapaisip na ako kung lalaki ka nga ba dahil mas masungit ka pa sa babae. Sinabi ko noon sayo na hindi ako galit sayo at kung may kailangan ka sabihan mo lang ako handa akong makinig sa kwento mo.

Simula nga noon ay naging magkaibigan na tayo. Madalas tayong magkasama kahit saan. Naging mag bestfriend pa tayo hindi ba? At noong naging kaibigan kita ay mas lalo pa kitang naintindihan. Madalas mo kasi ikwento ang buhay mo sa akin na ubod ng kadramahan pwedeng-pwede na nga pang MMK e.

"Alam mo kasi El madali lang naman magpatawad e, Ang mahirap nga lang ang makalimot" yon ang sinabi mo sakin na talaga namang tumatak sa isip. Oo nga tama ka madali ang magpatawad pero mahirap makalimot.

"O di ikaw na Darylle" yon lang ang sagot ko kasi wala naman akong pwedeng sabihin ng mga oras na iyon. Para kasing kinakapos ako sa hininga dahil sa presensya mo. Para kasing nagwawala na naman ang malalanding hormones ko sa katawan at gustong kumawala.

Naalala ko pa noon noong unang beses mo akong tinext. Napagkamalan pa nga kitang scammer kasi ginod-time mo pa ako. Hanggang sa madalas na tayong magkatext gabi-gabi. Madalas ka din tumawag. Kahit wala naman tayong matinong usapan. Puro jamming lang pero masaya tayo. Sa anong dahilan? Hindi ko din alam noon.

Paano Ba Magmahal Ng Hindi Nasasaktan? Where stories live. Discover now