HIDDEN

14 6 18
                                    


A one-shot story.

------------------

JEA


"Time of death, 11:35 am."

I closed my eyes and let the tears fall down from my eyes. This is too much. This pain is just too much and I'm too vulnerable to handle it. Why should it have to end up like this? Why things needs to be this complicated and death interfere?

"Kyo!!!!!" -hindi ko maiwasang mapaluhod nang marinig ko ang pagwawala ni Tita Aya dahil sa narinig. Nanghina ang buong katawan ko at para na akong mawawalan ng katinuan. Masyadong masakit ang mga salitang binitawan ng doktor na siyang nagmonitor sa kalagayan ni Kyo. Masyadong masakit ang nangyayari na hinihiling kong sana ay panaginip lamang ito. Na sana isa na naman ito sa katarantaduhan ni Kyo. Pero hindi niya kakayaning makita at marinig na umiiyak at nasasaktan ang mommy niya.

"Anak hindi! Hindi mo kami iiwan! Anak gumising ka na! Baby hinihintay ka na ni mommy! Wake up, my princess!" -pilit na tinatapik ni Tita ang pisngi ni Kyo upang magising ito. Pero kahit pinagsasampal na niya si Kyo hindi parin ito nagigising.

"Kyo!!" -walang-ibang nagawa si Tito Dan kundi alalayan si Tita habang binibigkas ang pangalan ng anak. Kyo's my bestfriend. I'm in pain because of Kyo's death. Pano pa kaya sila na magulang ni Kyo. "Kyo, I'm sorry. I'm sorry anak. Di dapat kami nagalit sayo."

"Kyo..." -nanatili lamang akong nakaluhod habang binibigkas ang pangalan niya. Umaasang maririnig niya. Umaasang babalik siya ulit. Na sana nga nangagago lang talaga ang bruhang ito at umabot sa suksudulan ang ka-alienan niya kaya kahit ganitong prank pinatulan. Umaasa ako na kahit miserable siya sa mga nagdaang araw nakayanan niyang gumawa ng ganitong kalokohan.

"Jea." -nakita ko ang mukha ni Dane sa harapan ko. Lumuluha rin siya pero ang luha ko ang pinunasan niya.

"Can you get me a guitar. I'm gonna smash that bitch's head for making this day an april fool's day." -sabi ko habang patuloy na lumuluha ang mata ko. Alam kong wala na siya pero hindi ko kayang tanggapin. Mahirap lunukin ang katotohanang wala na ang bestfriend ko.

Pansin kong mas naluha si Dane sa sinabi ko. He pulled me into a hug and I burst out in tears.

--------------

Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil humihinga pa ako at nabubuhay samantalang yung taong naging tagapagtanggol ko at buong buhay kong nakasama ay wala na. She sacrificed everything she has for me to stay. Halos itapon na niya lahat ng meron siya wag lang akong mawala sa tabi niya. Sabi niya noon gagawin niya ang lahat wag ko lang daw siyang iwan. Nagalit pa ako nun sa kaniya kasi para namang may dahilan ako para iwanan siya.

"Diyan ka nakatira diba?" -tanong ni Kyo nang makarating kami sa bahay namin. Hinatid niya na ako pauwi dahil baka daw sundan ako nung mga batang nambully sakin sa playground. Pero hindi ko pa man sinasabi ang address ko tinuro na niya agad ang bahay ko. Tinanong ko siya kung bakit niya alam kung saan ako nakatira pero nginitian niya lang ako sabay sabing "Secret."

Nawierduhan ako sa kaniya nun kaya dali-dali akong tumakbo papasok ng gate pero hinabol niya ako.

"Sandali bata! Di mo pa sinasabi pangalan mo sakin!" -sabi niya at hinila ang suot kong bag kaya napabitaw ako sa gate. "Sinabi ko na ang pangalan ko sayo pero ikaw hindi pa."

"Jea." -sabi ko. Kahit nawiwierduhan ako sa kaniya sinabi ko nalanh ang pangalan ko. Hindi naman na kami magkikita kaya okay lang.

Bubuksan ko na sana ulig ang gate nang hilahin niya ulit ako. Mas nawierduhan ako sa kaniya nang makita kong nakangiti siya.

HIDDEN (One-Shot)Where stories live. Discover now