prologue

822 9 4
                                    

Magkakaibigan kami simula nung bata pa kami, pero yung iba nakilala namin nung nagsimula na kaming mag-aral.

Magkakaiba kami ng ugali pero never kaming hindi nagkasundo sa mga bagay-bagay, at parang magkakapatid narin ang turingan namin sa isa't isa... Daig pa.

Mula 1st year ng highschool ay pinagsama-sama na kami sa isang bahay. Kahit ipagpalagay na babae't lalaki kaming magkakaibigan, malaki naman ang tiwala sa amin ng aming mga magulang. Saka ano ba kayo... magkakahiwalay naman ang kwarto namin.

Meron kaming 8 bedrooms, 4 for boys and 4 for girls. Kaya wala namang dapat alalahanin.

Ang dapat alalahanin ay ang kusina, dahil nag-iisa lang yun. Saka yung ref, naku! Mag-iingat ka dahil pati pagkain ninanakaw na, kahit pangalanan mo pa.

Hahahaha! Mamaya na ang chika. Ipapakilala ko muna ang mga kaibigan ko....

Characters:

Edenelle Salazar, siya ang parang ate sa magkakaibigan. Saka mapagbigay yan, basta pagkain. Kaya ang tawag namin sakanya? Foodenelle!

Nicole Rivera, sobrang maasikaso at concern kaya pag may nang-away sayo, sakanya mo isumbong. Tiyak na bugbog-sarado sakanya yun.

Charla Estrada, baliw po yan kaya po sana pag nakita niyo itawag niyo lang po sa hotline number namin (#eightseventhousandjollibeedelivery) btw, she's too innocent to be innocent. Yung tipong 2-faced, akala mo inosente pero mas malala pa pala sayo.

MJ Fajardo, siya naman ang pinakamatatakutin sa mga hayop kagaya ng aso at takot rin siya sa tubig pero 'wag kayong mag-alala naliligo pa naman siya.

Tryl Bonifacio, siya ang pinakacute sa lahat pero wag mong sasabihin sakanya kasi yari ka kapag nag aegyo yan tamo. Magcicringe ka, kaya okay na wag mo na sabihin para humble siya until the end.

Julia Cabrera, bingi siya kaya kung may iuutos ka itext mo nalang kasi kahit isigaw mo hindi ka rinig, mapapaos ka lang. Makakalimutin na tila parang laging nalipad ang utak, jusq.

Simone Ramorosa, /si-mown/ btw, babae po siya pero minsan pinaninindigan na niya yung pangalan niya. Madami ding nagogoyong babae yan, pagtripan ba naman daw sa text? Yung mga babae naman sa sobrang kikire nagpapadala agad. Tsk tsk.

Alexandria Ocampo, siya ang teacher ni Charla pagdating sa mga censored topics pero hindi pa naman naguho ang perlas ng silanganan niyan, may bahid lang ang kalahati ng utak.

Eliznor Manalili, pinakabata pero siya ang maasahan mo sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa mga gawain sa bahay pero yari ka pag sinumpong yan ng pagkabata, hahahah omg. Umaapaw.

Our StoryWhere stories live. Discover now