ANG MANYAK MO!

1.2K 5 3
                                    

Author's Note:

Bored lang po kaya pagbigyan niyo na. :)

Hi Ms.Jacqueline! 

___

office works, reports, presentations..

"LATE NA KOOO! ang dami dami ko pang gagawin sa office.. sa sobrang pagmamadali ko hindi ko naplantsa yung dapat na isususuot ko ngayon sa Presentation, nag skirt nalang tuloy ako (I hate wearing skirt actually) gusto ko pa naman sanang ma-impress si Boss kaya lang mukhang malabo na yon! sayaaang ang bagong biling damit :((("

nakakainis! kung kailan late na saka pa walang masakyan na jeep

"QUEZON AVE!!"

"QUEZON AVE!" sigaw ni manong konduktor..

NO CHOICE! :( makapag bus nalang..

kahit sobrang sikip na ng bus sumakay na ako, baka masisante na ako kung hindi ko pa mai-ayos ang presentation ko.

wala ng upuan kaya nakatayo na ako..

KRIIIING KRIIIINGG....

KRIIIING KRIIIINGG....

KRIIIING KRIIIINGG....

"Jean nasaan kanaba? magsisimula na ang Presentation within 20 minutes, kanina kapa hinahanap ni Boss sakin, galit na galit na siya"

"Hi Annie, pakisabi kay Boss sobrang pasensya na, medyo mahirap kasing sumakay, I'll be there within  15 minutes"

hindi ko pa man naibaba ang phone ko biglang prumeno ng pagkalakas lakas si Manong Driver saktong hindi pa ako nakahawak

lahat kaming nakatayo sa gitna ng bus ay na-out of balance, mabuti nalang at medyo mabilis ang kamay ko kaya nakahawak ako agad sa railing..

bago pa man ako makapabalik sa momentum ko naramdaman ko nalang may lalaking nakayakap sakin at sakto pa ang kamay niya sa dibdib ko..

sa sobrang gulat ko napasigaw nalang ako at nasampal ko siya

"MANYAAAAAAK!!!"

lahat ng pasahero napatingin sakin..

ng makabalik nadin sa momentum ang lalaking nakayakap sakin agad siyang bumitaw

"I'm sorry Miss, hindi ko sinasadya, hindi kasi ako nakakapit, I'm so sorry"

"MANYAK KA! LUMAYO KA NGA SAKIN!!!"

"miss hindi ko talaga sinasadya"

"sino bababa diyan sa QUEZON AVE?" sigaw ng konduktor

"PASALAMAT KA AT NAGMAMAMADALI AKO! KUNG HINDI DADALHIN KITA SA POLICE STATION!"

dali dali akong bumaba sabay umirap sa manyak na lalaking yon..

________

3 minutes bago magsimula ang presentation dumating na ko nasermunan muna ako ng bonggang bongga ni Boss bago niya ako pinaghanda sa Presentation ko..

puro kamalasan nalang ang inabot ko ngayon :((

**

PRESENTATION...

"That would be all, Thank you"

"Very good presentation Jean.."

"thank you Sir"

"approved na Sir?"

"kung ako lang ang tatanungin mo approved na approve sakin pero hindi ako ang magdedesisyon kundi ang anak ko, 6 months from now siya na ang papalit sakin kaya ngayon palang tine-train ko na siya"

"may anak pala si Boss? bulong ko kay Annie

"oo, meron siyang unico hijo, balita ko sobrang talino at gwapo ng anak ni Boss suplado nga lang wala ngang makalapit dun e"

"Jamie, pakitawag naman si Neil"

"okay Boss"

"Goodluck nalang Jean sa pagkakaalam ko sobrang pihikan ng anak niya, wala siyang pinalagpas pagdating sa trabaho"

"sige takutin mo pa ako!" sagot ko kay Annie

sa sobrang kaba ko, napayuko nalang ako at napadasal, tiyak kapag hindi naaprubahan ang presentation ko maaapektuhan ang trabaho ko..

maya maya may pumasok na lalaki mula sa pinto..

"sorry Dad nasiraan ako ng kotse kaya napilitan akong mag commute"

"it's okay, kilatisin mo na ang presentation ni Jean, nasa kamay mo na ang desisyon"

unti unti kong iniangat ang ulo ko, nagulat ako ng makita ko na ang lalaking manyak sa Bus at ang unico hijo ng Boss ko ay iisa

bago pa man ako makapag react nagsalita na siya

"Approved na sakin"

"hindi mo pa nakikita ang presentation niya Neil" sagot ni Boss

"basta, Approved na sakin,this meeting is adjourned"

maya maya lang nag alisan nadin ang mga board members, nagpaiwan muna ako para ayusin ang mga gamit ko

"wala na akong atraso sayo, pasensya na ulit sa nangyari kanina"

"thank you" maikli kongt sagot sa kanya sabay talikod at tuluyang umalis.. wala man lang siyang reaksyon napakaseryoso ng mukha suplado nga

simula ng araw na iyon palagi niya na akong isinasabay sa kotse niya kahit anong pagtanggi ko wala akong magawa, tinanong ko siya kung bakit niya ako palaging isinasabay, at inihahatid sa bahay ko ang tanging sagot lang niya ay...

"kawawa naman ang susunod na lalaking masasampal mo kapag naulit ang ganong insidente sa bus"

at doon na nagsimula ang LOVE STORY namin araw araw ba naman kaming sabay pumasok at umuwi e?

hindi ko akalain na ang lalaking napagkamalan kong manyak ay ang lalaki din palang sobra kong mamahalin..

THE END..

______

medyo sabaw ang story pero sana nagustuhan niyo :)

please do comment and vote :) THANK YOU :)

Follow me on twitter

@LouiseDegu

 ALL RIGHTS RESERVED

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANG MANYAK MO!Where stories live. Discover now