Prologue

11.2K 104 1
                                    


hello po!! ahm ito po ang aking ewan na istorya.

Medyo may mga parts po dito na brutal anyway hindi naman po malala.

open po ito for everyone

hope magustuhan niyo..ahihi

tanchu:D

lovelots

~'MarianaLiang ♥♥♥

=============================


My heart as hard as stone..I show no Mercy...I NEVER fall in love..

Sana pala naniwala ako sa kanya nang sabihin niya ang mga salitang yan. May pagkatanga kasi ata ako at hindi ko naintindihan ang huling linya niya..katangahan ko na dahilan kung bakit minahal ko ang Yakuza Princess..

Hindi ko nga alam kung bakit minahal ko ang babaeng laging nagbabanta sa buhay ko..dahil sa kanya ilang beses ko nang  nakaharap si kamatayan pero kahit ganun patuloy ko pa rin siyang minamahal..

Hanggang kelan ka ba magmamatigas at panghahawakan ang linya mong yan?? Naniniwala akong mahal mo rin ako Nana..alam kong mahal mo rin ako...

 

=======================

Pagdilat ko ng mga mata ko nasa quarters ako ng mga Yakuza. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Nasa harapan ko si Ginji at ang mga tauhan niya.

“Ano Kenneth may mga huling habilin ka pa ba?”

“Asan si Nana?? Pakawalan niyo ako!!”

“Padating na siya maghintay ka lang.”

Bumukas yung pintuan at pumasok si Nana kasama ang lolo niya. Nagbow silang lahat sa kanila pati na rin si Ginji.

“Nana! Mag-usap tayo! Pakawalan mo ako dito! Nana!!!”

Hindi niya ako pinansin. Ni hindi niya ako tinignan, dumaan lang siya sa harap ko at naupo sa tabi ni Ginji.

“Young man, I trusted you but what have you done? Our clan holds a single but very strictly implemented policy. Ginji!”

Tumingin ang lolo niya kay Ginji. Ano ba itong pinasok ko..hindi ko akalaing ganito mauuwi ang lahat..

“hai! (yes)”

“lahat ng taong walang kaugnayan sa amin na nakapasok sa quarters at may nalaman tungkol sa amin ay dapat mabura sa mundong ito.”

“Ano bang ibig niyong sabihin?”

Kahit naintindihan ko yung sinabi niya nagmistulang tanga ako. kausapin mo ako Nana!! Kailangan kita!!

“it’s time! Finish it Nana!”

Pagkasabi nun ng loolo niya agad tumayo si Nana at nagbow sa lolo niya tapos may pinuntahan na isang maliit na room.

“Nana mag-usap tayo!!! Nana!!”’

Dala dala na niya ang samurai niya pagbalik niya sa harap ko. hinugot niya ito at hinarap ang blade sa akin.

“Nana..”

Ito na nga siguro ang kapalaran ko..ang patayin ng babaeng pinakamamahal ko..

“Nanami..”

Pangalan niya na lang ang nasasabi ko..kahit yang pangalang yan lang ang madala ko sa kabilang buhay..hindi ko na naiwasang lumuha..hindi ako makapaniwalang kahit kailan hindi ako minahal ni Nana at dumating pa sa puntong siya ang papatay sa akin...

Pumwesto na siya at nakaready na sa pagsaksak sa akin. Hinihintay nalang niya ang senyas ng lolo niya.

Ito na ang oras ko..mahal na mahal kita Nana..mahal na mahal..

Nagnod ang lolo niya sa kanya at itinaas niya na ang mga kamay niya..hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko..gusto kong pagmasdan ang mukha niya..gusto kong maalala ang mukhang to..

“paalam Kenneth..”

Yakuza PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon