Yung...

476 25 44
                                    

Yung pakiramdam na umiinog ang mundo pero hindi ka kasali.

Yung pakiramdam na lahat umaandar pero ikaw, parang walang battery.

Yung bagay sa'yo yung kanta ng Mojofly na 'Tumatakbo',

Kasi lahat, bukod sa'yo, nagbabago.

Yung abot-kamay mo na pero kahit anong gawin mo'y di mahawakan.

Yung ang lapit-lapit na pero halos pagitan ninyo'y kalawakan.

Yung ayan na, nandyan na, nasa harapan mo na, aabutin na lang,

Pero nang subukan mo nang kunin, sing ilap ng tubig, sing nipis ng hangin.

Naranasan mo na ba yung sumigaw na ikaw lang ang nakakarinig?

Naranasan mo na ba yung magmahal na ikaw lang ang nakakadama?

Naranasan mo na ba yung umiyak kahit ang totoo'y tuyung tuyo ka na?

Naranasan mo na ba yung mangarap kahit parang walang wala na?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Yung...Where stories live. Discover now