Isang Masayang Bangungot

12 0 0
                                    

Kakauwi ko lang sa aming tahanan mula sa aking pinapasukan bilang isang katulong sa isang magarang bahay sa Makati. Dahil sa kulang ang aking pamasahe pauwi sa aming tahanan ay naisipan ko na lang maglakad. Ika-sampu na ng gabi na yaon,kakain sana ako ngunit walang nakahandang pagkain, wala rin ang nakababata kong kapatid, nanay at tatay at napakagulo ng aming bahay. Kung kaya't naglinis muna ako ng aming bahay, idinaan na lang sa tubig ang gutom, nagpahinga ng panandalian, at natulog na lang.

Sa pagmulat ng aking mata ay isang nagniningning at napakagandang chandelier ang aking nasilayan. Kasunod nito'y ang kulay ulap na dingding na may mga nakapaskil na tila mamahaling pinta, isa na rito ang aking larawan na mas malaki pa yata sa akin. Sa larawang iyon ay kamangha-mangha ang aking kasuotan na tila isang prinsesa. Unti-unti ko itong nilapitan. Habang papalit sa larawan na iyon ay nadama kong mabigat ang aking suot, nagulat ako dahil ang suot ko sa larawan ay siyang suot ko rin. Namagha ako ng sobra at nagpaikot-ikot sa tuwa. Mas lalo akong namangha ng tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Tunay nga na nagmukha akong prinsesa sa ayos ko.

"Prinsesa Mary Dale nakahanda na po ang inyong agahan. Ipinapatawag na rin ho kayo ng inyong Amang Hari." Sambit ng isang tinig na nagmula sa pintuan ng silid na iyon. Agad kong binuksan ang pinto at dumungaw sa berandang nasa harap nito. Kitang-kita rito ang kabuuang ganda ng kaharian na pangarap ko lang makita. Tinawag akong muli ng tagasilbi sa kaharian at sumunod sa kanyang dinadaanan.

Sa bawat hakbang sa hagdan na aming binabaan papuntang hapag-kainan ay manghang-mangha pa rin ako sa aking nakikita. Pinagbuksan ako ng tagasilbi na iyon, parang kelan lang ako ang nagsisilbi sa aking amo ngayon ako na ang pinagsisilbihan. Pagbukas ng pinto ay mas lalo pa akong namangha sa aking nakita. Naroon ang aking kapatid na lalake na tambay na gwapong-gwapo sa kanyang kasuotan at nagmukha siyang prinsipe. Naroon din ang aking Ina na sugalera na kagalang-galang ang postura at mukhang reyna na napakaganda at ang aking ikinagulat ang aking Amang walang kwenta at lasingero na Haring hari ang dating sa kanyang kasuotan. Nakangiti silang lahat sa akin na nakaupo na sa mahabang lamesa na punong-puno ng masasarap na pagkain para sa aming agahan. Sa sobrang saya ko ay bumalik ako ng ngiti sakanila at binati sila ng isang Magandang Umaga.

Katatapos lang namin mag agahan ng tinawag ako ni Amang Hari upang mag-usap sa aming hardin.

"Aking anak nalalapit na ang iyong kasal kay Prinsipe Edward, mawawalan na ako ng prinsesa sa ating kaharian." Pambungad ni Amang Hari sa akin.

"Ama! Babalik at babalikan ko kayo ni Inang Reyna sa ating palasyo pangako ko 'yan kahit na magiging reyna na ako ng aking minamahal na si Edward. " sambit ko sa aking Ama na sa wari ko ay magtatampo sa aking paglisan sa palasyo sa nalalapit na kasalan namin ni Prinsipe Edward.

Alam kong ayaw pang magpakasal sa akin ni Prinsipe Edward dahil may iba siyang mahal ang kanyang mas malapit na kaibigan na si Prinsesa Yumi na kaibigan din namin ng aking nakababatang kapatid na si Prinsipe Marco. Masakit ng malaman ko ang katotohanang iyon ng minsan akong dumalaw sa kanila para bisitahin ang Ina at Ama ni Prinsipe Edward ay narinig ko ang pagtatalo nila ng kanyang Amang Hari at sinabi niya na hindi pa raw siya handang magpakasal at iba daw ang kanyang minamahal. Natigil lang siya sa pagsagot niya sa kanyang Ama ng marinig niya ang hikbi na nagmula sa aking pagiyak. Kaya agad akong tumakbo palabas ng kanilang kaharian at nagpunta muna sa isang burol na malapit sa aming palasyo.

Nagsisigaw ako roon sa sama ng loob buong akala ko ako ang mahal niya ako lang ang tinatangi niya ngunit taliwas pala ito sa aking iniisip. Ang sakit ang sakit sakit sakit bakit iba ang mga nakikita ko sa kilos niya kapag kasama ako, sa kanyang sinabi sa kanyang Ama. Naalala ko noong mga bata pa kami na walang araw na aasarin niya ko sa tuwing kami ay magkikita sa pagtitipon ng aming mga magulang. Sa tuwing lalayo ako sakanya ay susuyuin niya ako upang manghingi ng tawad at muli nanaman niya akong aasarin hanggang sa umiyak. Hanggang sa aming paglaki ay nasanay na ako sa kanyang mga ginagawa na alam kong nais niya lang makuha ang atensyon ko. Naalala ko ang mga panahong kita ko sakanyang mata na may pangtangi siya sa akin. Mga panahong hindi man niya sinasabi ay alam kong mahal niya rin ako, at mga panahong sa akin lang umiikot kanyang mundo.

Isang Masayang Bangungot (One-Shot Story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang