FOREWORD

138K 1.4K 67
                                    



Ang "Dirty Secrets" ay dating pinamagatang "Her Dirty Little Secrets", pinalitan ko ang pamagat upang umayon ito sa takbo ng kwento. The change is also timely dahil pinapatanggal ng may-ari ng pangalang "Rubi Bantillo" ang pangalan niya sa lahat ng kwentong ginawa ko. At dahil dito, kailangan kong balikan lahat ng kwentong nabanggit ang pangalan niya upang mapalitan ito ng CERISE ROMIJN BERNARD.

Alam kong marami sa inyo ang nagtatanong kung bakit pinapatanggal niya ang pangalan niya. Ang iba, iniisip nilang wala akong paalam noong ginamit ko ang pangalang ito. The truth is, the use of her name has consent and in fact, it was first used as Angelo's partner in one of the chapters of SOLD TO MY EX-HUSBAND. Months after I wrote that chapter, I started their story, "HER DIRTY LITTLE SECRETS." Nagkaroon kami ng problema na inakala kong naayos na namin. Ilang buwan matapos ma-completed ang HDLS ay nirequest niyang ipatanggal ang pangalan niya sa mga kwento ko dahilan upang hindi ako maka-usad sa mga on-going stories ko. Napag-pasyahan ko ring i-unpublish ang HDLS upang pahupain ang isyu.

Sa ngayon, unti-unti kong ibabalik ang kwento ni Angelo habang mag-uupdate ng on-going, mag-eedit ng ibang stories na namention si Rubi at aayusin ang nasira kong self-esteem dahil sa mga problemang sunod-sunod na dumating sa akin.

Sana maunawaan niyo ang madalang na pagbabalik ng kwento ni Angelo. Ito din sana ang magsisilbing paliwanag sa lahat ng nakabasa ng ibang stories ko na "Rubi" pa ang pangalan ng kapartner ni Angelo. Kapag matapos ko nang palitan ang lahat ng pangalang "Rubi" sa mga series ko, tatanggalin ko ang foreword na ito dahil wala nang dahilan upang ipaliwanag ko kung bakit Rubi ang pangalan ni Cerise sa ibang kwento.


PREMISE OF THE STORY

"Love conquers all," is an old cliche that every hopeless romantic tried to hold on to. Love conquers all pa rin ba ang mangyayari sa dalawang taong parehong may lihim sa kanilang nakaraan?

Handsome, Rich and Gentleman – yan ang tatlong katangiang makikita kay ANGELO CRUZ ngunit dahil sa karumaldumal na pagkamatay ng kanyang ina at kapatid ay naging tahimik at malihim siya dahilan upang minsang napagkamalang bakla ng kanyang mga kaibigan. Lingid sa kaalaman ng mga kaibigan niya, may isang babae na siyang binabakuran at hinahanda upang maging asawa niya sa tamang panahon.

The Appointed Ugly Nerdy Friend – yan kung itinuturing ni CERISE ROMIJN BERNARD ang sarili dahil sa kawalan niya ng kumpyansa sa sarili. Isang malagim na karanasan ang pilit niyang tinatakasan at sa tulong ng hindi nagpapakilalang sponsor ay naayos niya ang kanyang buhay. Dahil sa utang na loob, ipinangako ni Cerise na buong-buo niyang i-aalay ang sarili sa kanyang sponsor ngunit nagulo ang kanyang isip nang makilala niya si Angelo, ang sikat na former Adonis band member na nakilala niya sa homecoming ceremony ng kanilang unibersidad.

Matatakasan kaya ng dalawa ang lihim ng kanilang nakaraan upang patunayan sa isa't isa na LOVE CONQUERS ALL? Matatanggap ba nila ang bawat isa kapag magkaalaman na ng sekreto? This is the fifth Adonis series, and in this story, let us unfold the untold DIRTY SECRETS of Angelo Cruz and Cerise Romijn Bernard.

Song in the Media: Lithium by Evanescence -- ito po ang theme song ng kwentong ito.

Dirty Secrets (Adonis Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon