H.E.R. S.I.D.E

79 19 17
                                    

Elementarya nagsimula ang lahat
Sa simpleng pinagawa nang guro malaki ang pinagbago
Sa isang linggo at apat na minuto nating pagsasama
Lumago ang isang pakiramdam na di ko inaasahan.

Naging magkaibigan tayo
Okay tayo sa simula,pero bakit nagtapos sa wala?
Dahil sa lintik na kaibigan kong pinagkatiwalaan
Yun pala sinabi sayo ang katotohanan.

Unti unti kang lumayo hanggang sa nawala na nang parang bula ang pagkakaibigan natin.
Binaniwala ko ito at pinahupa muna
At umasang bumalik pa sa dati ang ating pinagsamahan.
Nagtiwala ulit ako at nagpatawad ako para sayo
Pero ang nangyari ay mas lumalala pa ito
Na maging tadhana ay sumang ayon sa pagbubuwag nang pagkakaibigan natin.

Lumipas ang mga araw at buwan
Tumungtung na tayo nang 1st year.
Di na tayo naging magkaklase at nabuwag na rin ang pagkakaibigan natin
Pero kailan man umaasa pa rin ako na kahit magkaibigan man lang ay bumalik sa dati
Mula sa malayo pinagmamasdan kita nang palihim
Na maging sa bago kong kaibigan di ko ito masabi sabi
Dahil sa takot na dala nang kahapon
Na baka bumalik ito ulit

Hanggang sa araw na bigla mo akong kinausap
Bigla akong nabuhayan nang loob na baka sakali bumalik na ang pagkakaibigan na nawala.
Pero di ko maipaliwanag kong bakit parang ang bilis nang tibok nang puso ko
Parang hinabol ako nang libong libong lion na lalapa sa akin

Ngunit...
Kahit simpleng tingin di mo maibigay sakin, sa oras na tayo'y nagkausap uli
Para bang naiilang ka sa bawat salita na lumalabas sa bibig
Kaya ako'y nagdesisyon na umalis nalang
Kaysa kausapin pa kita na halata namang napipilitan ka lang.

Lumipas na naman ang panahon at nagpatuloy parin ang paghanga ko sayo
Kahit alam kong di na maibabalik sa dati ang pagkakaibigan natin
Natutunan ko na ring magtiwala uli sa mga bago kong kaibigan na salamat sayo at natuto na ako
Nagkabuwag man kami nang dalawa kong kaibigan
Alam ko namang di sila katulad nang traydor kong kaibigan

Hanggang sa dumating ang araw na nalaman kong may hinahanggaan ka na pala
Umasa naman ako....
Dahil sa minsang nahuli kitang nakatitig sa akin.
Umasa ako na ako ang babaeng hinahangaan mo
Umasa ako kahit alam kong masasaktan lang ako

Pero nabulag lang pala ako sa realidad na kailan man ika'y hindi magiging akin
Oo napakasakit ng katotohanang ika'y di magiging akin
Dahil na rin ako'y nakulong sa paghanga ko sayo
Don na ako natauhan na kailangan ko na kitang kalimutan
Pero kahit malimutan ko na ang nararamdaman ko sayo
Kailan man ikaw ay naging malaking bahagi nang buhay ko.

Nakalimutan na kita pagkatapos nang isang taon
Oo mahirap kang kalimutan pero mas mahirap na masaktan uli ako
Nalaman ko ring may paghanga ang isa kong kaibigan sayo
Supportado ko naman siya kahit medyo makirot pa
Minsan ako'y umaakyat sa taas para puntahan sila
Nagkatagpo bigla ang mga mata natin
Pero kaagad akong umiwas sapagkat alam kong sa tuwing magkakasalubong ang mata natin ako'y nasasaktan uli

Hanggang sa dumating ang intrams sa paaralan natin
Kaugalian na kasing magkaroon ito sa tuwing oktubre
Nagkaroon ng cheerdance mga sports feast at kong ano ano pa
Sa kasamaang palad tayo'y nagkasama sa cheerdance competition
Makapaglaro nga naman ang tadhana

Huli na ang lahatWhere stories live. Discover now