Before The Wedding

29 2 0
                                    

Karen's POV

"Ayieee bes! Excited ka na ba para bukas?"

Napangiti ako sa tanong ni Trish.

"Sobra bes. Yung feeling na parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang saya, excitement at kaba. Ang tagal naming inaantay to ni James, at eto na nga! Bukas na ang kasal namin." Sobrang tuwang tuwa kong sabi sa bestfriend ko.

Tumingin ako kay Trish. Bigla syang ngumiti saken.

"Oo nga bes eh. Akalain mo yun, nung college tayo palagi kayong nag-aaway pero ngayon heto na kayong dalawa. Masaya ako para sayo bes." Sabi nya sabay ngiti.

Tumango ako tapos napangiti lalo dahil sa sitwasyon ko ngayon wala na akong mahihiling pa. Nasa akin na ata ang lahat. Masayang pamilya. Kaibigan. Bestfriend and sempre super duper loyal at mapagmagal na boyfriend.

"Bes, i need to go na pala. Una na ako ha? And you, kelangan mo pang mag beauty rest." Sabi ni bes sabay beso saken.

"Mmm. Sige bes. Ingat ka sa byahe ha? And bukas don't forget huh? My special day. Hahahaha."

Bago sya umalis tumango sya at ngumiti saken.

Pagkaalis ni bes kinuha ko yung phone ko.

"4PM na pala." Bulong ko sa sarili ko.

Naisip ko bigla na bisitahin yung boyfriend ko na soon to be husband ko na. Tatawagan ko sana sya pero baka mamaya di na sya ma-surpresa.

"Ma, pupuntahan ko lang si James." Paalam ko kay mama.

"Teka, anong pupuntahan? Bawal,.sinabi ko na sayo na bawal kayong magkita ng taong papakasalan mo bago ang wedding. Pamahiin yun. Masama yun." Sabi ni mama.

"Nako ma. Di naman siguro totoo yun eh saka alam ko po na tuloy na tuloy na yung kasal po namin ni James. Wala naman pong dahilan para di po yun matuloy."

At dahil makulit ako hindi pa rin ako napigilan ni mama.

"Osya sige na. Mag-ingat ka na lang. Umuwi ka ng maaga at mag-luluto ako ng hapunan."

Pagkasabi nun ni mama umalis na ako. Habang nasa byahe ako hindi ko pa rin lubos na maisip na ikakasal na talaga ako bukas. Seven years na rin ang relasyon namin ni James at heto na nga ikakasal na kami bukas.

Pagdating ko sa building kung nasaan ang condo nya nagmadali akong tumakbo papunta sa elevator kasi pang 5th floor pa sya.

Pagdating ko dun kinuha ko agad yung key ng door ng condo nya. Matagal na saken tong susi ng condo nya. Minsan kasi ako yung nag-aayos at nag-lilinis sa condo nya. Minsan ako rin nagluluto ng pagkain nya.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto kasi maingay yung pinto na yun. Pagdating ko sa loob ng condo nya parang ang gulo. Magulo sa lamesa pati na rin sa sofa. Nagmadali akong tumakbo sa kwarto nya kasi baka mamaya may magnanakaw o something na pumasok sa loob.

Pagbukas ko ng pinto nanlambot ako sa nakita ko. Namuo yung luha sa mata ko.

Nabibingi ako sa naririnig ko. Yung pag-moan nilang dalawa.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilang humagulhol.

Ang sakit. Ang sobra na makita ng mismong mata ko yung kababuyan nila.

Sobrang sakit na makita mo yung BESTFRIEND MO at yung FIANCE mo na may ginagawang kahayupan bago pa ang kasal nyo.

Napatingin sila parehas sa pwesto ko. Tumayo si James. Kinuha nya yung towel sa floor. Kinuha naman agad ni Trish yung kumot at binalot sa sarili nya.

"B-babe."

Lalapit sana sya saken.

"D-don't. Y-you ever. D-dare!" Sigaw ko sa kanya. "W-wag na w-wag ka-kang l-lalapit saken."

Naglakad ako papunta sa may pinto ng condo nya. Inayos ko muna sarili ko bago ako tumingin sa kanilang dalawa. Ipapangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan na may malapatan tong kamay ko o may masaktan ako.

I smiled. "Hindi ko lubos maisip na kaya nyo palang gawin yang kababuyan na yan sa likod ko. At mas lalong hindi ko lubos maisip na sa lahat pa ng taong pwedeng gumago saken, KAYO PA!" Pinipigilan kong wag umiyak.

Tumingin ako kay James. "Hindi ko alam kung saan ako nagkulang para gawin mo to saken. Hindi ko alam kung baket. James, ikakasal na tayo. Bukas! Tapos ganito? Tngna! Ano bang ginawa ko para gawin nyo to saken! Buong akala ko ang tino-tino mong tao pero akala ko lang pala talaga yun."

Pero this time hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko, hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang sakit kasi sobra. "Seven years! James! Seven years! Itinapon mo lang! Para lang sa babaeng yan! Para lang sa panandaliang saya!" Sigaw ko sa kanya.

"At ikaw!" Tumingin ako kay Trish na nakatapis lang ng kumot habang umiiyak. "Sa lahat ng tao TRISH ikaw pa talaga? Hahahaha. Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko sayo para gawin mo tong kaahasan na to! Itinuring kitang parang kapatid ko pero ganito igaganti mo saken? Wag kang utang na loob! Ang kapal ng mukha mo!" Lumapit ako sa kanya. "Alam mo ugali ko, alam mo kung ano ang mga kaya kong gawin sa mga kagaya mong lalandi, alam mo kung gaano ako kagalit sa mga taong MALANDI pero hindi ko alam na miski pala sarili kong bestfriend kayang-kaya ring ahasin ang boyfriend ko at kayang kayang taluhin miski SARILI MONG BESTFRIEND!" Sasampalin ko sana sya pero pinigilan ko. "Naalala ko bigla ayoko palang dumampi yung maganda kong kamay sa panget mong mukha. Pasalamat ka may class ako, kasi kung hindi baka sinunog ko na lahat ng makikita kong buhok dyan sa katawan mo."

Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Ang bababoy nyo. Ano masaya na kayo? Ano masaya ba? Wag kayong mag-alala pagkaalis ko magsaya kayo ulit, mukhang nabitin kayo eh." Pinilit kong mag-smirk. "Atleast nalaman ko na yung mga tunay nyong ugali. Lalo ka na Trish, bestfriend? Hahahaha, ahas ka talaga BES! Ang landi mo! Ang kati mo! Miski boyfriend ko inahas mo!" Tumingin ako kay James. "Atleast bago pa ako ikasal sa kagaya mong manloloko nakita ko na ang tunay na kulay mo. By the way, wala ng kasal. Sa tingin mo ba itutuloy ko pa yung lecheng kasal na yan sa natuklasan ko? Hahahaha! Hindi ako ganun katanga para magpakasal sa MANLOLOKONG KATULAD MO!" sigaw ko sa kanya.

Lumuhod sya sa harap ko. "Karen sorry. Sorry. Hindi ko sinasadya."

"Hindi mo sinasadya? Na ano? Na lokohin ako? Na gaguhin ako? Na ipasok yang ano mo sa ano bestfriend ko? Hindi mo sinasadya na i-kama at makipag-sex sa bestfriend ko?! Tngna James! Pasensya na ha? Hindi ko rin kasi sinasadyang MAKIPAGHIWALAY NA SAYO!"

Niyakap nya ako bigla.

"Bitawan mo ako." Sigaw ko sa kanya.

"Karen please. Wag. Wag mo akong hiwalayan. Please hindi ko kaya." Sabi ni James.

"Sabing bitawan mo ako diba?!" Sigaw ko sa kanya.

"Karen please. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka saken. Sorry. Sorry. Please. Parang awa mo na. Wag naman ganito." Sabi nya habang yakap yakap ako.

Napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit. Nanlalambot na ako.

"James ang sakit sakit na. Ayoko na. Parang awa nyo naman na oh. Ayoko na. Ang sakit. Sobrang sakit na makita mo yung taong mahal mo na nakikipag-sex sa bestfriend mo. Sobrang sakit kasi buong akala ko ako lang pero hindi pala. Ang sakit. Ang sakit sakit. Parang awa mo na ayoko na. Hayaan mo na lang ako. Parang awa na oh ayoko na. Itigil na natin to."

Tumayo ako. Lumabas ako ng condo nya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Sobrang nadurog ako. Seven years, halos sa kanya na umikot ang mundo ko. Tapos na isang iglap naglaho ang lahat.

Hindi ko alam kung paano ko mabubuo ulit yung puso ko, ang mundo ko. Hindi ko alam kung paano at kelan ako mabubuong muli pero kakayanin ko. Ipapakita ko sa kanila na hindi ko sila kelangan. Ipapakita ko na kaya kong mabuo ulit ang sarili ko ng wala sila.

And this is my Before The Wedding story.

---------
BEFORE THE WEDDING
(One-shot)
Written by: @ParangTimangToZ
All Rights Reserved. Copyright ⓒ2017

Before The WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon