TREACHEROUS (Short Story)

124 2 0
                                    

TREACHEROUS

A Pastille Cafe Love Story

Characters:

Goody Brillantes

Seign Morse

Levi de Feril

Assa Kapadian

Sic Yie Zukah

Pryce Cartel

PC Staff # 1(servings)

PC Staff # 2(counter)

PC Staff # 3(cook)

"Wala ka pa ring dalang boyfriend miss? Naku, ang hina naman natin nyan." Banat agad sakin ng isa sa tatlong nagaasikaso sa Pastille Café pagkapasok ko dito.

Napangiti na lang ako. Ito rin kasi ang babaeng bumanat samin ng naturang linya sa iilang beses na kumain kami ng barkada dito. Yun ay kung may pera lang naman kami o kaya'y napagtripan naming kumain ng sweets. Ancharap ng mocha cake nila dito. Nakakaadik kumbaga.

"Napaka-tsismosa mo talaga. Ihanda mo na nga lang kaya yang order nung tao." Saway ng kahera sa matanda.

Syempre di ko na dinugtungan ang usapan at nagbigay na lang ng bayad ko kahit wala pang sukli. Ang engeng ko naman nun. FC lang dre? Kaya pangiti ngiti na lang ako sa kanila and just order my favorite mocha cake plus spaghetti, fries, Panini (isa sa mga specialty nila dito), at soyamilk. Pagkatapos ay umupo ako sa labas. Wala naman kasi sina Assa at Levi kaya magpapaka-emo na lang ako sa labas. Nga pala, I'm Goody Brillantes. I dunno but my name describes me well. Mwahahaha. (^.^)V

Back to where I am, yun nga andito nako nakaupo. Hehe. Ilang minuto lang naman ang hinintay ko bago dumating ang ilang order ko pero di pa ako nag-umpisa kasi wala pa yung Panini. Yung ginawa ko na lang ay mag-picture picture. Sayang pang-status update din to. Haha.

Maya-maya di na ako nakatiis. Tumikim nako sa spaghetti ko hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagsubo ko. Patay gutom lang kumbaga. Pero yung totoo gutom naman talaga ako kasi galing pakong practice ng sayaw. Yung Levi kasi umuwi-uwi pa. Magkasama kami nun na napasali sa Night of Talents para sa night event ng College Day namin. Tss. Sus, iba na talaga. Si Assa naman, ayun nagpapakaasa sa ka-TNT niya. Wawa ang dalawang babaeng yun. Di nila feel ang feeling ko ngayon. Ancharap. Mwehehehe.

"Pwedeng maki-share?" napatingala ako bigla mula sa kasagsagan ng aking paglamon.

Eh? Pagtingala ko ay wala namang tao. Hmmm. Whatever. I just faced my food again. Ancharap talaga. Using my fork, kumuha ako ng fries at isinawsaw ito sa icing ng cake ko at saka iniumang saking bibig ng biglang may magsalita ulit.

"Excuse me miss. Can I share with your table?" sa pagkakataong yun ay napalingon na ako. May lalaking nakatayo nga sa likuran ko.

Napatingin ako sa likuran niya. Bakante ang table. Ganun din sa loob ng café. Parang ako na nga lang ang customer at this time eh. Well, except this guy.

Napatingin na naman ulit ako sa lalaking nakatayo pa rin sa likurang banda ko. Napataas ang kilay ko habang kinikilatis ang pagmumukha niyang di ko maaninag ng mabuti. Kasi nga nakatayo siya with his back on the sunlight plus he's wearing a cap and I'm just sitting with my fork still hanging in the air so ang hirap tumingala ng patalikod.

"Ahem. Can I?" he asked, snapping his finger. Now I can sense him smiling while holding his tray of foods. Nahiya naman ako bigla ng mapansin kong ni hindi man lang nakakapangalahati sa mga inorder ko ang order niya. He just got the Panini, Brazos and Coffee. Espresso sa palagay ko, sa amoy pa lang.

TREACHEROUS (Short Story)Where stories live. Discover now