Kabanata 1: Kiss

49.1K 446 44
                                    

 

 Kabanata 1: Kiss

“Thanks for the last night,” bulong ko kay Andrew habang dahan-dahan akong bumabangon mula sa kama niya. Nag-iwan ako ng isang halik sa pisngi niya habang galit na galit na nakatingin ang babaeng nasa tapat ng pinto ng condo unit niya. “Alis na ko,” pang-aasar ko.

            Nagmamadaling lumapit ‘yung babaeng may three layers na kunot sa noo. Nakatalikod na ako at papaalis na sa condo pero naririnig ko pa rin ang sigawan, hampasan at iba’t ibang form ng galit ng isang babae sa kanyang boyfriend. Akala ko susunggaban niya na ako, ‘yung makati niya palang boyfriend ang bubuhusan niya ng galit.

            Sabi na nga ba. Sa isang halik ko lang, tapos na ang relasyon na ‘yan.

            “Lykaaa! Sandale!” rinig kong sigaw ni Andrew, ang victim #24 ko this year. Isa lang naman siya sa mga lalaking hindi nakuntento sa kanilang girlfriend kaya naman nang madapuan lang ng maputing legs, bumigay na agad.

            Hula ko, wala pang one hour, maghihiwalay na sila.

Pumara ako ng isang jeep at sumakay sa loob nito. Medyo masakit pa ‘yung ulo ko dahil inumaga na ako para lang tapusin itong misyon ko. Kailangan ko pang dumiretso sa location ng customer namin para hintayin ang resulta.

            Siguro magulo pakinggan ang trabaho ko. Pero sa bawat couples na napaghihiwalay ko ay kumikita ako. Isa ako sa mga agents na ang misyon sa buhay ay magkaroon ng happy ending ang taong nangangailangan nito. Hindi naman pera ang habol ko sa misyon na ito dahil ang tanging kagustuhan ko lang ay maghiwalay ang mga couples na hindi naman worthy tumagal sa isa’t isa. Oo, anti-love ako.

            Lahat ng ito nagsimula nang maiwanan rin ako.

            Pero hindi ako malungkot. In fact, sa isang matinding break-up na pinanggalingan ko, isang bago at mas bonggang opportunity naman ang pumasok sa buhay ko—ito ay maging isang agent. Sa una, mahirap intindihin, pero mauunawaan pa rin.

Nang makababa ako ng taxi mula sa condo ni Andrew ay dumiretso ako sa isang salon na pagmamay-ari ng customer ko. Siya ay itatago ko sa pangalang Tita Bonnie. He’s gay. At siya ang customer #24 ko. Isa siya sa mga hopeless romantic para sa pinakamamahal niyang si Andrew.

            Alas-singko palang ng umaga ay bukas na ang salon niya. Alas-singko na nga ng umaga, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hello, eyebags.

            “Miss Lyka, is it for real? Andito ka na kaagad? Hindi ba’t kakapirma ko lang ng contract sa’yo three days ago? Kaka-settle ko palang ng information two days ago. Hindi ba’t parang ang bilis naman para sabihing—" bago pa siya mag-explain ng isang paragraph ng kakornihan, pinutol ko na siya.

            “I can assure you, Miss Bonnie, after ten minutes,” tumingin ako sa wrist watch ko. “After ten minutes tatawagan ka na ni Andrew at sasabihin niyang break na sila ng girlfriend niya.” Ito ang paninigurado ko sa kanya.

            I take this work seriously. Ito ‘yung uri ng trabaho na mukhang mahirap gawin, pero kayang-kaya naman daanin sa maputing legs, mahabang buhok, at red lipstick.

            Bago pa sumagot ng kakornihan si Miss Bonnie ay pinapasok niya muna ako sa loob ng office niya dahil ito ay isang private matter. Umupo siya sa upuan niyang kulay pink at ako naman, sa harap niya mismo. By the way, Bonifacio Mendez ang totoong pangalan niya. Bonnie, in short.

Thanks for the Last Nightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن