My Journal

16 0 0
                                    

September 29, 2014

PAANO KUNG yung plinug na number ng kaibigan mo sayo ay gustuhin mo? I mean, yung may ari ng number na iyon? Paano kung tuluyan nang mahulog ang loob mo sakanya? Ano na ngayon ang gagawin mo? Ipagpapatuloy mo ba ito at hahayaang lumago o pilit mo nalang na kakalimutan siya pati na ang nararamdaman mo sakanya?

----------

Ako nga pala si Musanie Chi, my nickname is Musa (it pronounced Myusa) nakatira ako sa aming bahay. Nag-aaral ako sa school na pinapasukan ko. 16 years old, 4th year HS.

Simple lang ang buhay ko, I mean, simple lang ang buhay pag-ibig ko, hanggang sa dumating siya sa buhay ko. Sa gabing nagpadaan ng GM ang isa sa mga clanmate ko, yung naging kaibigan ko na ex-clanmate ko na rin ngayon. Buwag na kasi yung clan namin that time. So yun na nga, may plinug siyang number, sabi niya rito naghahanap daw ito ng ka-text na mahilig din sa Wattpad. Sa totoo lang, hindi ako mahilig sa wattpad, pero meron akong account nun. Hanggang ebook lang kasi ako. Dala narin ng kuryusidad ko sakanya, tinext ko iyong number na yun. Nagpakilala naman siya sa akin, inakala ko sa unang masungit siya, pero nagkamali ako. Writer siya sa Wattpad at ang pagpapakilala niya sa akin ay *insert username in wp* ayokong sabihin username niya, charot. Sinubukan kong tanungin sakanya kung ano ang real name niya pero bigo akong malaman dahil ayaw naman niyang sabihin. Hindi daw pu-pwede, kaya hinayaan ko nalang muna siya. Taga-Metro Manila nga pala siya.

Edi yun nga, nagkatext narin kami sa mga sumunod na araw. Unang convo namin is nagsusulat ako nun ng assignments ko, and naka-text ko siya, bigla kong naitanong ulit sakanya ang pangalan niya pero bigo ulit. At dahil sa mapilit ako, napilit ko siyang sabihin niya sa akin. Jeyren, yan yung name na sinabi niya sa akin, hanggang name lang, I mean first name. Ewan ko ba, pero noong mga araw na iyon ay naging crush ko na siya, na nagugustuhan ko na siya. Yun na ata ang tawag sa nararamdaman ko. Itong mga araw nato naka-puyatan ko siya sa pakikipag-text. Ang saya ko nun, ewan ko kung bakit, hihi. Hanggang sa nagpaalam siya na magbabasa na muna siya sa Wattpad, pumayag ako, hinintay ko siya hanggang sa dinalaw nako ng antok. Nagpaalam nako sakanya na matutulog nako, diko na talaga kaya, eh, nag-sorry siya kinabukasan kasi hinintay ko pa daw siya.

This day, I don't know na what date to nangyari. Ito yung araw na iyak ako ng iyak kasi nalulungkot ako, hindi ko narin maalala ang dahilan. Nagkataon din na siya lang ang ka-text ko sa mga oras na yun. Sinabi ko lahat ng hinanakit ko sakanya, diko inakalang magaling siyang mag-comfort. *lalo tuloy akong nagkakagusto sakanya," Napagaan niya ang loob ko, napasaya niya ako. Ayaw niya raw kasi ng ka-text na nalukungkot, kaya ayun, pinapasaya niya lang ako nung gabing yun.

Lumipas ang ilang araw na hindi siya nagpaparamdam sa akin, kahit PM or GM man lang e wala. Sobra ko siyang nami-miss that time. Mag-iisang buwan narin kasi magmula noong last text niya sa akin. Nga pala, birthday niya is October ** . Nag-aalangan din ako kasi malapit na ang kaarawan niya pero hindi parin siya nagpaparamdam. Hanggang sa dumating ang isang kaarawan niya, nag-computer pa ako sa bayan para lang mabati ko siya thru Facebook. Doon ko rin nalaman na nasira pala ang cellphone niya. Nabasa ko kasi sa mga comments niya sa isa niyang post, posted last last week ata iyon. Pagka-uwi ko ng bahay galing sa bayan, nabigla ako noong mga gumabi narin kasi nagpadaan siya ng GM at laking tuwa ko nun.

Lumipas ulit ang ilang araw at linggo at tuluyan na akong nahulog sakanya. At dahil mahilig pa ako maglettering that time, lagi ko nang nilelettering ang pangalan niya, mostly his username. Masaya ako kapag ginagawa ko ito. After kong i-lettering at design-nan, ginagawa ko itong DP or Cover sa Facebook ko. Tuwing ka-text ko siya lagi ko parin siyang kinukulit na ibigay niya ang real account niya pero ayaw niya talaga. Name nga ayaw na, account pa kaya nuh? Shunga ko rin minsan eh. Lagi niyang sagot ay kapag umabot na raw ng one million reads yung stories niya sa Wattpad. Alam kong matatagalan pa iyon dahil wala pa naman sa one thousand yung reads niya. Kaya nalungkot ako.

'Tong araw na ito, nakatext ko siya. Humingi siya ng favor sa akin, sabi niya "paki-vote naman iyong story ko na *insert story niya*" on-going story niya iyon. Kaya vi-note ko nalang lahat kahit hindi ko naman binabasa dahil nga hanggang ebook lang ako dahil hindi naman sikat itong cellphone ko para sa App na Wattpad. Nag-thank you siya sa akin kaya natuwa naman ako. Simula noon lagi ko nang vino-vote ang kada update ng story niya tuwing nag-ool ako sa Wattpad kapag nag-cocomputer ako. At alam ko rin kasing matutuwa siya sa votes. Bihira na nga lang din ako nakakapag-basa sa ebook dahil malabo na ang mata ko.

Nakalimutan kong isulat, noong birthday pala niya todo bati ako sakanya nun haha. Todo thank you naman siya sa akin. Dumating naman yung araw na ewan, tinopak ata ako. Tinext ko siya ng "Psst," nireplyan niya naman ako ng "Why?" Inamin kong mahal ko siya, oo mahal ko na talaga siya.. Kaso alam mo ba kung ano ang sagot niya? "Hindi ako naniniwala." sa isang kagaya ko, inaamin kong masakit yun. Kasi hindi niya ako pinaniniwalaan. Tanga ba ako dahil ako unang--- or dahil nag-confess ako sakanya kahit alam ko namang hindi kami same ng feelings para sa isa't-isa? Oo nalang. Napaka-imposible raw kasi, pinilit ko siya noon kasi nasabi ko sa sarili kong sana, hindi ki nalang siya pinilit kasi ang sabi Lang naman niya is, "Sorry kasi, hindi kita gusto." sobrang sakit nun, iyong gabing iyon, iyak ako ng iyak. Noong una kasi, sasabihin kong mahal ko siya pero may kasunod na "joke lang".

Noong mga sumunod na araw nagkaka-ilangan na kami sa isa't-isa. Lalo na ako, ang awkward na. Nga pala, simula pala noong nakilala at naka-text ko siya palagi ko nang pinapa-loadan ang TNT number ko. TNT kasi ang number niya eh, TM number ko kasi ang madalas kong gamitin.

'Tong mga araw na ito, nasa Baguio City ako. Naka-text ko siya nun kasi in-PM ko siya. Ako itong si curious, naitanong ko bigla kung may GF na ba siya. Nanlumo ako at nalungkot noong ang sagot niya ay "OO." tinanong ko pa kung kelan pa naging sila, mukhang nagalit or nainis naman ata siya sa ako, sabi ba naman niya, "Pake mo?" , "Bakit ba?"  Nangungulit na rin kasi ako nun. Tapos nun, di na niya ako ulit nireplyan. Iyak nanaman ako ng iyak, bat ba eh sa mahal ko nga eh.

Pangalawang gabi ko sa Baguio, nag-FB lang ako halos. Saktong online siya, chineck ko iyong account niya, doon ako nagounta sa Wall niya at may nakita akong post niya na parang nagpapahiwatig na napagkakamalan siyang Poser, kasi nga wala siyang picture niya mismo kahit isa sa FB. Ako naman si tanga, ginatungan ko pa mga nagcocomments doon na sinasabing poser siya, "Yan kasi," sabi ko. Then maya-maya naglog out nako. Then online ulit ako a few minutes. Naalala ko siyang i-search pero asdfghjkl! Hindi ko na siya ma-search sa FB. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka blinock na niya ako, siguro dahil sa comment ko sa post niya. At baka nakukulitan narin talaga siya sa akin.

Nang matapos ang mga araw iyon, hindi ko narin siya nakaka-text. Sinubukan kong maki-open sa ibang account para ma-sigurado ko kong blinock ba niya talaga ako then tama nga ako, naka-block ako sa kanya. Nakakalungkot lang. Hanggang ngagon mahal ko parin siya. Kahit sinasabi ng utak at isip ko  at nang mga kaibigan ko na kalimutan ko na siya hindi ko magawa, hindi ko pa kayang mag move on. Yung puso ko kasi makulit, gaya ko. Hanggang dito nalang.
                              - Aisha,

END.

----------

J xx

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Almost LoverWhere stories live. Discover now