❤Day 1

4 0 0
                                    

Adela Marie❤

Kasalukuyan akong nasa classroom habang hini-hintay dumating ang aming Guro.
Nag-uumpisa ng magsidatingan ang iba pa naming kaklase.dahil bored ako isa-isa ko silang pinagmasdan na masayang nagkwekwentohan naghaharutan nagtatawanan yung iba naman busy sa pakikipagchismisan
Hinayaan ko nalang sila sa kani-kanilang trip. pumwesto na ako sa may bandang likuran ng marinig ko ang usapan nina Brittany at Angel.

"Britt Girlfriend na pala ni Niño si Daysey no!"Angel agad naman napakunot ang noo ko

Pano nya nalaman eh kami-kami lang nakaka-alam non.

Nga naman ang bilis talagang kumalat ng balita kahapon lang naging sila,kalat na agad sa campus.bat nga ba ako magugulat expected na yan ki Angel ang dakilang Chismosa ng section Cassiopeia tsk. Ka turn off crush pa naman yan ni Denzel maganda kasi sya. yung tipo na pag nakasalubong mo siya sa corridor ay gagaan ang loob mo. Pero sabi nga nila First impression lasts kapag nakasama mo na yung tao.sa tagal na namin magkaklase kilala ko na siya pati ugali nya...

Ano pa nga bang aasahan mo dito sa Classroom namin na kaunting kibot mo lang issue agad, galaw mo lang headline kana basta malaman at siguradong ikababagsak mo. ganyan naman talaga dito eh.lalo na kung nakaka-angat ka sa kanila gagawa sila ng way para mahila ka pababa tsk. Crab Mentality be like...

Ito namang si Angel binubuska na naman si Brittany, alam nya kasing patay na patay ito Kay Niño.

"Bagay na Bagay talaga ang dalawa Ang ganda ganda kasi ni Daysey no."sabay halakhak si Angel. Napatas naman ang kilay ni Brittany.

"What is beauty if your brain is empty"sabay irap ni Brittany tsk.kung makapagsalita naman to kala mo ang Tali-talino. lagi kangang umiinglish eh mali-mali naman grammar mo if I know naiingit ka lang ki Daysey.

Kaibigan ko yan si Brittany dati close na close nga kami nyan as in. Pero lumayo rin agad ako nakilala ko kasi tunay nyang ugali masakit syang magsalita akalo mo perfect! Kung maka-utos kala mo may-alila tsk. At isa pa plastik ang pota...kala mo ang hinhin pag may katabing lalaki...shit iz reeaaaaaal!!! Isa pa yang si Angel eh!Solsol lang Solsol masaya lagi pag may nag-aaway Sumbungera pa....tsktsk

Saktong dumaan sa may pintuan ang laman ng kanilang usapan.Si Daysey na naglilibot-libot as duty nya bilang representative ng SSC.Nkaitim syang t-shirt at sumasabay sa hangin ang kanyang tuwid na tuwid na buhok na kumpara sa buhok ni Brittany ay di hamak na mas maganda ito nagtama ang aming mata kasabay ng sinag ng araw na tumama sa kanyang mapuputing balat nginitian nya ako...

"Gandaaaaaah talaga ni Daysey...."Sabi ng Demonyong si Angel
"Lampake"sabi ni Brittany na halatang asar na asar.
tsk.tsk.magsasalita pa sana si Angel nang pumasok na si Maam sa Classroom...



______________________________________

Vote and Comment😘😘😘

HugsXkisses

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Day Ni Adela❤Where stories live. Discover now