Prologue

2.9K 47 56
                                    

"Cut! Take a break.We'll continue after thirty minutes," sabi ng director. Pinanuod ko siyang maglakad palabas ng apat na sulok na kwarto kung saan ginaganap ang shooting ko para sa isang commercial.

Agad namang lumapit sa akin ang mga make up artists at ang manager ko.

"Good take. Mukhang mabilis nating matatapos ito," Angie said while smiling. She's my manager since I started acting and she never lets me down sa pagkuha ng role ko.

"Thanks. I want to shoot a movie after this." I want to keep myself busy and I badly want a challenging role. Pagkatapos ayusin ang make up ko ay umalis na ang ibang make up artists. Natira na lang kaming dalawa ni angie, she handed me a cup of coffee.

"Are you sure? Your mom just called and she's asking me about your health." Napatigil ako sa pag-inom ng kape na hawak ko. I let out a sigh.

"Tell her I'm perfectly fine. Do you want to eat outside?" Tanong ko sa kanya para naman maiba ang topic namin. Nilabas niya ang phone niya at hinarap ito sa akin, malakas akong napabuntong hininga nang makita kung sino iyon.

"I thought you already broke up? He's going to ruin your image." Napailing na lang ako. Derick is my ex-boyfriend. And he won't stop bothering me since I dumped him, he's a famous singer. 'Nung una ay maganda ang nakukuha kong atensiyon dahil sa relasyon naming dalawa pero bigla na lang nasangkot ang lalaki sa pag-gamit ng drugs kaya bago pa kumalat ang balita ay nakipag hiwalay na ako. I don't love him anyway, well I do like him at first, but habang tumatagal he becomes a control freak and its unbearable.

"He's so annoying," Bulong ko saka kinuha ang cellphone ni Angie, pinatay ko ang tawag at blinocked siya.

Better...

"You better get rid of him Xienna," seryosong sabi ni Angie. "You have to be careful sa lahat ng gagawin mo"
I know na nag-aalala lang siya sa akin.

It was my decision para makipag relasyon kay Derick, she tried to stop me pero hindi ako nag papigil.

"Don't worry, he won't bother me anymore." Tumango siya saka hinawakan ako sa balikat ko.

"Good to know." Pagkatapos kong mag pahinga ay tinawag na ulit kami ng director upang ipagpatuloy ang ginagawa kanina.

Nasa condominium ako ngayon at pagod na pagod ako dahil sa ginawa kong commercial kanina. Tamad kong pinindot ang remote upang ilipat ang channel ngunit napahinto ako, kasalukuyang ini-interview ang isang lalaki, his curly black hair and smile made me stop, he looks tall kahit na nakaupo siya, I can see his deep brown eyes nang nag close-up ang kuha ng camera. I ran out of words, he's ravishing.

I leaned in at tinitigan ang telebisyon. Damn! He's hot.

"I believe you have a reason why you're here Mr. Dela Vega," sabi ng babaeng naka-upo sa kanyang harap. I know her, naging guest nila ako dati sa kanilang palabas. Umayos ng upo ang lalaki at ngumiti.

"You're right. I'm here to announce that we are currently searching for someone that could handle a big role. As you all know my book will be turned into a movie, I want to give every girl a chance to audition tommorow for the main role..."
Hindi na ako nakinig pa sa sumumod niyang sinabi mabikis kong kinuha ang cellphone ko sa aking bag. I dialled Angie's phone number saka tinawagan.

"What's wrong? I'm already sleeping." Narinig ko pa ang paghikab niya sa kabilang linya. I dont know why, but I'm really determined to get that role.

"I found something that I like..."
Panimula ko habang nakatingin sa telebisyon na nasa harap ko. Hindi ko alam kung anong nagpapa-excite sa akin. Is it the guy or the role? Maybe both? And I'm sure as hell I will get it.

No matter what....

Bound and Determined (COMPLETED) Where stories live. Discover now