SMILE

324 6 3
                                    


"Anak! Bumaba ka na jan! Anjan na ang service mo!" Sabi ni mama sa akin dahil nasa kwarto pa ako.

Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko dahil nanjan na nga daw ang service ko.

"Alis na ako ma" paalam ko kay mama at pumunta na sa labas para pumunta sa service.

Ako si Chloe Ramirez, second year student. Ang laki ko na ano? Tapos nagseservice pa. Eh kasi si mama sabi magservice daw ako, baka mamaya eh, may mangyari sakin...kahit ayoko ay may magagawa ba ako?

Tch! Habang papunta kay kuya Timothy ay nadadaan namin lagi ang school na malapit sakanila. Yep kilala ko na ang mga kasama ko sa school bus, dahil mag sesecond quarter na.

Syempre may mga estudyante, may nagbebenta ng kung ano ano sa daan

Napukaw ng aking mga mata ang dalawang bata, isang babae at isang lalaki. Kasama ata nila yung kuya nila? Magkakamukah sila eh, saka lagi ko silang nakikita.

Nang makapunta kami sa bahay ni kuya Timothy ay sumunod naman sa ibang mga kasama namin, na sinusundo din.

May classmate din akong kaschool service ko, si Bea.

Pagdating namin sa school ay syempre, punta sa mga kaibigan ko. Tapos pagka nagbell ay magtuturo na ang mga teachers. Paulit ulit lang.

KINABUKASAN....

Habang paunta kami kay kuya Timothy ay nakita ko na naman ang ang dalawang bata kasama ng kuya nila.

Ang saya sigurong magkakuya ano? Pangarap ko kasing magkakuya.

Pansin ko lagi na kang naka gray ang kuya nila. Hindi ba siya pumapasok? Oh baka naman mamaya pa ang pasok niya? Kasi hindi ko pa siya nakikitang naka uniform.

Nagulat ako ng biglang tumingin sakin yung kuya nila...at nginitian ako. Shit! Lalo siyang gwumapo.

Hindi ko na lang pinansin ang mga ngiting yun at tumingin lang sakaniya.

Again...pasok na naman sa school at turo na naman.

KINABUKASAN...

Nakita ko na naman ang dalawang bata...nang mapatingin ako sa kuya nila ay ngumiti agad ito sa akin. Hindi ko na lang ulit pinanasin, at nakatingin lang ako sakaniya.

Nang makalampas ang service ay tinuon ko na lang ulit sa daan ang pansin ko.

~~~~Don't Forget to Vote and Comment~~~~

Always Smile |COMPLETED|Where stories live. Discover now