Sapagkat Sa Likod Nito. . .

22 0 0
                                    

Tahimik at walang kibo
Ngunit maingay at magulo
Ano? Paano?
Ano ang nangyari sa pagitan nating dalawa
Na para bang ang pagsinta'y huminto na?
Halika at ating balikan
Ang mga pahinang nakalimutan
Na labis ngang sinulatan
Ngunit hindi naman tiningnan
Di man pinunit, ngunit itinago't itinabi
Upang ang tampo at galit, luha at sakit
Ay mapanatiling nakatago sa likod ng maskarang hinabi
Ngunit ngayon, ating balikan
Ang mga pahinang nakalingatan
Kung saan matatagpuan
Ang mga kaguluhang tinawanan na lamang
Ang mga kasinungalingan sa loob nitong munting pag-iibigan
Pag-iibigang tila ba ay nasayang lamang
Ang mga selos at takot na totoong ikinubli
Sa ilalim ng mga pangamba at saka mahusay na itinali
Ang bawat pagka-inggit na nagmula sa dibdib
Ng isang dalagang ngayo'y nasa liblib
Atin na ngang balikan itong mga pahinang iniwanan
Na kahit nakabuklat na't nakaladlad
Ay tinanggihan parin ng mga mata mong walang katulad
Pinagsaraduhan mo ng pinto
Tulad na lamang ng mga pangako mong napako
Iniwasang marinig upang mawalan ka ng kapit
Sa mga salang nagawa mo o ginawa mong paulit-ulit
Tama na, ayoko na. . . Kaya't atin nang balikan ang mga pahinang iniwan man o naiwan
Sa huling pagkakataon, iyo nang titigan
Pag-isipan at pagmunihan
At saka kung matapos ay mapunit ko na
Itapon, sunugin, kalimutan. . .at wag nang balikan pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Pahinang NaiwanWhere stories live. Discover now