I'll be Ok... (One Shot Story)

79 2 2
                                    

Minsan talaga dadating sa point na akala mo siya na, na siya na ang taong makapagpapasaya sayo, na siya na ang taong papawi sa mga kalungkutan mo, na siya na ang magbibigay kulay sa mundo mo na taliwas sa buhay na meron ka noong wala pa siya, na sya na ang taong hindi ka paiiyakin at sasaktan, na siya na ang taong hinahanap mo at higit sa lahat, na siya na ang taong akala mo ay mapapasayo na hanggang sa huli.

Diyan tayo nagkakamali at nasasaktan e, sa mga akala. Akalamo mahal ka nya. Akala mo lang pala. Akala mo gusto ka nya. Akala mo lang pala. Kaya nga may tinatawag tayong Maling Akala. Wag ka masyadong mag-depend sa mga kinikilos nya, malay natin na sadyang malambing lang sya, maalagain, maunawain at hindi sya aware na sa mga simpleng kilos nya e nag-aasume ka na. Hindi naman masama mag-assume, unless na lang kung alam nyong pareho na may something sa inyo at nasa stage kayo na tinatawag na “Courtship” yung mga ganon. Pero kung wala naman  tigilan mo na, sinasaktan mo na nga sarili mo may chance pang mag-mukha kang tanga di lang sa harap nya kundi pati sa harap ng ibang tao.

Ako si Maria C. Isang simpleng babae na nagkagusto na napunta sa nagmamahal, nagmamahal sa isang lalake na itinuring kong mundo ko na lingid sa kaalaman nya. Malabo ba? Oo, Malabo dahil ako mismo ay nalalabuan sa nangyayari sa buhay pag-ibig ko. Gusto ko lang ibahagi ang parte ng buhay ko na minsang nagpasaya, nagpakilig at nagpaiyak sakin ng bongga. Oo, bongga dahil biruin mo halos buong magdamag yata ako umiyak nun to think na may klase ako kinabukasan tapos ang aga pa. Ang resulta, living zombie ang peg ko. Well, anyways sisimulan ko na as much as possible ayoko mag start sa Once Upon A Time gaya ng nababasa sa mga fairytale, kaya nga fairytale e, ibig sabihin di makatotohanan.

1st year high school ako ng una ko syang nakita, pagkakita ko pa lang sa kanya sabi ko sa sarili ko “Shet! Ang gwapo ni kuya” yung mga ganon tapos yun , dun na nag-start. Lagi akong nakatingin sa kanya kasi feeling ko makita ko pa lang sya buo na araw ko, kahit alam kong sobrang bata ko pa nun. That time, I might say na crush ko na sya, pero syempre dahil bata pa ko crush crush lang mga ganon wala pang malalim at matinding feelings na involve. Grabe yung effort ko para lang malaman ang pangalan nya nung time na yun, itago na lang natin sya sa pangalang Jake A. Nakalimutan kong sabihin na sa palengke kami unang nagkita, may pwesto kasi kami sa palengke kung saan pag weekends katulong ako ni Madir, as well as him, may pwesto din sila, nagtitinda din sya sa tito at tita nya na kumpare at kumare ng mga magulang ko. O diba? Ang galling ni Destiny talagang pinagtagpo kami! Isang katangahan na sumagi sa isip ko.

Habang tumatagal ang panahon, alam ko na sa sarili ko na hindi na yata simpleng paghanga ang meron ako sa kanya. Mahal ko na yata sya! Isang kahunghangan na pumasok sa isip ko. Buwan ang lumipas hanggang sa naging taon, ganun pa rin e. Hindi nawawala yung feeling na crush ko pa rin sya. Dumating na ko sa point na gusto kong malaman nya na gusto ko sya pero syempre may pride ako sa sarili ko, hindi ko ginawa. Mas pinili ko na lang na tignan sya, ang maganda nyang mga mata, ang malapad nyang balikat, at higit sa lahat , ang mga ngiti nya na nagpapalambot lagi sa puso ko. Minsan nga, naalala ko nahuli nya akong nakatingin sa kanya tapos binigyan nya ko ng ngiti, ngiti na palagi kong inaalala kung kelan ko ulit iyon makikita.

Isang araw nagulat na lang ako na wala na sya sa mga tita nya, pinagtanong ko kung bakit, pagkatapos ang sabi bumalik na daw sya sa probinsya nila. Aamin ko sa sarili ko na nalungkot ako nun. Sobra. Parang nawalan ako ng gana nun na pumunta ng palengke kasi ang process ng utak ko, Ano pang silbi ng pagpunta ko dun kung hindi ko na sya makikita? Wala na yung laging bumubuo ng araw ko at higit sa lahat nag-re-regret ako dahil hindi ko man lang nasabi ung feelings ko.

Months after ng umalis sya, Mag-th-3rd na yata ako nun, nagulat ako ng makita ko ulit sya na nagtitinda sa mga tita nya. Oo masaya ako. Actually wala syang pagsidlan pero mas pinili ko ang umiwas na lang kasi natakot na ko. Natatakot na ako na baka umalis uli sya, natatakot ako na maramdaman ulit yung sakit na naramdaman ko dati kaya ginawa ko ang lahat para huwag nang bumalik ang feelings ko sa kanya. Isang katangahan, kahunghangan at kabaliwan ang ginagawa ko nung mga panahon yun, oo, nagmomove on ako kahit hindi naging kami. Pero who cares? As long as nagmahal ka kahit unrecruited pa yan o hindi once na nagmahal ka, mag-mo-move on at mag mo-move on ka. Ganun ang insights ko sa buhay. Akala ko tapos na ung feelings ko sa kanya pero hindi pa pala, dati kasi ilang na ilang ako sa kanya kaya yung mga kilos ko awkward, nawala naman ung awkwardness pero bumalik uli sa dati e. Hindi ko alam pero palagi ko na ulit syang tinititigan hindi na tinitignan, mygod! You know how I misses this man infront of me” .

I'll be Ok... (One Shot Story)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz