Chapter One

702 13 1
                                    

MAS niliyad pa ni Luigie ang dibdib tulad nang inutos sa kanya ng photographer. Under the silk fabric was a nipple tape to hid her nipples. She look naked on her shoots. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya. Sanay na si Luigie na ibalandera ang katawan niya sa lahat. Ang mga humahanga na tingin ng mga kalalakihan at kababaihan sa kanya. She had the beauty and almost perfect curve. Morena ang balat niya- kulay na nakuha niya sa ama at sa ina naman ay ang mga kulay deep blue na mga mata nito. She was the spit image of her mother. Her hair was in natural light brown color that suits on her skin.

She will be the latest cover of the most famous men's magazine next month. Sa bansa kung saan siya lumaki, sa Pilipinas. Sa edad na twenty-nine ay kilalang-kilala na si Luigie sa international modeling. Nagsimula siya sa edad na eighteen years old sa Pilipinas. Sa edad na beinte-kuwatro ay sumabak na siya sa international modeling. Hanggang sa nagpatuloy ang magandang career niya at tuluyan ng tumatak ang pangalan niya sa modeling industry. Minsan na rin siyang rumampa sa mga kilalang clothing line at luxury brands. Like Miu Miu, H &M, Marc Jacobs, Hilde Palladino, Yves Saint Laurent, Dolce & Gabbana at Gucci. Matagal na siyang sinusuyo ng lingerie company na iyon para maging modelo pero ayaw niya. Saka lang siya nagdesisyon na tuluyan na niyang tuldukan ang magulong relasyon kay Jarreus. Bumalik muli siya sa Russia at tuluyan ng nagfocus sa career niya. Nitong twenty-seven years old siya naging parte ng Victoria's Secret angel.

Na-discover lang din siya ng purong Russian na si Vladimir na kilala na sa Russia sa pagpapasikat sa mga modelo sa bansang iyon. Kritiko si Vladimir sa pagpili ng model kaya masuwerte siya at nagustuhan nito. Bukod sa pagiging kaibigan niya ito ay manager pa. Malaki ang pagpapasalamat niya sa kaibigan dahil kung hindi rito ay baka wala siya ngayon sa rurok ng tagumpay na natatamasa niya. Sa bansa na iyon niya nakilala ang kaibigan at inalok siya maging modelo. Bukod sa malaking pera na nakukuha niya ay masaya talaga siya. Dahil sa nagkakaroon na siya ng malaking pera sa pagpasok doon ay nagawa na rin siyang bumukod sa mga ito. Ni hindi na nga niya kailangan na sustentuhan ng ama sa kinikita niya.

Kakauwe pa lang niya nitong nakaraan pero marami ng commitment siyang haharapin sa Pilipinas. Bukas ay may pipirmahan siyang kontrata para sa isang beverage company. She was quite busy. She has many local brand commitment and some are for signing.

Nang mag-anunsiyo na ang photographer na tapos na sila ay inabot ng assistant niyang si Thea ang bathrobe. Iba naman ang sunod nilang photoshoot.

"Thank you, darling."

Namula ang pisngi nito kaya natawa na lang siya. Minsan ay hindi niya mapigilan isipin na pati babae ay nagkaka-crush sa kanya. Nakasunod sa kanya si Thea nang maglakad siya papunta sa make-up artist para ayusan siya. Nang makaupo na sa harap ng salamin ay tinignan niya ang sarili sa salamin. Sa kabila ng nakamit niya sa buhay ay may naramdaman pa rin siyang kulang. Kulang na hindi niya alam kung paano pupunan. Agad naman inayos ng mga ito ang buhok at make up niya. Nang tumili ang bakla sa tabi niya. Tinignan niya ito kaya agad na tinakpan ang bibig. Humingi naman ito ng sorry sa kanya at umalis.

"What's wrong with him?"

"Ay, pasensiya na Miss Koslov. Interview kasi ngayon ng Fallen Angel Band para sa bago nilang album." Ang apelyido ng ina ang ginagamit niya dahil may mas appeal iyon pakinggan. Iyon talaga ang ginagamit niya kaysa ang last name.

Fallen Angel Band? Alam niya ang banda na iyon. Tinawag niya si Thea at tinanong sa hairstyler kung may live streaming ba iyong interview. Nang mabigay na ni Thea ang phone niya au agad na nag-search siya at pumunta sa website ng T.V station na gagawa ng interview ng banda. Hindi nagtagal ay nakita na niya iyon at pinanood. Kinuha niya ang earphone at sinaksak sa iPhone niya. Nang i-focus kay Jarreus ay napatitig siya ng husto sa mukha nito. Na-miss niya ito ng sobra pero alam niya na hindi dapat. Nasaktan na siya ni Jarreus. Hindi siya naniniwala sa second chance. Naniniwala siya na kapag sinaktan na siya ng isang tao ay magagawa nito uli ang bagay na iyon. Hindi tanga at martir si Luigie. Pero alam naman niya sa sarili na ito pa rin. Walang nagbago sa damdamin niya.

Give Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon