Prologue

86 1 0
                                    

"Babe, Gising na. Gumising ka na, Ga-graduate na tayo ng High School oh. Diba sabi mo sakin dati, Ayaw mo pang gumraduate ng High School kasi sabi mo kapag nag-college na tayo aalis na ako? Kasi dun na ako mag-aaral sa States kasi yun ang Gusto ni Dad? Kaya gumising ka na dyan, Kasi sayang naman kung hindi kita makakasama sa huling araw ko dito sa Pilipinas. Alam mo bang pinagdadasal ko nalang na sana wag na matuloy ang pagpunta ko sa States kasi mamimiss kita eh, Kailangan nandito ako habang nagpapagaling ka noh kasi baka kapag nasa ibang banasa ako baka hindi ko lang kayanin lalo na't alam kong habang nag-aaral ako dun ay naghihirap ka naman dito dahil nagpapagaling ka.. Kaya wag kang mag-alala pipiitin ko si Dad na wag na dun mag-aral siguro naman papayag yun noh? Babe? Botong-boto yun sayo eh Haha, Kaya gumising ka na kasi hindi lang kami ang nakakamiss sayo dito, namimiss ka na rin nila Dad sana daw magising ka na para daw sabay tayo maka-graduate...." Sabi ng binata sa kanyang kasintahan na kasalukuyang naka-comatose ngayon.

Napatigil ito saglit sa pagsasalitatsaka huminga ng malalim at tumingala para walang tumulo na luha.

"Miss na miss na kita Babe, Please lang. Gumising ka na." Hindi na napigilan ng binata ang luhang kanina pa nagba-badyang tumulo.

"Hijo.. You need to rest" pahayag ng tatay ni mikaella.

"I don't need to sleep tito... Kahit naman po kasi gusto ko matulog eh hindi ko parin naman po magawa... Sobrang sakit po kasi talaga tito" 

"I know Hijo, Naiintindihan kita.. Alam kong masakit pero alam nating kaya nya yang labanan." At ngumiti ng malungkot.

"Pero hindi makakatulong sakanya kung hindi rin naman tayo magpapahinga dito"

Napilitan naman na umuwi nalang ang binata ngunit hindi para matulog kundi para Magdabog lang sa kanyang silid.

"Brad, Tama na" Pigil sakanya ng kabarkada nya habang sya ay Nagdadabog.

Hindi naman tumigil ito sapagkat pinagsusuntok at Pinagtatapon lang lahat ng kanyang nakikita.

"Brad, Tama na tama na" At kinuha yung Picture Frame na dapat ay ibabato nya.

"Shit shit" At kinuha ang Picture Frame na naglalaman ng Litrato nila ng kanyang Minamahal.

Na dapat ay ibabato nya kani-kanina lang.

"I'm sorry.. I'm sorry" At Niyakap ang kanilang litrato.

Habang ginagawa nya yun ay malungkot na nakatingin lang sakanya ang kanyang mga kabarkada.

"Hindi ko alam kung bakit nangyayari toh sayo pero Mahal na mahal kita" At Umiyak lang ng umiyak

"Mahal na mahal ka rin nun... pero sa ngayon.. k-kailangan muna natin tanggapin na wala na m-muna sya p-pansamanta sa tabi mo" habang sinasabi ito ng kanyang kabarkada ay hirap na hirap rin sya.

Dahil kahit sya ay hindi nya alam kung kelan magigising ang kanyang kapatid.

"Ayoko nang mabuhay brad.... Wala naman nang kwenta ang buhay ko.... kasi mismong taong mahal ko ay iiwan na rin ako.... Pagod na akong maniwala na lalaban pa sya.... kasi kada makikita ko ang kalagayan nya ay hindi ko maiwasang maisip kung bakit nangyayari sakanya yun.... ang hirap kasi eh.... wala ka nang kasiguraduhan kung para sayo ba ang paglaban ng taong mahal mo.... bakit hindi nalang ako? bakit nalang ako ang nasa posisyon nya? kasi mas gugustuhin ko pang ako nalang ang naaksidente kesa sya.... brad kapatid mo sya... alam kong alam mo ang nararamdaman ko ngayon.... nakakapagod na... mahal ko sya pero alam kong namang may posibilidad na hindi nya na ako maalala dahil.... dahil..."  

"Dahil baka magka-amnesia sya?.... naisip ko na rin yan brad.... at oo alam ko.... alam kong masakit talaga... sobra.. sobra-sobra.... sobrang sakit.... naiinis ako sa sarili ko dahil nangyari sakanya yun.... gusto kong patayin yung may-ari ng Kotse naging dahilan kung bakit sya naaksidente....gusto kong ibalik at iparamdam sakanya ang nararamdaman ng kapatid ng dahil sa katangahan nya.... pero alam kong kahit naman gawin ko yun hindi parin naman sya magigising...." 

Hindi na sila nagulat ng bigla itong tumayo at sinuntok ang salamin na nasa harap nya lang.

"Mika please! I fucking need you! Please wake up! I Love You" Habang ito ay nakaupo na sa sahig at nakasandal sa pader.

"Brad.. Tama na.. G-gigising din sya" Nauutal na pagpapatahan ng kanyang kaibigan.

"Alam nyo bang araw-araw kong pinagdadasal na sana ay isang malaking bangungot lang lahat ng toh... Pero kahit anong pagpilit ko sa sarili ko unti-unti lang akong nawawalan ng pag-asa eh... Unti-unti na akong naniniwala na katotohanan lahat ng ito.... Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ni Mika at nangyayari lahat toh sakanya... Sana ako nalang... Sana ako nalang ang naghihirap ngayon... Kasi mas gugustuhin ko pang makitang maayos sya kesa na nakaratay sya sa Ospital at Hindi natin malaman-laman kung kelan sya magigising... Mahal na mahal ko kasi sya eh... To the point na kakayanin kong mamatay nalang para lang mabuhay sya"

"Gigising din sya"

"Pano ka nakakasigurado?! Alam mo Ken gusto ko maniwala dyan sa sinasabi mo, Pero alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko kung maniniwala man ako sayo!"

"Alam kong hindi ka maniniwala pero ako alam ko, Alam kong hindi mahinang babae si Mika at kayang-kaya nyang lumaban para sa mga taong mahal nya... Para sayo, kaya depende na yun sayo kung maniniwala ka sa sinasabi ko o hindi" At Pinulot lahat ng mga nakakalat.

"Pano? Pano bang maniwala sa isang bagay na alam mong wala namang kasiguraduhan? Haa? Kasi ako hindi ko na alam, Basta ako mahal ko sya, At yun ang dahilan kung bakit hindi ko kayang maniwala sa mga sinasabi mo... Yun ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ako ngayon.... Kasi yung taong mahal ko ay Hindi ako makasigurado kung magigising pa sya o... O M-mamamatay na...."

Lahat ng tao sa kwarto na iyon ay nagulat sa susunod na nangyari...

"Hindi mamamatay ang kapatid ko! Lalaban sya! Lalaban sya para satin! Para sayo! Kasi Mahal ka nya! At ako mismong kapatid nya ang saksi kung gano kasobra ang pagmamahal nya sayo! Kaya alam ko rin na lalaban sya para sayo!"

Pagkatapos sabihin yun ay sya nitong pinagsusuntok pero parang wala lang ito sakanya sapagkat pinapabayaan nya lang na bugbugin sya nito.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Hi Guys! Ang Libro po na ito ay Gawa-gawa ko lang at Naisip ko lang po. Wala pa po akong nababasa na ganito pero Magso-sorry parin po ako kapag may naging kapareho po sya, Thank You!




ForgottenWhere stories live. Discover now