Alam mo ba?

35 1 0
                                    

Alam mo ba na gusto kita? Kaso dinadaga talaga ng dibdib ko hindi ko masabi ng harapan sayo lagi nalang nakatago sa isip ko ang salitang gusto kita.

Alam mo ba tuwing naglalakad ako sa daan hiniling ko na makasalubong kita. Kaso ang malas ko sa dami ng beses na naglalakad ako ni isa dun hindi kita nakita.

Alam mo ba na tuwing sasapit ang gabi iniisip kita naaalala ko yung dating tayo. Yung dating tayo na masaya kahit walang kwenta yun conversation natin okay lang basta hindi yun maputol.

Alam mo ba nung nagkita tayo napakasaya ko yun yung isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko.
Nung nakilala kita naramdaman kong hindi ako nag iisa. Anjan ka palagi para makinig sa kwento ko sa mga problema ko. Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita kahit ngayon ay parang hindi na tayo magkakilala.

Yung picture nating dalawa andito parin sakin nakatabi. Yun kasi yung dahilan ng dalawang oras kong pagngiti dalawang oras na masaya yung walang pangamba. Tanging ikaw lang ang nasaisip ko ng mga oras na yun. Nakakatuwa kasing tingnan parehas tayong nakangiti kaya tuwing tinitingnan ko yun nangingiti ulit ako.

Alam mo ba nasaktan ako yung sabi mo na hindi pwede. Hindi pwedeng maging tayo kasi may mahal ka ng iba. Nauna ang pagtulo ng luha ko bago ang reply ko sayo. Hindi pa nga ako umaamin na gusto kita malalaman ko nalang wala nakong pag asa.

Oo gusto kita. Ikaw lang ang gusto kong makausap sayo lang ako komportable sayo lang. Hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan basta naramdaman ko nalang.

Kaya heto ko ngayon nag aabang kahit alam kong walang darating. Nag aabang kahit walang pupunta para sunduin ako. Nag aabang sayo nagbabakasakali parin na pwede pang madagdagan ang alala natin dalawa nagbabakasakali lang naman.


Ngayon alam mo na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alam mo ba?Where stories live. Discover now