Not A Happy Ending

148 15 8
                                    

Not all love story has a happy ending, even mine.

-Ayanna

***

I was running like there's no time, because there is really no time. Late na ako sa PE class ko. Terror pa naman yung Prof namin. Pagdating ko sa gym, nagsisimula na silang mag-tennis.  Hingal na hingal akong lumapit kay Prof.

"Sir, I'm sorry I'm late." Hinihingal habang nakayuko kong sabi.

"You're 15 minutes late Ms. Feliciano! Stay at the locker room or else!"

"Y-yes Sir."

Bagsak balikat akong pumunta sa locker room. Pagpasok ko binalibag ko yung bag ko sa sofa na kaharap ng isang pader. At umupo.

*sigh* kumuha ako ng bola ng  basketball. Binato ko ito sa pader at sinasalo ulit.

"Curse this PE class! Damn this sports!"

Tumulo ang luha ko at may alaalang bumalik sa aking isip.

1 year ago...

Naglalakad kami ni Bricks sa gilid ng Manila Bay. It's our 2nd anniversary. Umupo kami sa lupa at hinawakan n'ya ang kamay ko, hihintayin namin ang sun set.

"Yan, okay lang ba sayo na sumali ako sa sports?" Nagulat ako sa biglaang tanong n'ya.

"Ha?...okay lang...naman."

*sigh*

"Tell me the truth Ayanna, kung ayaw mo hindi ako tutuloy."

"What?! No, no! I know na pangarap mo 'yan. It's okay. Really okay." Nakangiti kong tugon kahit na sa totoo kinakabahan ako sa plano n'yang pagsali sa sports. Maraming pumasok sa isip ko na pwedeng posibleng mangyari.

"Really?" Tumango ako "That's why I really love you Ayanna, oh! I forgot! There's no reason for love.

"Hahahaha, mukha mo."

"Gwapo." Nakangisi nyang sabi.

Not A Happy EndingWhere stories live. Discover now