Tulad ng Dati

3.6K 63 10
                                    

Hindi na siya yung dating payatin na araw-araw kong tuksuhin dahil halos buto't balat na.

Hindi na siya yung halos ubusin na ang tindang kwek-kwek sa kanto para lang daw magka-maskels ang katawan niya.

Hindi na siya yung lalaking nagtiya-tiyagang magsimba linggo-linggo, makasama lang ako.

Hindi na siya yung naghihintay sa labas ng school para sunduin lang ako.

Hindi na siya ang bumubusog sa demanding kong tiyan.

Hindi na siya yung lalaking minahal ko.

Hindi na siya tulad ng dati.

Dahil ngayon, ibang-iba na siya. 

--

Isang kagagahan ulit. Pumasok sa utak ko nung tiningnan ko ang profile niya. Hintayin niyo ang update nito and let's uncover the love story of the writer of the korni and cliche stories you've read and enjoyed (?).

Minsan lang ako sapian nito kaya pag-tiyagaan niyo na :)

Tulad ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon