ChatLoveStory

35 0 1
                                    


 May isang tahimik na gabi

Malungkot ng kaunti

Dinig kong tunog sa 'king tabi

Bigla akong napangiti.

Anong nangyari?

"Thanks", ang sabi.

Wala naman akong masabi

Kundi ang nakasmile na emoji.

Lumipas pa ang ilang araw

Kaming madalas nagkakausap

Damdami'y nagiging malinaw

Umabot na ang tuwa sa alapaap.

Bawat gabi pang magdaan,

Oh anong ligaya ang nararamdaman.

Ilang taong kong kalungkutan

Tila napalitan na ng kasiyahan.

Subalit...

Pangakong pinanghahawakan

Di maiwasang pagdudahan

Baka may iba ka naman

Baka.

Sana, ako na lang.

Di tayo magkakilalang personal

Nakuntento na rin sa iyong larawan

Ang makilala kang pormal

At masabi sayo ang damdamin ng harapan,

Lagi kong inaasahan.

Ilang araw pa ba ang dadaan?

Sabik na talagang makita ka.

Makita ka't maging masaya.

Subalit habang tumatagal paTiwala sa iyo'y lumalabo na

May nalaman akong iba pa

Tungkol sayo, bakit ganito ka?

Nagtanong ako sayoPero ano ito? 

Tila lahat ay nagbagoNagtanong lang ako,

Para malaman ang totoo.

Kung noon ika'y interesado

Bakit, obviously, hindi na ngayon

Katagang "Mahal kita" mo, 

Mababanggit mo pa ba iyon?  

shortchatlovestoryWhere stories live. Discover now