Prologue

7.8K 279 86
                                    

Ang Bahay sa Isang Isla

Written  By: iwataaa


Xx Aynah Alcantara POV. xX

Inaya ako ng kaibigan ko na sumama sa bahay nila sa isang isla,  as far as I know sa Isla ng Dinagat yun.   Sinabihan ko siyang pag-iisipan ko muna dahil hindi pa ako nakakasigurado na makakasama,  madami pa akong tambak na trabahong gagawin.  Ako nga pala ay isang Accountant,   kasama ko sa trabaho ang anim kong kaibigan kaya parang hindi ako bago dito dahil kasama ko sila. 


"Aynah!"   speaking of kaibigan,  nilingon ko si Tiffany,  mukhang nagmamadali at sobrang excited,  problema nitong babaitang ito?


"OH? ba't ka ba nasigaw aber? nasa office tayo ni boss noh,  saka anong kailangan mo at mukhang excited yang pag mumukha mo?"  Ani ko at hinarap siya ng tuluyan, sigurado ako na magtatanong na naman siya tungkol dun sa trip namin sa Isla ng Dinagat.  Pinag isipan ko na rin yung about dun.


"Pfft.  Sorry,  anyway...  Gusto ko lang i-confirmed kung sasama ka sa amin sa Isla ng Dinagat,   sure naman akong magugustuhan mo dun best! kaya sige na sumama ka na,  please!" Hays,  basta Tiffany hindi ko mapigilan ang sarili kong humindi,  ang babaita kasi,  nag puppy eyes akala naman niya cute siya.  Napaka-isip bata jusko.


"Sure bang pwede akong sumama? baka kasi ma-OP ako sa inyo ng BOYFRIEND mo,  nakaka-diri pa naman yang ka sweetan niyo."  Panloloko sa kanya,  bumusangot naman yung mukha niya at pinamewangan niya ako,  haha... ayaw niya kasing pinandidirian ang ka-sweetan nila ng jowa niyang hindi naman kapogian joke lang haha... baka mas lalong magalit yun.


"Naman ih! Malamang sure na pwedee saka loka ka ba? malamang kasama sila lawrence ayiee... saka WAG KANG BITTER! sama ka na ah?" Sabi niya at agad na tumakbo paalis ng office ni Boss, tumawa na lang ako at inintay na dumating si boss para sa mga trabaho na natapos ko.



---

Iwata: Guys comment naman jan...

UNDER REVISION! ✔️Ang Bahay Sa Isang Isla️ ( Horror Series #1)Where stories live. Discover now